Chapter 14

22.2K 634 6
                                    

Chapter 14

NAGSIMULA na ang pictorial shoot kinabukasan dahil kailangan na rin na matapos iyon para makapag-focus na ang team sa gagawing event.

Nandito ako sa pictorial studio. Dahil syempre narito ang boss ko. Hindi ko siya masyadong pinapansin. Kapag may itatanong siya about sa work ay doon lamang ako nagsasalita. Pero kapag tungkol sa nais niya ay wala akong imik at umiiwas. Alam kong nakakahalata siya na may kakaiba sa akin. Lalo ngayon na ramdam kong nakatingin siya sa akin imbes na sa pictorial siya mag-focus. Tutal napaka-sexy ng bagong model na kinuha kaya tiyak na mag-e-enjoy siya ngunit kabaliktaran sa iniisip ko.

"Ghad! Ano ba 'tong kinuha niyo? Hindi pasado sa panlasa ko. Palitan niyo."

Napatingin kami sa director ng pictorial at designer na rin ng mga underwear ng JaRa. Agad na naglapitan ang staff rito.

"What's the problem?" tanong ni Edward na sa wakas ay tinigil na rin ang pagtitig sa akin. Dahil sa ginawa niyang iyon ay wala tuloy siyang alam.

"Mr. Esteban, hindi ko alam kung ano itong kinuha niyo. Kapag siya ang ginawang modelo ay baka walang magka-interest sa product natin. Ni hindi marunong mag-project. At sa totoo lang ay hindi ko siya type para sa newest bikini ng JaRa." reklamo ni Direk.

"So anong gagawin natin? Wala na tayong time maghanap. Praktisin niyo nalang at baka makuha sa ganun." sabi ni Edward.

"Mr. Esteban, hindi isang biro ito. Sinasabi ko na sa inyo na hindi papasa sa panlasa ng mga babae ang kinuha niyong model. Wala man lang charisma at alindog na siyang kaiinggitan ng mga babae at pagnanasahan ng mga lalake."

Sabagay, may point si Direct. Sexy nga ang babae ngunit may kulang.

"Miss Arwena.."

Napatingin ako kay Direct at nakatingin siya sa akin habang pinagmamasdan ako.

"Yes?"

Napamewang siya at napatango siya tila ba may nakita siyang hindi ko nakikita. Bigla siyang pumalakpak na kinalapit ng mga assistant niya.

"Change model. Pasuot niyo kay Miss Arwena ang kaparehas na bikini, bilis!"

Nanlaki ang mata ko at hindi pa ako nakakapag-react ng lumapit sa akin ang mga assistant niya at inakay ako.

"Wait."

"What the f*ck your problem?" iyon lang ang narinig kong pagtutol na mura ni Edward bago ako pinasok sa dressing room.

"Miss Arwena, sige na po, suot niyo na ito. Kami ang pagagalitan ni Direct kapag lumabas kang hindi pa nakabihis."

"Pero hindi ako handa. At hindi naman tama na ako.."

Ngumiti ang tatlong babaeng assistant ni Direct.

"Magaling kumilatis ng model si Direct. At tama siya. Mas sexy kayo di hamak kumpara sa model kanina."

"Pero--"

"Sige, wait namin kayo sa labas."

Sinara na nila ang pinto kaya napabuntong-hininga ako. Napatingin ako sa panty at bra. Kulay violet ito na ang bra ay may lace sa bawat gilid. At ang panty ay ganun din ngunit may slit ang magkabilang gilid bilang pinaka-design nito.

Kung susuotin ko ito ay dapat na tatagan ko ang loob ko. Sanay akong magsuot ng bikini ngunit hindi sa ganitong pagkakataon na makikita ng lahat ang katawan ko.

Matagal pa bago ako magkapag-decide na isuot ito. At halos pamulahan ako ng mukha at napatingin sa salamin dahil masyadong daring ang ayos ko ngayon.

The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon