Obsession 42

13.1K 508 50
                                    

Third Person

Ang kaganapang ito ay nangyari humigit kumulang limang dekada na ang nakararaan.

Sa pusod ng kagubatan ay walang tigil na nagpapabilisan ang prinsipe ng Vampyria at ang anak ng alpha ng Silvermoon pack.

Dahil sa hindi inaasahang pangyayaring naligaw si Caldrix sa lugar ni Austin noong bata pa siya, ay naging magkaibigan sila. Hanggang sa lumaki na silang dalawa ay hindi naputol ang kanilang pagkakaibigan sa kabila ng alitan ng kanilang lahi.

Bigla silang napatigil sa isang talampas. Ang talampas ng Dendius.

"I won this time," nagagalak na pahayag ni Austin ng maunahan niya si Caldrix.

Ngunit hindi ito pinansin ng kanyang kasama dahil abala ito sa pagtingin sa paligid.

"This is exactly what my sister described. This is the abode of the Oracle of Dendius," wika ni Caldrix at sinimulang maglakad papunta sa kaisa-isang bahay na nakatayo roon.

"Sigurado ka ba talaga? At naniwala ka naman kay Cassiopeia?" usisa ni Austin ngunit sumunod na rin lang siya.

"Yeah. When she was still young, she told me she came here. And from that day on, she changed a lot. She was affected by the events that happened here."

Nang marating nila ang harap ng bahay ay marahas na binuksan ni Caldrix ang pintuan kahit wala manlang pahintulot. Sinuway siya ni Austin kahit alam niyang wala itong silbi dahil batid niya ang magaspang na pag-uugali ng kanyang kaibigan.

"Is anybody here? We are looking for the Oracle of Dendius!" sigaw ni Caldrix ng walang sumalubong sa kanilang pagpasok.

Pero nagulat sila ng biglang lumitaw sa kanilang harap ang isang babaeng may kulot na buhok at kulay itim na kasuotan.

"Look what we have here," nakangising komento nito, at pinag-aralan ang dalawang panauhin. "A werewolf, and a vampire. This team up is so rare," pagpatuloy ng babae.

"Are you the oracle?" singhal ni Caldrix sa kanya.

Napailing ang babae.

"If you're looking for my sister, unfortunately she's dead. She can no longer grant the business you came here for," nakangiti nitong pahayag at hindi manlang makikitaan ng pagluluksa sa kanyang mukha.

"You killed her." Naging seryoso ang mukha ng babae ng marinig ang paratang ni Caldrix.

"And if you were able to kill her, it just proves that you're stronger than her. So basically, you can also do what she can, and even more." Napakurap ang babae dahil sa sinabi ni Caldrix habang may demonyong ngisi ito sa kanyang mga mukha.

Hindi niya inaasahan ang komento ni Caldrix, ngunit nakaramdam siya ng kaluguran. Lumaki siyang kakompetensiya ang kanyang kapatid na si Avera, at sa lahat ng bagay ay mas magaling ito sa kanya. Ngunit sa kaganapang ito ngayon, isang nilalang ang pumuri sa kanyang angking lakas.

Napatango siya sa isiping tama lang na pinatay niya ang kanyang kapatid ilang araw na ang nakalilipas.

"Mind introducing yourselves?" alok ng babae sa kanila kaya nagpakilala ang dalawa.

"I'm Prince Caldrix Darius Dark, the only son of new king and queen of  Vampyria. And this one is my friend dog, Austin."

Napakurap ang babae matapos makilala ang kaharap niya. Hindi niya inaasahang isang prinsipe ang dadayo pa rito papunta sa Dendius. Alam niya kung gaano kalakas ang kaharian ng Vampyria, dahil ito mismo ang pumuksa sa kanilang lahi ilang taon pa lang ang nakalilipas.

"And what do you seek in this place?"

"I want to know if I will be having my mate. I've been living for too long, and she's still nowhere to be found. I need to find her to find a reason to live for." Pag-iimporma ni Caldrix.

Tulad ng sabi ng kanyang mga magulang, ang pamilyang Dark ay palaging nagkakaroon ng kabiyak na iibigin nila ng lubusan. Ngunit ilang taon na ang lumipas ay hindi niya pa rin nakikilala ang kanyang kabiyak. Naiingit na siya sa ilang bampira na nakabuo na ng sarili nilang pamilya. Pakiramdam niya ay may malaking kulang sa kanyang buhay. Kahit gaano man kasama ang kanyang budhi, pinangako niya na mamahalin niya pa rin ang kanyan kabiyak na puno ng pag-aaruga. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi pa rin nagtatagpo ang kanilang landas. Kaya ilang beses na niyang naisipang magpatiwakal dahil aanhin niya pa ang mahabang buhay kung hindi niya makikilala ang kanyang kabiyak na pupuno sa kanya.

"And how about you?" patukoy ng babae kay Austin kaya napaismid ito ng bahagya.

"We came here for the same thing. He also wants to know about his mate," si Caldrix ang sumagot.

Napatango ang babae at bahagyang napangisi.

"I'm not an oracle, but as a witch, we can foretell. But since this ability is so rare among us and requires high level of magic, I want to ask for a price."

"Name your price then," maangas na usal ni Caldrix at kampante siyang kaya niyang bayaran ang babae.

"My sister always ask for something about being good and whatever it is, but I'm different. I want you to pledge an enchantation that will grant me invulnerability from your power," alok ng babae matapos niyang mapagtantu kung gaano kalakas ang dalawang lalaking nasa harap niya. Ngayon pa lang siya nakaramdam ng ganitong enerhiya, nakakakilabut at nakakatakot.

"It's just a piece of cake," usal ni Caldrix kahit pilit siyang kinumbinsi ni Austin na pag-isipan ang alok nito. Pero tulad ni Caldrix, nangungulila rin siya sa kanyang kabiyak, kaya wala siyang nagawa kundi pumayag sa kabayarang hinihingi ng babae.

Matapos makapag-usal ng enkantasyon ay nagsimula nang manghula ang babae.

"After thirty years, you will meet your otherhalf, I'm sure of that. I will put my very life if I will be mistaken," hula niya kay Caldrix.

Napatulala si Caldrix at biglang nabuhayan ang kanyang puso sa kasiguruhang makikilala niya pa rin ang kanyang kabiyak, kahit sa loob pa ng matagal na panahon.

"The two of you met for a reason. Your fates are intertwined, because from Caldrix' mate, will your mate be birthed," usal ng babae para kay Austin.

Lumabas ang dalawa sa bahay ng babae na tulala at lutang. Pareho silang nagagalak sa katotohanang magkakaroon pa sila ng kabiyak.

"Kaya mo pa bang maghintay ng tatlumput taon?" tanong ni Austin kay Caldrix.

Napatango ito at sa unang pagkakataon ay nakita niya itong napangiti ng banayad.

"I can, especially if it means that you will wait ever longer than me," ngisi nitong sagot kaya sininghalan siya ni Austin.

Sabay silang napalingon ng bumukas ang pinto ng bahay na pinanggalingan nila at bumungad sa kanila ang mukha ng babaeng nag-usal ng hula sa kanilang dalawa.

"By the way, I'm Laila Witchter. Remember my name because will meet again, Prince Caldrix Darius Dark."

Fated To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon