Gresha
Inaantok kong tinungo ang kusina. Hindi ako makatulog kagabi sa kakaisip sa naganap na yakapan namin ni Sir Caldrix. Para na akong mababaliw kakagulong sa ibabaw ng kama.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa kanya. I mean, kung ano ba ang dapat kong maramdaman? Oo, aminado ako na namamangha ako sa kagandahan ng kanyang pisikal na anyo. Mukhang lahat naman sigurong babae ay mabibighani sa kanyang kagwapohan. Pero Hindi ko pa siya lubosang kilala, ilang beses pa lang kami nagkaharap at nagkausap. Ngunit may kung anong kabog sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. At natatakot ako.
Agad akong kumuha ng tubig. Sa totoo lang ay kung hindi lang talaga ako nauhaw ay hindi pa ako babangon.
Sa kalagitnaan ng aking pag-inom ay nakarinig ako ng tikhim kaya napatingin ako sa may sink, parang doon kasi nagmumula.
Bigla akong napaubo dahil sa pagkagulat. May ilang tubig pa tuloy na pumasok sa ilong ko.
Prenteng nakasandal sa sink si Sir Caldrix at masamang nakatitig sa akin.
"I-ikaw pala s-sir," kinakabahan kong sabi ngunit ganoon pa rin ang ekspresiyon niya.
"Tsk. You're such a sleepyhead," bagot niyang pahayag.
"A-hh sir, hindi ko po alam na may iuutos po kayo sa akin. Akala ko kasi ay free ako ngayong araw tulad ng napag-usapan kagabi. Sana pinagising mo na lang po ako kay Tita Veron," pagpapaumanhin ko.
"Who told you that I'm gonna give you chores?" bagot niya pa ring sabi at mabilis na pumunta sa harap ko.
Napasigaw ako nang bigla niya akong hilahin. Napagtanto ko na lang na naka-upo na ako sa harap ng mahabang mesa. May mga nakahanda nang pagkain dito.
"You need to have a proper eating schedule. It's already 9:00 in the morning, yet you still don't take your breakfast," seryoso niyang pagsesermon sa akin.
It was really unexpected from him, but I can't hide my amusement. Ano bang nakain ni Sir Caldrix ngayon?
"Sir - - - "
"Eat," putol niya sa sasabihin ko sana. Punong-puno ito ng awtoridad, kaya napalunok na lang ako ng hangin at marahang napatango.
Sa totoo lang ay nagugutom na rin ako.
"Sige po, Sir Caldrix."
*
"How was the food?" tanong niya ng matapos na akong kumain.
Actually kanina pa siya nakabantay sa akin habang kumakain ako. Hindi rin niya ako nilumbayan ng kanyang mga titig.
"It's superb," maikli kong pahayag at puri sa aking kinain. Tulad ng kagabi ay masarap ang pagkakaluto nito.
"Good to hear that from you. I'll be cooking for you more ofthen then."
What? Siya yung nagluto ng lahat ng ito? Akala ko may nagluluto ng pagkain para sa kanila ni Tita Veron. At ano daw? Ipagluluto niya pa ako?
"Sir, what do you mean? Nakakahiya naman po. Ikaw po yung amo ko tapos - - - "
"Yes, I'm the boss. So you should follow my orders. I want to cook for you, that's final, end of the story," N
napakaseryoso niyang pahayag.Literal akong napanganga.
"Okay ka lang ba, sir?" Iyan na lang ang natanong ko.
"Nababaliw ka ba?" Hindi ko inaasahan na maisasatinig ko ito kaya agad akong napatakip ng bibig. Wala na naman akong preno.
"Hell! Gresha, you have no idea how much you're driving me crazy all the time."
*
A week had passed.
BINABASA MO ANG
Fated To Be
VampireMIDNIGHT CREATURES SERIES 1 "I am the king, but you are my ruler. I am a demon, but you are my religion. I got everything in life, but you are my greatest obsession." * Gresha Iris lived her life in isolation for many years, but everything changed t...