Obsession 1

47.1K 1.2K 174
                                    

Gresha

My whole system protested when I suddenly got up from my bed.

Halos madaling araw na akong nakatulog kagabi dahil tinapos ko pa lahat ng gawain sa paaralan. Hindi pa sumisikat ang araw kaya alam kong halos dalawang oras lang ang aking tulog.

Uminom ako ng tubig upang mabuhayan ang aking natutulog pang sistema.

Today is Saturday, and I have to work early.

Marahan kong sinara ang pinto ng aking kuwarto dahil baka makabulabog ako sa mga natutulog pa.

Lumabas na ako sa apartment na aking inuupahan. Hanggang ngayon ay hindi pa tuluyang sumisikat ang araw. Ngunit sanay na ako sa ganito.

Mabilis akong naglakad upang makarating ng mas maaga sa pagtatrabahuan ko. Hindi ko naman talaga kailangang gumising ng sobrang aga dahil madali lang naman yun marating kung sasakay ako ng jeep, ngunit nakagawian ko ng lakarin na lang ang daan papunta roon.

Kailangan kong magtipid. Lalo na ngayon na mapapasubok na naman ako sa mga bayaran sa paaralan dahil malapit na ang final exam.

Ako lamang ang sumusuporta sa aking sarili.

I grow up with my mom, but she passed away two years ago. I just turned eighteen that time. She's the only one I got, so I was left all alone by myself when she passed away.

Masakit at sobrang hirap noong nawala siya, ngunit unti-unti ay natutonan kong tanggapin.

My life must go on.

Natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa.

I'm now a first year college student kaya medyo nahihirapan ako sa mga expenses this time. Noong dalawang nakaraang taon ay hindi ganito kahirap dahil nasa senior high school pa lang naman ako. Kaya kailangan ko ng dobleng kayod, lalo na ngayong tuluyan ng naubos noong mga nagdaang buwan ang ipon ko last summer.

Maswerte na nga ako dahil may scholarship ako mula sa unibersidad na aking pinapasukan. Pinangako ko sa aking sarili na kailangan kong ayusin ang pag-aaral ko at nang sa ganoon ay magandang kinabukasan naman ang haharap sa akin.

Medyo tahimik pa ang kalye na aking tinatahak. Bukod sa natural na ingay, iilang sasakyan na napapadaan at tindahan na nagsisimula ng magbukasan ang lumilikha ng ingay.

This is one thing I love from walking at times like this.

This kind of calmness that the surrounding is giving me. It's so quiet, yet you know that you're not alone. Nararamdaman ko na hindi ako nag-iisa.

"Magandang umaga, Aling Marta," bati ko sa ginang na nagwawalis sa puwesto ng kanyang maliit ng tindahan.

Dito ako madalas tumitigil sandali upang magkape. May coffee vending machine kasi sila.

"Oh Gresha! Hay nako, lalakarin mo na naman ba ang daan papunta sa trabaho mo?"

"Hindi ka pa nasanay, Aling Marta. Tsaka sabi ko nga, ehersisyo ko na rin ito. Tuwing Sabado lang naman dahil may pasok na." Napalapit na rin ako sa kanya sa halos isang taon ko nang pamamalagi rito at pakikipag-usap sa kanya.

"Hay nako! Kung mayaman lang talaga ako ay hindi ako magdadalawang isip na tulungan ka. Napakasipag mong bata."

"Ano ka ba Aling Marta? Unahin mo muna ang pamilya mo. At kaya ko pa namang buhayin ang sarili ko." Nginitian ko siya.

Kahit kasi may tindahan siya ay mula lang sa utang ang kanyang capital at minsan nalulugi pa. Iniwan na siya ng kanyang asawa at marami rin ang kanyang anak. Ngunit ilang beses na rin akong pinahiram ni Aling Marta ng pera tuwing sobrang gipit ako, at sinisikap ko namang mabayaran siya agad.

Fated To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon