Chapter 1
ALIW na aliw ang mga kalalakihan sa kanilang kinauupuan. Sino ba naman ang hindi maaliw kung naggagandahang dilag at nag-u-umapaw na ka-sexyhan ang lalantad sa kanilang harapan.
Napangiti ako dahil bumebenta ang aming club sa mga kalalakihang mapabata man o matanda.
Magandang tignan mula rito sa monitor ang mga nagaganap. Mas nakikita ko ang nangyayari kahit nasa loob lamang ako ng opisina. Napahinga ako ng malalim at napahilot sa aking sentido ng sumakit ito, maging ang aking leeg rin ay sumasakit. Ito na ang trabaho ko mula pa lang ng mapunta ako sa ganitong industriya. Mahirap, kaya pahirap rin para sa kalusugan pero balewala na iyon dahil mabilis namang kumita ng pera.
Nakarinig ako ng pagkalabog ng aking pintuan hudyat na may nais na pumasok sa aking opisina. Sumandal ako sa aking kinauupuan at tumingin sa pintuan.
"Come in.."
Bumukas agad ang aking pinto at pumasok si Hannah.
"Miss A, may bagong papasok sa ating dancer. Sabi ni Levi ay suriin n'yo raw kung aprob sa inyo."
Napatango ako, "Sige, susunod ako."
Tumango ito at agad ding lumabas at sinarado ang pinto.
Ang bar na ito ay mailap sa kapulisan. Illegal kaya dapat na maging maingat kami upang hindi mahuli. Tago ang bar na kinatatayuan nito kaya malalaman lamang ng kapulisan sa bayan na ito ang bar kung mayroong magsusumbong.
Tumayo na ako at inayos ko ang suot kong fitted skirt. Nakasuot rin ako ng blouse na puti na bukas ang tatlong butones kaya lantad ang aking cleavage. Sanay na ako dahil kahit ako ang pinakamataas ang posisyon rito ay kailangan ko ring maging maalaga sa katawan at itsura para kasiya-siya din sa mga costumer na bigatin. Makapal rin ang make-up ko para mas tumapang at attractive akong tignan lalo pa't hilig ko ang mapulang lipstick sa aking labi na madaling makapang-akit ng lalake.
Lumabas na ako ng opisina at tinungo ang dressing room ng mga kababaihang dancer ng aming club. Agad na tumingin ako sa katabi ni Levi na inosente pa at bata.
"Miss A, siya ang pinasok ng nanay niya. Baka raw pwedeng mapakiusapan."
Tinignan ko ang babae mula ulo hanggang paa. Napatango ako dahil pwede ito dahil makinis, maputi, at meron rin namang ganda. Konting confident lang sa sarili ay tiyak akong lalabas pa ang ganda niya.
"Okay, bihisan siya at turuan ng gagawin. Ayoko ng hiya-hiya rito, maliwanag?"
Mabagal na tumango ang babae kaya pumitik ako kaya agad na kumilos sila Levi para ayusan ang babae. Humalukipkip ako at tinignan ang mga babae na busy sa kanilang pag-aayos.
"Miss A!"
Lumingon ako kay Hannah at nakita ko na excited siya at masaya na mabilis lumapit sa akin.
"Miss A, may bigatin tayong guest. Sila Mister Lim."
Napangiti ako..
"Okay. Tulungan mo sila Levi sa pag-aayos sa performer natin. Ako nang bahala kela Mister Lim."
Napangiti siya at agarang tumango.
Nauunawaan ko kung bakit siya tuwang-tuwa. Sa kadahilanang tiyak na tiba-tiba kami sa bayad na ibibigay ng intsik na si Mister Lim.
Lumabas na ako ng dressing room at confident akong naglakad.
Confident ako sa sarili ko dahil kaya kong dalhin ang aking sarili. Bago pumasok sa bar na ito ay sinisiguro ko na presentable akong tignan ngunit may ka-sexyhang taglay.
BINABASA MO ANG
The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITING
Fiksi UmumSa angking ganda at alindog na taglay ni Arwena ay walang lalakeng makalapit at humawak man lang. Nagtatrabaho siya sa isang club bilang manager, kaya sanay na siya sa mga lalakeng nagpapantasya sa kanya. Hanggang mapadpad sa paraiso club na pinagta...