[ Third Person ]
Mula sa kanyang mga bisig ay marahang pinahiga ni King Caldrix ang nahihimbing na si Gresha sa kanyang malaking kama.
Napatay na lahat ng bampirang sumalakay sa kanilang mansion. Mabuti na lang at nakarating si King Caldrix bago may mangyaring mas masama kay Gresha.
Ang totoo ay hindi pa siya pinahintulutan ng Council na lumisan sa pagpupulong kanina ngunit nagpumilit siya at wala na silang nagawa pa. He is a king, after all. A king feared by everyone, even by the highest officials.
"K-king Caldrix, I apologize for my recklessness. I deserve a punishment and I'm willing to accept it," pahayag ni Veronica habang nakaluhod sa harapan niya.
Pakiramdam niya ay wala siyang kwenta dahil hinayaan niyang may nangyaring masama kay Gresha.
"I'm truly disappointed with you, Veronica. I'm starting to question your capacity. Do you really deserve the thing I bestowed upon you?"
Napakasakit marinig ang katagang iyon mula kay King Caldrix, ngunit walang magawa si Veronica dahil alam niyang siya ang may kasalanan. Inaasahan na rin niya ito.
Kahit isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ni King Caldrix, alam niyang hindi siya sasantohin nito. Dahil walang sinasanto ang haring pinagsisilbihan niya.
Napalunok siya ng nilapitan siya ni King Caldrix. Hindi niya maiwasang matakot sa presenya nito. Literal na nanginig ang kanyang tuhod dahil sa takot. Natatakot siya sa gagawing parusa sa kanya, ngunit buong puso niya itong tatanggapin.
"But this is the first time you failed your job, so I'm giving you another chance. Prove your worth, and never fail me again."
Parang nabunotan siya ng tinik dahil sa narinig. Hindi siya makapaniwala. Hindi niya inaasahang bibigyan siya ng isa pang pagkakataon.
"Makakaasa ka, Haring Caldrix. Hindi kita bibiguin," sabi niya na puno ng determinasyon.
"Don't get me wrong. You were supposed to die, but Gresha seems to trust you. And besides, I still need you. So get lost from my sight before I change my mind. Train hard, and harder, to the hardest."
"M-maraming salamat, Haring Caldrix."
Tulad ng kanyang utos ay agad na naglaho si Veronica sa silid.
Ilang sandali lang ay bigla namang may pumasok na isang lalake sa loob ng silid.
"You're here, at last," walang emosyon na sabi ni Haring Caldrix.
"Anong nangyari kay Veronica? Nakasalubong ko siya sa hallway."
"I just taught her some lessons," sagot ni Haring Caldrix sa kanyang tanong.
"Enough with the chit-chat, Axel. I want you to do something. Erase from her memory what she experienced earlier," utos niya kay Axel.
"I can do that. Ngunit para magawa ko yan, kailan ko muna siyang kagatin."
Sa isang iglap ay tumalbo si Axel sa pader ng silid at bigla siyang sinakal ni Haring Caldrix.
"How dare you say that shit?! Her skin, her blood, and all of her---they are all mine, and mine alone. No fangs shall penetrate through her flesh other than mine."
"I got that." Napsuko si Axel kaya binitawan din naman siya agad ni Haring Caldrix. Napubo pa siya ng ilang beses.
"But I'm just telling the truth, you possessive king!" singhal niya.
"You wish to die?" napakaseryosong tanong ng Hari kaya napatigil si Axel. Alam niya kasing hindi ito magdadalawang isip na totoohanin ang kanyang banta.
BINABASA MO ANG
Fated To Be
VampireMIDNIGHT CREATURES SERIES 1 "I am the king, but you are my ruler. I am a demon, but you are my religion. I got everything in life, but you are my greatest obsession." * Gresha Iris lived her life in isolation for many years, but everything changed t...