Obsession 41

13.3K 566 40
                                    

Third Person

Samantala, nang makabawi si Lucios sa nasaksihan ay kakaibang galit ang kanyang naramdaman. Hindi niya lubos akalain na magkakaroon ng koneksiyon ang hari ng Vampyria sa isang lobo, ang natural na kaaway ng kanilang lahi.

Kung hindi lang napatalsik ang kanyang ama na dating hari, isusunod na sana nito ang pagpuksa sa lahi ng mga lobo.

Kinabahan ang karamihan ng makitang biglang lumutang ang iba't ibang bagay papunta sa himpapawid. Ang mga sandata, tipak ng bato, at maging mga kahoy ay mabilis na lumutang sa itaas nila.

Dulot ito ng hindi masukat na puot ni Lucios.

"How dare you befriend a wolf?! I despise your existence. I curse your being! You don't fit to be the king of Vampyria!" sigaw ni Lucios kay Caldrix.

"Just for your info, we are not friends, and never we will be," nakakalokong sagot ni Austin kay Lucios kaya mas lalo pang bumugso ang galit nito.

"You will die together with everyone else!"

Sa isang iglap ay walang humpay na bumulusok pababa ang iba't ibang bagay na pinalutang kanina ni Caldrix.

Walang humpay na mga sigaw ang umalingawngaw nang mahahaba at matutulis na metal ang lumabas mula sa ilalim ng lupa at walang dahas na tumarak sa kanilang katawan.

Dahil hindi inaasahan ang pangyayari ay hindi sila nakapaghanda kaya't maraming nasawi lalo pa't pinapaulanan din sila ng iba't ibang sandata mula sa himpapawid.

Maging si Austin ay hindi magamit ang kapangyarihan sa takot na mapinsala maging ang kasamahan ni Caldrix.

"Face your doom, mongrels!"

Muli, umalingawngaw ang napakalakas na halakhak ni Lucius.

Hindi na nakayanan ni Caldrix ang karahasang ginagawa ni Lucios. Maging ang mga sariling kawal nito ay hinahayaan niyang masawi.

"Enough!" sigaw ni Caldrix at bumulusok papunta sa kinaroroonan ni Lucius.

Hindi inaasahan ni Lucios ang kakaibang bilis ni Caldrix at nagulat na lang siya nang nasa harapan na niya ito na may naglalagablab na kamao.

Nalingat ang konsentrasiyon ni Lucios kaya pansamantalang tumigil ang ginawa niyang atake kanina.

Naghanda siya sa pag-amba ng atake ni Caldrix. Walang humpay na nag-aalab na suntok ang bumulusok papunta sa kanya, ngunit sinangga lamang ito ng kanyang golden orb.

"You can never destroy my golden orb. When I assassinated your parents, I made use of their blood well. This thing has a mixture of their blood, a powerful blood of purebloods same to what is running in your veins. You can never defeat me. Give up already, Caldrix."

Napatigil si Caldrix sa pag-atake nang marinig ang turan ni Lucios. Hindi niya lubos maisip ang karumaldumal na tadhana na naranasan ng kanyang mga magulang sa kamay ni Lucios. Hindi niya lang sila pinatay, dinungisan niya ang kanilang puri at dangal.

"You filthy scum!" sigaw ni Caldrix at nagsimulang magkaroon ng kulay gintong hugis diamond ang kanyang noo.

Napaatras si Lucios dahil sa kakaibang puwersang kanyang naramdaman. Hindi niya rin mawari ang nangyayari kay Caldrix. Kaya ay marahas niyang kinabig ang tahimik na si Gresha papunta sa kanyang gilid.

Napasinghap ang lahat nang dalawang pakpak ang lumabas sa likuran ni Caldrix. Kulay ginto ang matutulis nitong mga balahibo. Ilang segundo rin lang ay isang espada ang lumabas sa kanyang harapan na mabilis niyang hinawakan at marahas na iwinasiwas papunta kay Lucios.

Fated To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon