Obsession 8

24.8K 1K 12
                                    

Gresha

It's just 7:30 in the morning, but I'm already outside the apartment waiting for Ma'am Veronica. Sabi niya ay exactly 8:00 niya ako susunduin, ngunit kailangan kong ipakita na maagap ako. First impression lasts.

Nakausap ko na rin ang manager ng pinagtatrabahuan ko tuwing sabado. Mabuti naman at naintindihan niya ang aking sitwasyon.

Ilang minuto lang ang lumipas ay may isang itim na kotse ang tumigil sa aking harapan.

Bumakas ito at lumabas si Ma'am Veronica. Agad niya akong tinitigan na mukhang pinag-aaralan ang aking bawat parte. Bigla akong naging conscious.

"G-good morning, Ma'am Veronica," kinakabahan kong bati sa kanya.

She's really intimidating. Her face is strict as always.

Inayos niya ang kanyang malaking itim na sombrero at agad na isinuot ang sunglasses na dala niya.

"Good morning too, little Gresha. Drop that 'ma'am', call me tita Veronica."

"Sige po, t-tita Veronica." Damn! Nauutal ako dahil sa presinsiya niya.

"I'm really glad that you decided to work with us." Binigyan niya ako ng ngiti kaya medyo nabawasan ang kaba ko.

"The pleasure is also mine."

"Iyan na ba lahat ng gamit mo?" patukoy niya sa mga bag na nasa aking likoran. Napatango naman ako.

*

"The most important thing you need to have is obedience. Just be obedient and nothing bad will happen. You will clean the whole mansion, but you are not allowed to disarrange anything. Kung kinakailangan mong alisin, dapat ay ibalik mo rin agad. You can't go up to the third floor unless being told. That's where our boss is staying. He wants a peaceful environment, so as much as possible, minimize the noise that you create. You don't have to prepare meals for us, someone will do that job. Just simply prepare yours. Wake up as early as possible to maximize your cleaning time, but you should be on your bed before seven in the evening. If you need something, just ask me, only me. Understood?"

"Yes, ma'a- I mean tita Veronica." Hanggang ngayon ay hindi pa ako sanay na tawagin siyang tita.

"Good. That's all."

Kahit yung ibang patakaran ay may pagkaweird ay hindi na ako nagbalak na magtanong pa. Wala naman akong problema, ang kailangan lang ay sundin ko lahat ng iyon.

Napatingin ako sa nadadaanan namin. Halos 30 minutes na ang aming biyahe. Napansin kong palayo kami ng palayo sa mga naninirahan sa siyudad.

Tanging mga nagatataasang puno na lamang ang aming nadadaanan. Hindi ko alam kung saan kami papunta, unang beses kong marating ang lugar na ito. Hindi naman ako kinakabahan na baka illegal ang trabahong ito dahil may tiwala ako kay Mang Agustine. Alam kong hindi niya ako hahayaang mapahamak. At kahit papaano ay mas gumagaan na ang pakikitungo ni tita Veronica sa akin. Mukhang mabait naman pala siya, sadyang istrikto lang ang kanyang personalidad.

Hindi ko tuloy maiwasang magtaka. Malaki ang mansyon ni Mang Agustine. Hindi naman maikakaila na mayaman siya, ngunit bakit kailangan pang magtrabaho ni Tita Veronica bilang isang mayordoma? Siguro malaki ang sahod niya. Sabagay yung sa akin nga ay may kalakihan, sa kanya pa kaya. Ano kaya ang trabaho ng amo niya? Hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan ng magiging amo ko. Hindi ko naman magawang magtanong. Binilin niya kasi sa akin kanina na huwag pagtuonan ng pansin ang aming amo. Hindi siya mahilig makipagsalamuha, yan ang paalala sa akin ni Tita Veronica.

Nanlaki ang mata ko ng mabasa ko ang nakasulat sa welcome sign sa gilid ng daan.

"Old Forest Village." Hindi ko namalayang naibulong ko na pala ito.

"Is there any problem, Gresha?" Bigla kong inayos ang aking pagkakaupo at umiling.

"Wala naman po. Akala ko kasi ay matagal nang walang naninirahan sa village na ito."

Old Forest is the oldest village here. Maraming akong naririnig na mga kuwento tungkol dito. Urban stories, perhaps.

"Is that so? Kami lang ang nanatili sa village na ito ng magsimulang magsilipatan ang lahat papunta sa sentro ng siyudad. At ilang taon na rin kaming wala rito kaya siguro sinabi nilang wala nang naninirahan sa village na ito. But now we're already back," pag-iimporma niya sa akin kaya napatango ako.

Tuluyan na kaming pumasok sa isang gubat, ang bukana papasok sa village, that's where the name of the village was derived from. Nasa pusod ng gubat ang lokasyon nito.

Ang dating maliwanag na daan ay halos naging madilim na dahil natatakpan ng mga nagtataasang puno.

Bigla akong nasabik.

Forests have a great place in my heart. Lumaki ako sa isang gubat. Noong tumuntong ako ng grade school ay tsaka lang kami lumipat ni mommy sa siyudad. Ngunit kung may free time ay bumibisita pa rin kami roon. Ngunit nang lumipat na kami rito limang taon ang nakalilipas ay tuluyan ng nag-iba ang takbo ng buhay ko. Namuhay na ako sa gitna ng siyudad.

Precious old memories.

"Tita Veronica, maari ko bang buksan ang bintana ng kotse?" nagagalak kong tanong.

Napatingin lang siya sa labas na mukhang sinusuri ang buong paligid.

"You can."

Nang mabuksan ko na ang bintana ay agad na humampas sa aking pisngi ang sariwang hangin. Narinig ko rin ang iba't ibang uri ng tunog na maririnig mo lang sa gitna ng gubat.

Somehow, it feels home.

Fated To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon