Chapter 20
MALAKAS NA LIWANAG galing sa malakas na ilaw ang naaaninag ko. Naririnig ko rin ang boses ng mga taong nakatunghay sa akin. Ngunit nakatulala ako habang parang namamanhid ang mga katawan ko. Unti-unti akong napapikit sa sobrang paghihina na nararamdaman ko.
May tawanan ngunit hindi ko alam kung para saan iyon? Habang may lalakeng nasa ibabaw ko. Hindi ko kilala habang tulala ako ngunit ramdam ko ang pagsamantala nito sa katawan ko. Malabo ang lahat at kakaibang pakiramdam ang nararamdaman ng katawan ko. Gusto kong pumalag ngunit hindi ko maigalaw ang katawan ko.
Hindi ko alam kung bakit unti-unting luminaw sa akin ang lahat. Nakita ko ang mukhang ng isang batang-bata pa na siyang sumasamantala sa akin. Habang sila Max ay pinagkakatuwaan kami.
Napatingin sa akin ang lalake at parang blanko ang tingin niya. At nakilala ko kung sino ito.
"Edward!!"
Napabangon ako ngunit napahawak ako sa tiyan ko ng makaramdam ng kirot.
"Babe!"
Nakahawak ako sa tiyan ko na tumingin ako kay Edward. Bigla ay nahawi ko ang kamay niya na kinagulat niya. Nanginginig ako habang lumalabas sa isip ko ang katotohanan. Napatingin ako sa katawan ko at may suot akong hospital dress. Habang may dextrose na nakakabit sa braso ko. Inalis ko ito pero pinigil ako ni Edward.
"Babe, ano bang nangyayari sa'yo?"
"Don't touch me!"
Napabitaw siya ng itulak ko siya. Napaluha ako na kinamaang niya. Hindi ko alam kung bakit pa siya narito. Kung bakit niya ako pinaglaruan. Mula simula ay alam niyang siya ang nasa likod ng masalimot kong nakaraan.
"Babe.."
Nagpunas ako ng luha at inalis ang dextrose. Bumaba ako sa kama ngunit napadausdos ako sa sahig dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. Agad na nakarating si Edward sa harap ko at dinaluhan ako.
"Huwag mo kong hawakan!"
"Hindi ko alam ang kinagagalit mo pero hindi puwedeng hayaan kita na ganito."
Nagpupumiglas ako ng pangkuin niya ako pero balewala sa kanya iyon at hiniga ako muli sa hospital bed.
"Wala ka ba talagang alam o nagmamaang-maangan ka lang!"
Tumingin siya sa akin na tila ba wala talaga siyang alam. Napahinga siya ng malalim.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo. At hindi ko alam ang nangyari sa pagitan niyo nila Daddy kung bakit ka dinugo pero mabuti't walang nangyari sa inyo ni baby."
Tinignan ko siya habang napapakuyom ang mga kamay ko. Hindi ko akalain na ang hinahanap ko ay nasa tabi ko lang pala. Na ang lalakeng minahal ko pa ang gagawa sa akin no'n sa nakaraan.
"Edward, nais kong makausap ang asawa mo, maaari mo ba kami iwan sandali?"
Ang boses na 'yon. Tumingin ako rito at galit ko siyang tinignan. Kaya pala nais niyang siya lang ang mag-isang humanap sa mga kaibigan ni Max. Dahil dahilan niya lang iyon para mapagtakpang ang anak niya.
Nanginginig ako sa galit sa kanilang dalawa! Gusto ko silang saktan ngunit hindi ko magawa dahil panghihina ng katawan ko. Hinawi ko ang kamay ni Edward ng hawakan niya muli ako.
"I know you know the truth--"
"Napakasama niyo. Akala ko wala kayong intensyon sa pagtulong sa akin, pero kagaya lang din kayo ni Mr. Abenson! Ginamit niyo ako para pagtakpan si Edward sa kasalanang ginawa niya sa akin!"
Nakatingin siya akala mo ay balewala ang sinabi ko.
"I have a reason, Hija."
"Reason niyo ay para pagtakpan ang anak niyo at hindi magsisisi sa kasalanang ginawa niya. Alam niyo, mabuti pang umalis na kayong lahat sa harap ko! Ayokong makita kayo! Dahil oras na makaalis ako sa hospital na ito ay hindi ako magdadalawang-isip na sampahan kayo ng kaso!"
![](https://img.wattpad.com/cover/190561795-288-k52369.jpg)
BINABASA MO ANG
The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITING
General FictionSa angking ganda at alindog na taglay ni Arwena ay walang lalakeng makalapit at humawak man lang. Nagtatrabaho siya sa isang club bilang manager, kaya sanay na siya sa mga lalakeng nagpapantasya sa kanya. Hanggang mapadpad sa paraiso club na pinagta...