Chapter 4

25.7K 561 18
                                    

Chapter 4

MATAAS na ang araw ng makarating kami sa isang beach island. Hinintay ko munang makaalis si Edward bago ako lumakad para sa outing namin ng buong team ng Paraiso.

Ngayon lang nakaapak ang mga paa ko sa buhangin. Para akong nakahinga mula sa dilim at nakita ko rin ang liwanag ng araw sa umaga. Napakasarap sa pakiramdam at nakaka-miss ang ganitong kagandang umaga.

"Miss A, tulungan ko na kayo."

Ngumiti ako kay Alex at binigay sa kanya ang dala kong bag.

"Thanks."

Biglang humangin nang malakas kaya nagliliparan ang mahahabang hibla ng aking buhok at kumukumpas ang telang suot kong backless floral dress na hanggang ankle ko ang haba.

Naglakad kami patungong hotel para ipasok ang gamit namin sa ni-reserved naming room bago namin libutin itong napakagandang isla sa silangang katagalugan.

Lahat ng lalake at babae sa team ay magkasama sa magkabukod na room habang ako ay nag-iisa sa kinuha kong room.

Nakatitig ako sa kapaligiran habang nakatayo sa harap ng glass wall ng room ko. Hindi ko mapigilan na mag-isip dahil nahanap ko ngayon ang katahimikang hinahanap ko.

Ang trabaho ko sa bar ang paraan ko para makalimot sa nakaraan. Kung maibabalik ko lang sana ang nakaraan ay sana naging matalino ako sa aking mga ginagawa.

Napahinga ako ng malalim at umalis na sa pagkakatayo sa harap ng glass wall at lumapit sa dala kong bag para kunin ang bikini ko. Nais kong maramdaman ang araw at sulitin ang pagkakataong ito. Dahil mamayang gabi rin ay babalik na kami.

Wearing my white pair bikini, short sleeve lace see through cut out dress, fliptops, at nilantad ko rin ang kahabaan ng aking buhok habang suot ang summer hat and shades. Lumabas na ako ng room pagkatapos.

"Sexy niyo talaga."

"'Wag mo na akong bolahin, Hannah."

Napangiti siya, "Salamat sa sandaling outing na ito, Miss A. Atleast ngayon ay makakapagpahinga talaga tayo sandali."

"Hindi mo na kailangang magpasalamat. Trabaho ko parin na bigyan kayo ng break."

Napahinga siya ng malalim at ngumiti.

"Ikaw nga ang may kailangan ng break. Mula nang magtrabaho ka sa Paraiso bilang waitres hanggang maging manager namin ay hindi ka pa nagde-day-off. Kaya masaya ako bilang kaibigan nang sabihin mo na may outing tayo."

Umiwas ako ng tingin at humalukipkip ako.

Tama siya. Mula noon ay trabaho lamang ang palagi kong ginagawa. Ni hindi ko ninais noon na mamasyal at mag-relax nang ganito.

"Wala rin namang saysay kung mag day-off ako. Sa bahay lang din ang punta ko. Kaya kesa sayangin ang oras ay itutuon ko nalang sa bar."

"Masyado mo lang kasi sinasarili ang lahat, Miss A. Tuwing may event ang bawat isa ay tumatanggi ka. O 'di kaya ay mahirap kang abutin."

Natawa na tinignan ko si Hannah, "Tama na nga. Kung saan-saan na tutungo ang usapang ito."

Napailing siya at hindi ko na pinansin. Lumapit ako sa sun-lounger at naghubad ako ng hat at shade bago ang see through lace dress ko ang hubarin. Nilapag ko lahat nang iyon sa sun-lounger. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri bago humarap sa dagat. Nagkakasiyahan na ang team sa paliligo. Kaya naman ay nagtungo ako sa gawing dagat na walang tao.

Agad na dumapi sa aking katawan ang malamig na tubig na nagbibigay ginhawa sa akin. Agad na sumisid ako at napangiti ako dahil napakaganda ng ilalim ng dagat. Umahon ako at hinagod ang buhok ko para mawala ang tubig.

The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon