Chapter 23
"HUMIGOP ka muna ng mainit na kape."
"Thanks." kinuha ko ang inalok ni Nicole na kape. Gaya nga ng nais ni Edward ay sasama kami ni James sa mag-asawa papuntang france. Pinag-isipan kong mabuti kung tama bang pumunta ako doon kahit wala naman akong tinatakasan rito sa pilipinas. Noon pa man ay nais ko na rin mangibang bansa, ngunit kulang lang sa opportunity. Kaya ngayong may pagkakataon ay siguro dapat ko na itong i-grab.
"Sure ka na ba na aalis kayo ng anak mo?"
Si Jace ay umalis dahil inaya ng mga bata sa isang bilihan ng makakain rito sa airport. Kaya kami naiwan ni Nicole dito sa departure area para hintayin ang sasakyan naming private plane ng mga Esteban.
"Pinag-isipan ko itong mabuti, Nicole. At tingin ko ito ang makakabuti."
Mabuti pa si Nicole, kita kong masaya siya kapiling ng pamilya niya ngayon. Buo, masaya, at walang problema.
"Kung iyan ang desisyon mo ay rerespetuhin namin. Pero alam mo, dati din kaming ganyan ni Jace na may problema. Tinakbuhan ko siya o mas tamang sabihin na tinaguan kasi masyado ng toxic ang pagsasama namin. Pero kung maibabalik ko lang ang panahon na kung sana ay nanatili lang ako sa tabi niya ay baka hindi kami umabot sa punto ng buhay namin na halos masira. Pero siguro nga lahat ng bagay ay may dahilan. At lahat ay sa huli magkakaroon ng kasagutan."
Naukit sa aking isip ang sinabi ni Nicole. Parang si Hannah, ganyan din ang pananaw niya. Ngunit lahat ng tao ay may pananaw at iba-iba, at iba din ang pananaw ko. Nasagot na lahat ng katanungan ko. Na ang dahilan ng lahat ng paghihirap ko noon ay dahil kay Edward. Kaya alam kong mas tama ang pananaw ko na hindi patawarin si Edward kahit iba ang sinasabi ng puso ko.
"Mr. Esteban, the plane is ready!"
"Tayo na."
Napatingin ako kay Nicole na tapos ng higupin ang kape niya. Habang ako, sa dami ng iniisip ay natulala nalang. Medyo malamig na ang kape kaya dineretso ko nalang ng inom kesa masayang. Tumayo ako at tumingin kami kela Jace na palapit na.
Nakita kong may bitbit na pagkain si James tila binili pa ni Jace lahat ng iyon.
"Naku, ang dami nito. James, ang dami naman ng pinabili mo sa tito mo."
Nahihiya ako dahil mamahaling chocolates pa ang mga hawak ni James.
"Walang kaso, A. Ako ang bumili n'yan at hindi hiningi ni James iyan."
Nahiyang ngumiti ako at pinisil ang pisngi ni James.
"Let's go." aya ni Nicole.
Tumango ako at kinuha ko ang bag namin ni James.
"Baby, lagay mo rito lahat ng chocolates mo. Mamaya muna kainin, okay?"
Tumango ito at nilagay sa shoulder bag ko ang chocolates na hawak niya. Sinara ko na ang bag ko ng mailagay ang chocolates niya at hinawakan ko ang kamay niya bago kami sumunod kela Jace.
Huminga ako ng malalim at tinatagan ang loob ko. Alam kong sa una ay magiging mahirap para sa aming mag-ina na maka-adjust sa buhay na sasalubong sa amin sa ibang bansa, pero kahit ano pa 'yan ay kakayanin ko. Kung ang pagsubok nga noon sa buhay ko na mas malala ay nakayanan ko, ito pa kaya na kasama ko si James.
Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko, kaya kinuha ko. Nakita kong si Hannah ang nag-text.
"A, tara na!"
Napatingin ako kela Nicole at tumango ako bago ibusal muli ang phone ko. Mabilis na inakay ko si James palapit kela Nicole. Ngumiti ako at pumasok na kami sa private lane. Manghang-mangha talaga ako dahil may sarili talagang plane ang mga Esteban. Kaya ang dali lang din naming makasakay ng hindi naghihintay ng matagal.
BINABASA MO ANG
The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITING
Aktuelle LiteraturSa angking ganda at alindog na taglay ni Arwena ay walang lalakeng makalapit at humawak man lang. Nagtatrabaho siya sa isang club bilang manager, kaya sanay na siya sa mga lalakeng nagpapantasya sa kanya. Hanggang mapadpad sa paraiso club na pinagta...