Chapter 29

24.8K 551 27
                                    


Chapter 29

HINDI naging madali para sa akin ang manatili sa bahay habang naghihintay ng resulta. Narito ang pakiramdam na para bang may inaalala ka. Na iniisip ko kung paano nga kung hindi ko anak ang inaakala kong Mishka? Parang nakakalungkot. At ang nakakainis, bakit ko ba nararamdaman ang pagiging ina sa batang na-lapnos?

Napahinga ako ng malalim at tumingin sa electronic calendar na nakasabit sa pader. Pang tatlong pong araw na ngayon at ngayon din ang araw para malaman namin ang resulta ng dna. Kinakabahan ako at meron rin naman pananabik.

"Mama!"

Napatingin ako kay James na pumasok ng room namin ni Edward. Nakabihis na ito. Marunong na siyang magbihis ng sarili niya.

"Bakit, baby?"

Agad na niyakap ko ito kahit hirap ako dahil halata na ang malaking umbok sa tiyan ko.

"Sabi ni Papa ay aalis na daw po tayo."

"Okay. Sabihin mo sa Papa mo na sandali lang at magpapalit lang kamo ako."

Tumango ito kaya kiniss ko siya sa pisngi bago pakawalan. Agad na naglakad siya palabas kaya napahinga ako ng malalim at napahawak sa dibdib ko. Kinakabahan ako at nag-aalala rin. Kinakabahan sa magiging resulta at nag-aalala na baka nga hindi pala namin anak ang batang nalapnos.

Tumayo na ako at nagpunta sa walk-in closet para magpalit ng damit. Nang ready na ako ay lumabas na ako ng walk-in closet dala ang bag ko. Lumabas na rin ako ng kwarto at bumaba. Pagdating sa sala ay naka-ready na sila.

"Are you ready, Babe?"

Lumapit sa akin si Edward at humawak sa bewang ko. Tumango ako kaya ngumiti siya at hinalikan ang tiyan ko.

"No matter what the result is, we need to accept, okay?"

"Okay."

"Alright. Let's go." aya niya at humarap sa mga bata, "Kids, let's go. Go to the car now."

Agad namang sumunod ang dalawa at hinarap muli ako ni Edward.

"Wala ka na bang naiwan?"

Umiling ako, "Wala na." tinaas ko ang bag ko para ipakita na iyon lang naman ang dala ko.

"I see. Give me your bag."

"Bakit?"

Ngumiti siya, "Of course, ayokong mahirapan ka pa."

Inismiran ko siya, "Sus. Dami mo pang pambobola. Oh, ayan."

Napangiti siya at kinuha ang bag ko, "Well, sa sobrang pambobola ko, bilog na tuloy ang tiyan mo."

Piningot ko ang tenga niya na kinahalakhak niya. Pabirong inirapan ko siya at kinuha ko na ang kamay niya para ayain. Inalalayan naman niya ako sa paghakbang sa ilang baitang lang na hagdan. At tsaka sa pagsakay sa sasakyan. Dahil nahihirapan na ako na kumilos ay kumuha na kami ng kasambahay at guard gaya ng nais ko... Kaya binilinan ang mga ito ni Edward bago siya sumakay.

"Wait, Ed, I forgot my gift. Can you get it for me, please?"

"What?"

"Nahihirapan lang akong bumaba. Sige na."

Napakamot siya ng ulo, "Tinatanong kita kanina, e."

"Bilis na. Nakalimutan ko nga kasi."

"Aist."

Wala din naman siyang nagawa kundi ang sumunod. Napahinga ako ng malalim at sumandal sa upuan.

"Mama, ano ba si Papa: Husband o Slave?"

The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon