Veronica
"Nakausap mo na ba ang kapatid mo?"
Kung hindi lang ako sanay ay manginginig na ako sa takot sa tono ng kanyang pagsasalita.
"Yes," maikli kong sagot.
Inilapag ko ang dyaryo na nabili ko kanina sa daan pauwi. Nakasulat doon ang isang balita tungkol sa pagkamatay ng isang professor sa Princeton University.
Tinignan niya lang ito.
"Yes. I'm the one who killed that mongrel," kaswal niyang sabi na mukhang sinagot ang nagtatanong kong mga titig. Wala manlang emosyon ang mababakas sa kanya.
"Why?"
"He scared Gresha. And after knowing his dirty intention, I killed him with passion." Nakangisi siya na parang isang nakakatakot na tigre.
Napatango lang ako.
"Are you sure that she's the one you're looking for?" Pag-iiba ko ng topiko.
"She has the necklace. Veronica, you know for a fact that I almost spent my past years searching for her. I let her go once, but I won't do it again. Never."
Halos pinigilan ko ang aking hininga dahil sa kanyang pagiging seryoso. Yes, he is serious all the time, but now is another level of seriousness.
"I'm beyond grateful that you finally found here, my king," puno ng sinseridad kong pahayag.
Saksi ako kung paano siya nagsumikap na mahanap ang babaeng iyon. Ilang lugar na rin ang aming pinuntahan at literal namin itong hinalughog. He's too desperate.
And just when we're about to give up, unexpected things happened.
Masyadong mapaglaro ang tadhana. Masyadong maliit ang mundo. Sinong mag-aakala na ang hinahanap namin ay naririto lang pala? Sa lugar na aming unang hinalughog noon at walang nakitang kahit anong bakas niya.
"You can leave now," malamig niyang pahayag.
Yumuko ako sa kanya bilang pagbibigay galang at umalis agad.
Of course, I need to pay so much respect because I'm talking to a king.
Bumaba na ako at pinasadahan ang malaki at makalumang mansion. Ilang taon na rin ang lumipas bago kami nakauwi rito.
At sa aming pagbabalik, hindi ko inaasahang may dadating na isang espesiyal na bisita
Gresha Iris, you will be here soon, to the place where you truly belong --to him.
BINABASA MO ANG
Fated To Be
VampireMIDNIGHT CREATURES SERIES 1 "I am the king, but you are my ruler. I am a demon, but you are my religion. I got everything in life, but you are my greatest obsession." * Gresha Iris lived her life in isolation for many years, but everything changed t...