Obsession 34

16.3K 664 79
                                    

Queen Cassiopeia

Where did the plan go wrong?

Halos maubos ko na ang isang bote ng blood wine kakaisip kung saan ako nagkulang sa pagbuo ng plano.

Hindi ko labas akalain na uuwing ganito ang kinatatakutang hari ng buong Vampyria.

Ilang araw na ang nakalipas ngunit tahimik pa ring nakahimlay si Caldrix. Katabi niya ay ang kanyang kabiyak na tulala at halatang ilang araw nang kulang ng kain at tulog. Mugto ang mata, matamlay ang kilos, at durog ang damdamin.

Ito ang naging epekto sa kanya kahit pinipigilan pa rin ng King's Seal ang kanilang bond. They developed feelings for each other not just the mere fact that they're mates. They love each other for who they are, naturally.

I love the idea of it, love. Ngunit hindi ko nais ang epekto nito sa akin. Tulad ng epekto ngayon nito kay Gresha.

Bumukas ang pinto at pumasok ang kanina pa naming hinihintay.

Agad silang napalapit kay Caldrix at nag-usal ng iilang hinaing.

"Sino pa ang nakakaalam sa sitwasyon ni Caldrix?" mahinahong tanong ni Veronica.

Matagal ko na ring hindi nasisilayan ang istrikto niyang mukha. Galing sila sa isang misyon na si Caldrix mismo ang nag-utos. Kasama niya si Axel Night.

"Ares already handled the royal guards who were with Caldrix during the operation. It's only known to us here, and Lord Alexus," pag-iimporma ko.

Hindi kami dapat magpadalosdalos. Walang ibang dapat makaalam sa sitwasyon ni Caldrix. Sa mga krimen na nangyayari, kailangan ng lahat ng malakas na hari na magtatanggol sa kanila. Ngunit nandito siya at nakahimlay.

"Good. How about the Elders?"

"Sa ngayon, hindi pa rin nila hinahanap ang presinsiya ni Caldrix." Isang bagay na pinagtataka ko.

Bakit hindi pa kumikilos si Lucios? Dahil ba hindi niya pa alam ang nangyari? O dahil mayroon siyang mas malaking plano?

Napahilot ako sa aking sentido. Bakit ba ngayon pa ito nangyari?

"That's unexpected, but it's for good though."

"Hindi na ba nasundan ang pag-atake ng nga rebelde? May nahuli ba sa kanila?" tanong ni Axel.

"Si Ares ang nangunguna sa pagpuksa sa mga rebelde. Wala silang naging bihag. So far, hindi pa nasundan ang kanilang pag-atake."

"Si Adam? Nasaan siya?" takang tanong ni Veronica.

"Kasama siya ni Caldrix noong nilusob nila ang mga rebelde. And, he was killed. He died during the operation," direktang pahayag ko.

Napatingin ako ng napasinghap si Gresha. Ilang beses na niyang narinig ang tungkol dito ngunit parang hindi pa rin niya ito tanggap. Hindi ko alam kung gaano kalalim ang kanilang relasyon ni Adam at nagkakaganyan siya.

"Well, that's bad news," blankong wika ni Veronica. Isang normal na gawain niya.

Kahit gaano kabigat ang kanyang nararamdaman, hindi niya ito pinapakita. Tinatakpan niya iton ng blankong emosyon.

"So, let's conclude the situation. Hindi ito kagagawan ng isang bampira. Alam natin kung gaano kalakas si Caldrix. Hindi siya basta-bastang matatalo. This is a work of witchcraft and sorcery. He was tricked big time," puno nang kasiguraduhang pahayag ni Veronica.

"I guess your mission was a success." Sabay na tumango si Axel at Veronica.

Sa totoo lang ay naglalaro rin sa aking isipan ang ideyang iyan simula ng malaman kong may bakas ng witchcraft ang pagkamatay ng aking mga magulang.

Fated To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon