Chapter 22

19.8K 498 4
                                    

Chapter 22

HINIHINTAY ko na gawin ni Edward ang pinangako niya. Ngunit naiinip na ako dahil parang wala siyang balak na ipakita sa akin si James. Hindi ako nanatili sa condo niya at wala siyang nagawa para doon.

"A, baka naman ay busy pa ngayon. Huwag ka ngang masyadong nega kay Edward."

Humarap ako kay Hannah na nandito ngayon sa condo ko dahil tinawagan ko siya para makausap. Dahil maging ako sa sarili ko ay hindi ko na alam ang gagawin.

"Hindi. Gaano ba kahirap iharap sa akin ang anak ko? Baka wala talaga siyang balak na ipakita sa akin si James. Sinabi niya lang iyon para utuin ako--at nagpauto nga akong muli!"

Napailing si Hannah sa akin tila ba hindi niya maunawaan ang pinuputok ng butchi ko. Napahinga ako ng malalim dahil wala. Wala akong makitang abogado at napapagod na ako. Gusto kong maiyak sa realidad na kahit anong gawin ko ay wala akong laban sa mga Esteban.

Isang tunog ng buzzer ng pinto ang nakapukaw sa amin. Nagkatinginan kami ni Hannah pero ako ang unang bumawi at nilapitan ang pinto. Huminga ako ng malalim bago buksan ang pinto.

Napatingin ako kay Edward na suot ang business suit niya tila kagagaling niya lang sa work.

"Mabuti't nagpakita ka na rin."

"Why? You miss me?"

"Tigilan mo ako. Dalhin mo na ako kay James."

Malamig na kung malamig ang trato ko sa kanya pero hindi ko maiwasan. Dahil ayokong bumigay muli sa kanya. At hindi porket may nangyari sa amin nung huli ay ayos na. Hindi parin ako titigil.

"Can I come in first?"

"No. Dalhin mo ako ngayon kay James. Oras na hindi mo tuparin ang sinabi mo, mas lalo kitang hindi mapapatawad."

Nagkatinginan kami at siya ang unang bumawi bago napabuntong-hininga. Tumingin muli siya sa akin na ang mga mata ay mapupungay. Hindi ako magpapadala sa ganun. Hinding-hindi.

"James is okay."

Nakatingin lamang ako sa bintana ng kotse habang lulan na kami nito patungo kung nasaan si James.

"Dapat lang. Dahil hindi ko pinababayaan si James para pabayaan niyo lang."

Narinig ko ang marahas niyang pagbuntong-hininga.

"Please, can you forgive me? Nanlalamig ka sa akin, at iyon ang ayoko."

"Alam mo ang sagot sa sinasabi mo. And please, don't talk to me."

Marahas na prineno niya ang kotse. Tumingin ako sa kanya dahil bakit pa siya huminto.

"Hindi tayo aalis rito hanggang hindi mo ako kinakausap ng maayos."

Hindi ako makapaniwala. Madiing nakahawak sa manibela ang mga kamay niya habang umiigting ang mga panga at kita ko ang paglabas ng ugat sa leeg niya.

"Wow! Ang kapal mo rin, ano? Kung wala kang balak na dalhin ako kay James, sana sinabi mo nalang kesa sinasayang mo ang oras ko."

Inis na inalis ko ang seatbelt at binuksan ko ang pinto pero napasinghap ako ng hawakan niya ang braso ko at mariing hinawakan bago ako pinaharap sa kanya.

"Fine! Dadalhin kita kay James! Ano, gusto mo bang makulong ako?"

Natigilan ako. Tinitigan niya ako habang naghahalo ang emosyon sa kanyang mga mata habang hinihintay ang tugon ko.

"Oo, nais kong makulong ka, pagsisihan ang lahat, Edward."

Lumuwag ang hawak niya at humarap muli siya sa daan at tumingin sa daan. Agad na pinaandar niya ang sasakyan na walang naging imik sa sinabi ko. Sinuot ko ang seatbelt at tumingin sa bintana.

The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon