Gresha
"Miss Gresha Iris, pinapapunta ka ni Ma'am Salazar sa kanyang opisina," pag-iimporma sa akin ng aming college secretary.
"I'll be there in a moment," sagot ko sa kanya at itinabi saglit ang mop na ginagamit ko sa paglilinis ng sahig.
"Ako na ang magpapatuloy, Gresha," malugod na alok ng kapwa ko scholar na si Mara, kaya siya na ang nagpatuloy.
Kasalukuyang nagko-community service ngayon ang lahat ng scholars.
"Good morning, Ma'am Salazar," bati ko sa aming college dean ng makapasok ako sa kanyang opisina.
"Good morning too, Ms. Iris. Will you arrange those documents in alphabetical order?" Napatingin naman ako sa mesa na may nakapatong na samo't saring dokumento.
"Yes ma'am, you can count on me," nakangiti kong sagot at nilapitan na ang aking aatupagin. Bumalik naman si Ma'am Salazar sa pagcocomputer sa kanyang desk.
"Madalas magkuwento ang iilang mga guro tungkol sa'yo Ms. Iris, namamangha sila sa pinapakita mong galing sa klase," sabi niya habang nakatingin pa rin sa computer.
"Ah ganoon ba? Nakakahiya naman. Mahilig lang po talaga akong magbasa," nahihiya kong sagot.
"Unang semester pa lang ay nangunguna ka na sa klase, keep up the good work. Your parents will be surely proud."
Napa-kagatlabi ako dahil sa huling linyang binigkas niya. Hindi niya alam na wala na ngayon ang aking mga magulang. Pareho na silang sumakabilang-buhay.
Huminga ako ng malalim at inayos ang aking postura. "Tatandaan ko po 'yan ma'am."
Mabuti na lang at naging abala na siya sa kanyang ginagawa kaya itinuon ko na rin ang aking atensiyon sa ginagawa ko.
"I was really saddened by the news this morning. Dalawang graduating students ng college natin ang nasawi sa aksidenteng naganap kahapon."
Bigla akong nanlamig. Kumabog ang aking dibdib nang maalala muli ang nangyari kahapon.
May iilang nasawi at karamihan ay sugatan dahil sa nangyari. Ayon sa balita ay lasing ang mga driver ng dalawang truck. Nawalan din ng preno ang isa sa kanila, kaya naganap ang insidente.
Ngunit ang biglang nagpakabog sa aking nararamdaman ngayon ay ang katotohanang sakay ako ng jeep na naaksidente kahapon. Wala sana ako ngayon dito. Dapat nasa hospital ako ngayon, nagpapagaling. O di kaya'y ang mas malala, pinagluluksaan na rin sana ako ngayon.
Kagabi ay halos hindi ako makatulog dahil sa pagkabalisa sa kaiisip kung paano ako nakaligtas.
"Are you alright, Ms. Iris? Namutmutla ka, are you sick?" Dahil sa sunod-sunod na tanong ni Ms. Salazar ay napatigil ang aking pagbabaliktanaw sa nangyari.
"I'm fine, ma'am. Medyo nashock lang ako sa balitang yan," sagot ko kaya napatango siya.
Ilang sandali lang ay nagpaalam si Ma'am Salazar na lalabas muna siya sandali at ibinilin sa akin ang opisina.
Malapit na akong matapos sa pag-aayos ng mga dokumento ay biglang tumonog ang aking cellphone.
Isang text message.
Aling Matilda : Hija, pinapasabi ni Sir Agustine na kung wala kang ibang gagawin ngayong hapon ay dumalaw ka raw sandali sa shop.
Bigla naman akong nagtaka. Ito ang unang beses na papuntahin ako ni Mang Agustine sa shop na hindi Linggo. Siguro may importanteng sasabihin lang sa akin, kaya nag-reply na lang ako kay Aling Matilda at sinabing dadaan ako sa shop mamayang hapon. Hindi naman masyadong abala dahil halos nadadaanan lang ang shop pauwi.
BINABASA MO ANG
Fated To Be
VampireMIDNIGHT CREATURES SERIES 1 "I am the king, but you are my ruler. I am a demon, but you are my religion. I got everything in life, but you are my greatest obsession." * Gresha Iris lived her life in isolation for many years, but everything changed t...