Obsession 13

24.1K 983 31
                                    

[ Third Person ]

Kasalukuyang tinatahak ng isang may edad na lalake ang daan patungo sa nag-iisang mansion na nakatayo sa Old Forest Village.

Ang mansion ni King Caldrix.

Siya ang nakuhang hardinero ni Veronica. Ilang beses na rin siyang nagtrabaho sa bakuran ng mansion noon. Natigil lang ito ng matagal na nawala sina Veronica. At ngayon ay nagagalak siya dahil muli na silang bumalik. Malaki kasi ang sahod na ibinibigay ni Veronica sa kanya.

Sumisipol pa siyang nagmamaneho ng kanyang motor sa gitna ng gubat. Ngunit agad siyang napapreno ng biglang may limang lalaking sumulpot sa harap niya na hindi niya mawari kung saan galing.

Matataas, matitipuno, at mapuputi ang mga lalaking kaharap niya ngayon.

"May maitutulong ba ako sa inyo?" mahinahong tanong ng hardinero.

Wala siyang nakuhang sagot maliban sa walang emosyong mga na titig mula kaharap niya.

Kinilabotan siya ng biglang nag-iba ang kulay ng kanilang mga mata. Naging pula ang mga ito. Humaba at tumulis din ang kanilang mga pangil at kuko.

Hindi alam ng hardinero kung ano ang kanyang magiging reaksiyon. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nasasaksihan ngayon.

Anong klaseng mga nilalang sila? Paulit-ulit na tanong ng kanyang isipan.

Naisin man niyang lumayo mula sa kanila ay para siyang naistatwa dahil sa kanyang nakikita. Mukha silang mga mababangis na nilalang.

Biglang pumasok sa kanyang isipan ang tungkol sa lumalaganap na krimen sa bayan. Sila ba ang mga salarin? Bampira ba - - -

Bago pa man niya maituloy ang kanyang naiisip ay napasigaw na lang siya ng pagpyistahan siya ng limang nilalang.

Ilang segundo lang ay namatay ang kanyang mga sigaw kasabay ng pagkalaglag ng kanyang katawana na wala ng buhay. Isang bangkay na ubos ang dugo at tirik ang mga mata.

*

Gresha

"Kuya, maghahanda lang po ako ng aking makakain. Kahit hindi niyo na po ako bantayan," pahayag ko sa lalaking buntot nang buntot sa akin saan man ako pumunta.

Kahapon ay ipinaalam sa akin ni Sir Caldrix na mawawala siya sa mansion ng ilang araw dahil sa isang mahalagang bagay. Okay lang naman sa akin dahil normal namang may mga lakad tayo, lalo na ang isang mayamang tulad niya.

Ang ipinagtataka ko lang ay may inatasan siyang tatlong gwardiya para magbantay sa buong mansion, at isa naman para bantayan ako. Mukhang masyado niya namang ginawang big deal ang pag-alis niya. Pero isinantabi ko na lang ang isiping iyon dahil baka security freak lang si Sir Caldrix. Natatakot siguro siyang manakawan ng yaman.

"Ang utos ni Sir Caldrix sa akin ay ika'y bantayan saan ka man pumunta, at kung ano man ang iyong gagawin."

Napairap na lang ako sa ere. Masyado siyang loyal sa amo niya dahil totoo ngang hindi niya ako tinatantanan, maliban na lang kung papasok ako sa kwarto. Nagpapaiwan siya sa labas. Hindi ko nga alam kung buong gabi niya akong binantayan kahapon dahil paggising ko kanina ay nandoon pa rin siya.

"Fine."

*

Nandito ako sa loob ng kwarto habang kumakain. Naisipan ko kasing dalhin na lang dito ang pagkain dahil wagas makabantay si kuya sa akin. Hindi ko pa pala natanong ang kanyang pangalan.

Sa kalagitnaan ng aking pagkain ay nakarinig ako ng ugong ng motor mula sa labas. Dahil sa kyuryosidad ay naisipan ko itong silipin mula sa bintana. Makikita mo kasi ang entrance ng mansion mula sa kwarto ko.

Nakita kong may pumasok na isang matipunong lalaking may dalang iba't-ibang gardening tools. Siguro ay siya ang nakuhang hardinero ni Tita Veron upang ipagpatuloy ang nasimulan ko noon.

Agad itong sinalubong ng isang gwardiya na ibinilin ni Sir Caldrix.

Babalik na sana ako sa pagkain ng biglang sugurin ng hardinero ang gwardiya. Napakabilis ng pangyayari. Napatakip ako ng bibig ko sa aking nasasaksihan.

Mula rito ay tanaw ko kung paano sinaksak ng hardinero ang didib ng aming gwardiya gamit lamang ang kanyang kamay.

Umaasa akong dadanak ng dugo sa hardin ngunit ilang segundo lang ay naging abo ang katawan ng gwardiya at tinangay ng hangin.

Impossible.

What is happening?

Malakas akong napasigaw ng biglang nabasag ang kabilang bintana ng aking kwarto. Ngayon ko lang napagtanto na kanina ko pa pala pinipigilan ang aking hininga.

Napatingin ako sa lalaking pumasok mula sa nabasag na bintana. Base sa kanyang kasuotan ay hindi siya isa sa mga gwardiya. Hindi maipagkakailang kasamahan siya ng hardinero -- o kung hardinero nga ba ang isang yun.

"What a sweet scent," nakangisi niyang sabi sa akin.

Biglang naging pula ang kanyang mata at humaba ang kanyang pangil.

Bigla akong nanginig at tila natuod sa aking kinatatayuan.

"W-what a-are you?" kinikilabotan kong tanong. Sobrang kinakabahan na rin ako.

"I'm your worst nightmare, baby. Now ---"  Hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin dahil sinugod siya ng gwardiyang nagbabantay sa akin. Tumalbo rin kung saan ang pinto dahil sa pwershana niyang pagpasok sa loob.

Tumalsik ang lalaki sa pader at lumikha ito ng crater.

"M-mag-ingat ka sa kanya. Isa siyang nakakatakot na n-nilalang," pag-iimporma ko sa gwardiya na kasalukuyang nakatalikod sa akin.

Humarap siya at napasinghap ako.

Tulad ng lalaki kanina ay pula rin ang kanyang mga mata. Napakahaba rin ng kaniyang pangil.

What kind of creatures are they?

Red eyes. Elongated fangs. Sharp nails. Pale skin. Incredible strength. Insane speed.

Are they vam---

Napahiyaw ako dahil naramdaman kong may biglang humila sa akin palabas ng kwarto.

Nang tumigil kami ay nalaman kong si Tita Veron pala ang humila sa akin. Nasa hallway na kami ngayon ng second floor.

May bahid ng pag-aalala ang kanyang mukha. Ngunit kahit papaano ay medyo kumalma ang aking pakiramdaman dahil sa presensiya niya.

"Alam kong naguguluhan ka at maraming katanungan, ngunit huwag ka munang masyadong magpadala sa mga nakita mo kanina. Iisa lang ang dapat mong malaman ngayon, nasa panganib ka at kailangan ka naming iligtas." She shakes my shoulders.

"Do you understand, Gresha?" seryoso niyang tanong.

Napatango na lang ako at sinubukan kong pakalmahin ang aking sestima tulad ng sabi niya.

She's right. I'm obviously in danger, all of us are.

"Huwag kang mag-aalala dahil ang kaligtasan mo ang pangunahin naming tungkulin," pagpapakalma niya sa akin.

Biglang naging pula ang kanyang mga mata at itinago ako sa kanyang likoran.

Hindi na ako nagtaka pa. Of course, Tita Veron is one of them. Just like the other guards. And wity big chance, just like Sir Caldrix.

Biglang napuno ang utak ko ng mga pangyayari dito sa loob ng mansion na isinawalang bahala ko lang noon dahil hindi ko maintindihan. Ngunit ang aking nasasaksihan at nalaman ngayon ay ang sumagot sa aking mga pagtataka.

They're not normal.

Ang ideyang iyan ay pilit kong ipinapasok sa aking utak. Ngunit tila ba ay hindi ito makapaniwala.

Well, who wouldn't be?

Ang mga nilalang na nababasa ko lang noon sa mga fictional na libro at napapanood sa mga pelikula ay totoo pala. Sa buong buhay ko ay hindi ako makapaniwalang totoo pala ang mga katulad nila at hindi lamang kathang-isip at gawa-gawa ng malilikot na imahinasyon.

It's so unbelievable, but vampires are freaking real.

Fated To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon