Chapter 17

20.6K 531 23
                                    

Chapter 17

"IHINTO mo muna d'yan."

Napagdesisyunan namin ni Edward na lumabas. Lalo't wala naman kaming ginagawa sa bakasyunan. Maganda ang palawan at parang ang sarap manirahan dito kesa sa maynila na magulo.

At hindi na nga tumawag sa akin ang caller.. Kaya napagtanto ko na baka nga isang prank call lang iyon. Kaya hindi ko na inisip.

"Bakit?" tanong ni Edward.

"May bibilin lang ako saglit. Dito nalang kayo at ako na ang bababa."

Nang tumango siya ay tumingin ako kay James na prenteng-prente na nakahiga sa backseat habang unan-unan ang mga braso niya. Kaya naman ay bumaba na ako dala ang bag ko.

Maingat na naglakad ako habang palapit sa isang drug store. Agad na binati ako ng gwardya kaya binati ko rin ito bago ako tuluyan makapasok. Lumapit ako sa pharmacian para magtanong sa needs ko at tinuro sa akin kung saan para may pagpipilian daw ako.

Pumili ako ng magandang brand at tsaka ko binili. Bumili na rin ako ng tubig at biscuit para ipakain kay James at may alibi ako na may binili.. Sinilid ko sa bag ko ang binili kong pregnancy test at tsaka ako lumabas ng drug store.

"Okay na?"

Tumango ako kay Edward ng makasakay ako. Hinarap ko si James na nasa likod.

"Baby, here, kainin mo ito."

Naupo ito at nag-indian seat bago abutin ang binibigay ko. Nang makita na biscuit ay napasimangot ito.

"I don't like this."

"Masarap iyan at mas mainam kesa chocolate."

Wala na nagawa ito dahil kahit ayaw naman niya ay susundin parin ako dahil ganyan kabait na bata si James.

Umayos na ako ng upo at tumingin kay Edward na hindi pa pinapaandar ang sasakyan.

"Bakit?"

"Kamukha siya ni Lolo."

Pinaandar na niya ang sasakyan at alam ko ang iniisip niya.

"Edward, gusto mo bang malaman kung sino ang ama ni James?"

Napalingon siya saglit, "Yes, of course."

Napatango ako at tumingin sa labas ng bintana.. Naisip ko na dapat kong sabihin sa kanya ang totoo para maayos kami at hindi na siya nag-iisip ng iba sa akin. Napagtanto ko na hindi talaga kami magkakaayos kung palagi siyang may hinala. At kahit na wala pang sinasabi si Sir Jam na itigil ang pagpapanggap namin na kunwari ay mistress niya ako ay lalabagin ko na. Alam ko naman na hindi siya magagalit..

Nagpunta kami sa isang park na malapit. Medyo dayo rin ang ibang tao. May mga stall rin na bilihan sa paligid. At may arkilahan ng bike na pwedeng gamitin.

Iniwan ko muna sila para magbanyo. Nilabas ko ang binili kong pregnancy test at huminga ako ng malalim bago ko ito gamitin. Nanatili muna ako sa cubicle para hintayin ang result. At ilang sandali lang ay napahinga ako ng malalim at napapikit.

God. I'm positive!

Sinilid ko sa bag ko iyon at tsaka ako lumabas para maghugas ng kamay. Tumingin ako sa salamin at napahawak sa tiyan ko. Hindi ko nais na maranasan muli ang panahong dinadala ko sa sinapupunan ko si James. Sobrang hirap na mag-isang pinapalaki si James. Wala akong kasama noon na magpacheck-up. Wala akong mautusang bumili ng mga pinaglilihian ko. Yung tipong nais mong bumili ay hindi mo magawa dahil sa mga sintomas ng pagbubuntis ko. At yung panahong wala man lang ako kasamang bumibili ng gamit ni James kundi ang bodyguard lamang ng mga Esteban.

The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon