Gresha
Isinuot ko na ang aking sweater at naisipan nang lumabas ng aking apartment. It's raining hard outside, and the weather sends chills to my spine.
Ilang araw na ang lumipas at ngayon nga ay pasukan na namin. Tapos na rin akong magpa-enroll noong nakaraang araw. Tulad ng sabi sa akin ng doktor, nagpahinga lang ako nitong mga nakaraang araw. Good thing is that I got some penny on my pocket. Isang biyaya talaga ang pagtrabaho ko sa mansion.
To be honest, ilang araw din akong hindi nakatulog ng tuluyan na akong makauwi rito. Unbelievable to think of, yet I missed the mansion. Mukhang masyado akong nawili sa lugar na iyon sa hindi malamang dahilan.
Makakabalik pa ba ako roon? I doubt that. Mukhang naging pabigat lang ako sa kanila from the start. Sa katotohanan ay hindi ko natapos ang aking trabaho, kaya nakakahiya dahil sunwelduhan ako nila ng buo.
"Hey there!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Cathy. Napatingin ako sa kanya dahil mukhang napaka-blooming niya ngayon. Maiksi na rin ang mahaba niyang buhok, so I concluded na nagpagupit siya.
Sinuklian ko lang siya ng isang ngiti. Bahagya pa itong natulala.
"Kaloka ka talaga, girl! Bakit ba ang ganda ganda mo? Nakakatomboy ka." Tinapik niya ako at tumawa pa.
Hindi ko na lang pinansin ang kanyang pagpuna.
Bigla siyang napatigil at inayos ang kanyang sarili sa aking harapan.
"How do I look?" tanong niya na mukhang nagpapacute pa.
"You look better," makatotohan kong sabi.
May kakaiba kasi sa kanya ngayon. Mukhang napakagaan ng kanyang aura. Masyadong malayo sa Cathy na palaging stress noon.
"Thanks! To tell you honestly, me and Hans broke up before the Semestral Break. I caught him cheating. Ngunit nakamove-on na ako. He doesn't deserve my loyalty and love."
Whoah! That was a revelation.
"Hindi ko alam ang buong kuwento ngunit hangga't masaya ka, masaya rin ako para sa'yo." Hindi ko namalayan na ang iilang mga pag-uusap namin ay naging daan upang mapalapit ako sa kanya.
"I also promised to myself that I'm going to be a responsible student na. Magsisimula ako ulit. Hahaha."
Isang magandang balita. Mukhang may naging magandang dulot ang break up nila.
Trust the magic of new beginnings.
"Let's go," alok ko sa kanya at binuksan na ang aking payong.
*
Dahil umuulan pa rin ng malakas ay sa cafeteria ako ngayon kumakain sa halip na sa school canteen na lang na akin ng nakasanayan.
Madaling natapos ang klase ngayong umaga dahil introduction pa lang naman ng subjects.
"Hey, Gresha! Can I join you?" masiglang bati sa akin ni Cathy at kahit hindi pa ako sumasagot ay umupo na siya sa aking harapan.
"Nakakastress talaga si Ma'am Aliega! First day of school may pa-quiz agad." Napangiwi ako.
"Hinaan mo ang boses mo Cathy dahil baka may makarinig sa'yo." Inirapan ko pa siya.
Ngumiti lang siya ng inosente at nag-peace sign.
Nagsimula na siyang kunain kaya nagpatuloy na rin lang ako.
Ilang sandali lang ay marami na ang nagsidatingan kaya mas lalong umingay ang cafeteria. Malaya kong naririnig ang mga tili ng kababaihan. Anong meron?
"Have you heard the news?" Napatingin ako kay Cathy.
"What news?" nagtataka kong tanong at nag-roll eye lang siya.
"Not updated as ever. Diba nga magkakaroon ng business-generated project ang ating college? Pinakilala na kanina ang major sponsor, although hindi pa official na pagpapakilala kaya hindi pa ito alam ng lahat." Napatango lang ako. Minsan ko ng nabasa ang tungkol sa business-generated project na balak itayo ng aming college noong nagkaroon ako ng community service sa dean's office.
"Mabuti naman at nakahanap agad sila ng sponsor." Komento ko.
"And this is the most exciting part, the major sponsor that everyone is talking about is an oh-so-hot-and-gorgeous man." Tinaasan ko siya ng kilay dahil kulang na lang kuminang ang kanyang mga mata at tumulo ang kanyang laway.
"Errr okay," maikli kong sagot dahil parang nakalutang pa rin siya.
Biglang tumigil ang bulong-bulongan sa loob ng cafeteria. Halos lahat ay nakatingin sa pinto kaya napatingin na rin ako.
Mula roon ay marahang naglakad ang isang matipunong lalake. Base sa suot niya ay hindi siya estudyante rito. Hindi ko rin maikakaila na gwapo siya. Well, I have eyes.
Kinilabotan ako ng bigla siyang tumingin sa aking kinaroroonan. Walang emosyon ang kanyang mga titig. Kinabahan ako ng mapagtantong papalapit na siya ngayon mesa namin.
"Gresha, are you okay? Parang nakakita ka ng multo," pagpuna sa akin ni Cathy. Mukha nakabawi pa lang siya at hindi niya alam na- - -
"May I share table with you?" alok niya at umupo agad sa tabi ni Cathy na ngayon ay parang naestatwa na.
Tumikhim ako at inayos ang aking sarili.
"No problem." simple kong sagot. Hindi rin ako nagpakita ng kahit anong emosyon. Hindi ko siya kilala at ngayon ko lang siya nakita.
"By the way, I'm Ares Knight. I'm the major sponsor of the college's project. Nice meeting you, Ms. Gresha Iris."
Halos maibuga ko ang aking kinakain. Holy crap! He is the sponsor everyone is talking about for Pete's sake!
But wait, how did he know my name?
"Mrs. Salazar informed me about you, you're the one being tasked to tour and guide me during my stay in here. I still need to evaluate many things before I finally sign the contract." And that explains why.
Muli kong inayos ang aking sarili at ngumiti sa kanya.
"Nice meeting you as well, Sir Knight. It's an honor to accompany our major sponsor," sabi ko at nag-alok ng handshake na malugod niya namang tinanggap.
Napatingin siya sa kanyang katabi na hanggang ngayon ay nakatulala pa rin habang nakatitig sa kanya.
Pinitik ko ang noo niya kaya agar siyang bumalik sa katinuan.
"By the way, she's Cathy Zamora," pagpapakilala ko sa kanya.
Tinitigan lang siya ni Sir Knight.
"First, I want to examine the whole place this afternoon, so you'll be excused in your class."
"Sige po sir."
He smiled at me.
Isang ngiti na puno ng galak at pagtanggap.
BINABASA MO ANG
Fated To Be
VampireMIDNIGHT CREATURES SERIES 1 "I am the king, but you are my ruler. I am a demon, but you are my religion. I got everything in life, but you are my greatest obsession." * Gresha Iris lived her life in isolation for many years, but everything changed t...