Gresha
Maayos kaming nakarating sa simpleng village ng pack ni Austin.
Kahit hindi ko pa nalilibot ang kabuoan ng lugar ay sigurado akong magagalak ako rito. Nakatago ito sa pusod ng masukal na kagubatan kaya halos kulay berde ang aking nasisilayan.
Hindi tulad ng Vampyria ay mas tahimik at payapa rito. Hindi gaano karami ang nakatira. At ang lahat ay may kanya kanyang ginagampanan. Napansin ko ito kanina nang papunta kami rito.
"You're too focused on the place that you're forgetting someone," nakasimangot na bulong sa akin ni Caldrix at marahang hinalikan ang aking balikat.
Simula kanina ay halos hindi na siya humiwalay sa akin. Tulad ngayon, mahigpit siyang nakaakbay sa aking balikat habang naka-upo kami sa sofa ng bahay ni Austin.
Nginisihan ko lang siya, at nang napairap siya ay dinampian ko ng maikling halik sa pisngi.
"I must get you a room immediately," bungad ni Austin sa amin kaya napaayos ako ng upo.
"The banquet is ready, we can dig in," pag-iimporma niya at tila hudyat, biglang kumalam ang sikmura ko. Hindi ko alam kung ilang araw na akong walang kain.
Sumunod kami sa kanya at bumungad sa amin ang mesang puno ng iba't ibang pagkain. Mas kumalam ang aking sikmura at lumala ang aking pagkagutom.
"Unlike your bloodsucker mate, werewolves are heavy eaters. And we eat human foods," nakakalokong sabi ni Austin kaya inambahan siya ni Caldrix.
Ilang sandali rin lang ay may nagsidatingan na mga matitipunong lalaki na pawang pang-iibang kasuotan lang ang suot.
"Can't they even fucking wear damn shirts?" asik ni Caldrix at mas hinila pa ako palapit sa kanya.
Umiling si Austin.
"Uh-oh. That's how we are, werewolf thing. In fact, in some ocassions, naked folks are in sight."
"We will eat in a separate room. Just deliver our food," utos ni Caldrix at kinaladkad ako papunta sa isang silid. Mabilis niya itong isinara.
"We will get out of this place as soon as you satisfy your stomach."
"Honestly, gusto ko ang lugar na ito."
"What?" Napatakip ako ng taenga nang sumigaw siya.
"I mean, gusto ko ang setting ng lugar dito. Masyadong payapa at malayo sa gulo. Napakapresko at natural."
"I thought - - -" Hindi ko na siya pinatapos pa at pinisil ang kanyang pisngi.
He's obviously jealous.
"It's not what you are thinking. I already have the most handsome and hottest man in the world. And that is you, King Caldrix." Napangiti ako nang ngumiti siya ng maangas.
Inakbayan niya ako at kinindatan.
"It's just fitting for the most gorgeous woman named Gresha Iris. I so love you damn much, hmm." Hinalikan niya ako ng mariin sa noo.
Bigla akong napahiwalay sa kanya ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae na may bitbit na mga pagkain.
"Ipinadala ito ni Alpha Austin. At nais niyang iparating sa inyo na ang isa ninyong kasama ay mas piniling kumain doon."
Napataas ang kilay ko. Hindi ko inaasahang makakasalamuha ni Maya ng maayos ang mga lobo. Sabagay, hindi naman siya isang bampira, isa siyang earth daemon.
Tumango lang si Caldrix at kinuha ang mga pagkaing kanyang dala.
"Tell your alpha that he is a jerk." Bigla kong kinurot si Caldrix kaya napahiyaw ito.
BINABASA MO ANG
Fated To Be
VampireMIDNIGHT CREATURES SERIES 1 "I am the king, but you are my ruler. I am a demon, but you are my religion. I got everything in life, but you are my greatest obsession." * Gresha Iris lived her life in isolation for many years, but everything changed t...