Obsession 4

26.8K 1.1K 324
                                    

Gresha

I check all my things before leaving. Ngayon ang araw ng pagpasa ng mga proyekto sa bawat subject. No project, no exam.

Nang masigurong kompleto na ang aking dadalhin ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Nang makitang maayos naman ay lumabas na ako.

Sobrang weird ng araw na ito.

Last night, I dreamed that there was a man treating my wounded feet. I thought it's kindda real because I really felt tickled. But because of too much tiredness, I just slept soundly not minding that thing.

At nang gumising ako kanina ay maayos na ang aking paa. Walang pasa, walang galos, walang bahid ng kahit ano. Sobrang nakapagtataka.

Siguro nagkaroon ako ng post traumatic reactions. Siguro wala naman talagang sugat ang mga paa ko, my mind just created that idea because of what I experienced last night. Baka putik or dumi lang yung nakita ko, at dahil napuno ako ng takot kagabi, napagkamalan ko itong mga sugat at pasa.

That might be.

Ngunit habang naghahanda ako kanina ng agahan ay may napansin akong isang kahon sa ibabaw ng mesa. Hindi pamilyar ang kahon ngunit binuksan ko pa rin. Nakita ko ang pares ng aking sapatos. Ang sapatos na naiwan ko kagabi sa pagtakbo. Katabi nito ay isang pang pares ng sapatos ngunit mukhang bagong bili pa lang dahil may pricetag pa.

Napakagat labi ako. It was freaking weird. Paano napunta ang box na iyon sa loob ng kwarto ko?

May laman din itong isang sobre.

"You're a reckless and a clumsy lady, Gresha."

Malinaw ko pang natatandaan ang nakasulat sa labas ng sobre. Doon ko nakompirmang para talaga sa akin ang kahon na yun. Ngunit kanino iyon galing?

Nagulat ako kanina ng malamang pera ang laman ng sobre. May nakaipit pang note sa loob nito.

"Your fare!"

Nang mabilang ko ang laman ay napatakip ako ng bibig ng mapagtantong halos katumbas nito ang lahat ng sahod ko sa loob ng kalahating taon tuwing summer.

Ngunit sa likod ng pagtataka, nagawa ko pa ring magpasalamat sa kung sino mang nagpadala o nag-iwan ng kahon na iyon.

Isa siyang malaking biyaya sa akin.

"He's my guardian angel." Hindi ko namalayan na naibulong ko na pala yun sa aking sarili.

Napangiti na lang ako ng matamis.

"Gresha, mukhang maayos ang gising mo." Napatingin ako sa aking harapan at nakita si Cathy.

Gusto kong sabihing maayos din ang gising niya ngunit halata namang hindi. Halos mangitim na ang paligid ng kanyang mata at hindi maayos ang kanyang buhak. She looks exhausted.

"Sagabal talaga palagi ang Final Exam! Kinailangan ko pang magpuyat. Ngunit wala rin naman akong natututonan. Kailangan ko pa namang bumawi dahil halos bagsak ako noong midterm," reklamo niya at nagdabog pa.

Pinaningkitan ko siya ng mata.

Kung siguro inuuna niya ang kanyang pag-aaral ay hindi sana siya ngayon mahihirapan. Mas inuuna niya kasi ang lovelife. But I am not in the position to question how she spend her life.

"Ngunit naniniwala ako sa sarili kong kakayahan," pagbawi niya.

Nginitian ko siya.

"That's great. That's the spirit. Malalagpasan mo rin ang exam. At mataas na grado ang makukuha mo." I tried to cheer her up.

Fated To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon