Chapter 5

27K 571 37
                                    

Chapter 5

TAKIP-TAKIP ko ang aking dibdib dahil sa pagkasira ng aking damit kaya lumitaw ang aking cleavage at bra. Napahinto ako sa pagpasok sa aking room ng makita si Edward na nakaupo sa kama habang nakayuko.

Huminga ako ng malalim at sinara ang pinto kaya napaangat siya ng tingin. Nabigla ako sa kanyang reaksyon. Ngayon ko lamang nakita ang blanko niyang tingin.

"Saan ka galing?"

"Diyan lang." nagpatuloy ako sa paglalakad para lumapit sa bag ko, "Oo nga pala, anong nangyari sa pinagagawa ko sa'yo?"

Busy ako sa paghahanap ng isusuot ng maramdaman ko sa likod ko si Edward.

"Akala ko pagkatapos ng inutos mo ay narito ka pagbalik ko. Pero bakit mas nauna pa ako sa'yo? Bakit sira ang damit mo?"

Nahimigan ko sa tono niya na para bang nanghihinala siya pero parang pinipigil niya ang sarili na huwag manghinala.

Napahinto ako sa paghalungkat sa bag ko at hinarap ko siya. Muli ay ganun na naman ang reaksyon niya.

"Naisipan ko kasi na libutin pa ang resort. At kaya nasira ang damit ko ay dahil kumawit ito ng mahulog ako sa isang malaking bato."

Bigla ay napahawak siya sa magkabilang braso ko at sinuri kung may gasgas ba ako. Napatitig siya sa leeg ko kaya agad na napatakip ang kamay ko doon.

"Damn it! Saan nanggaling 'yan?!"

"Wala."

Mas humigpit ang hawak niya sa magkabilang braso ko kaya napangiwi ako. Nakita kong nagdilim ang mukha niya kaya agad na humawak ako sa mukha niya.

"Ikaw ang may gawa nito. 'Di ba hinalikan mo ako kanina rito?"

Bigla ay natigilan siya. Ngumiti ako at napaangkla sa leeg niya..

"I-I.."

"Shhh.. Mali ang iniisip mo, okay?"

Hinapit niya ako sa bewang bago ako niyakap ng mahigpit. Napapikit ako at lihim na napabuga ng hangin.

Ibang lalake ang may gawa no'n. Kung malalaman niya ay baka magalit siya at hindi na ako sundin muli. At hindi ko na magagawang pasunurin siya.

Humalik siya sa leeg ko at napatingkayad ako ng pisilin niya ang pang-upo ko.. Napatingala ako at napasabunot sa buhok niya.

"I trust you, A."

Ngumiti ako at hinawakan siya sa mukha. Ang kaninang madilim na mukha ay bumalik sa maamo at maaliwalas..

"Ako lang dapat ang paniniwalaan mo, Good boy. Ako lang.."

Tumango siya at napalunok ng dilaan ko ang labi ko. Humaplos ang kamay ko sa balikat niya pababa sa dibdib niya. Hanggang sa bumaba ang mga kamay ko sa tiyan niya. Pumasok ang mga kamay ko sa loob ng t-shirt niya.

Nakatingin ako sa kanya habang hinahaplos ang abs niya. Kusa niyang inalis ang t-shirt at muling humawak sa bewang ko.

"Puwede mong sabihin sa akin ang nasa isip mo kanina, Good boy."

"Nakita ka raw nina Cedric na sumama sa isang lalake.. Pero hindi na ako naniniwala doon. Dahil ikaw ang paniniwalaan ko."

Tumigil ako sa paghaplos sa katawan niya at tumalikod sa kanya. Lumapit ako sa glass door at alam kong kasunod ko siya.

"Talaga? Ako ang paniniwalaan mo?"

"Yes, ofcourse."

Humawak siya sa bewang ko at pinisil. Napangiti na humarap ako sa kanya at muli kong hinawakan ang katawan niya.

The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon