Obsession 35

15.6K 730 104
                                    

Gresha

"Cassiopeia?" takang tanong ko nang mukha niya ang unang bumungad sa akin.

Pakiramdam ko ay galing ako sa mahabang tulog, ngunit napakagaan ng aking pakiramdam.

"Mabuti naman at gising ka na, sa wakas," nakangiti niyang sabi.

May kakaiba sa kanyang ngiti, puno ito ng lungkot, pangungulila, ngunit may bahid din ng determinasyon at kagalakan.

"Nasaan tayo? Huli kong naaalala ay hinuli ako ng mga tauhan ni Lucios. At nawalan na ako ng malay."

"It's not important now, what matters is that you're awake already. Everything will be fine. Thank you, Gresha Iris. Take care of my brother for me."

Naguluhan ako sa sinambit niya kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat.

"What are you saying? Kailangan nating makalabas dito."

Napasinghap ako nang unti-unting naging abo ang parte ng mukha ni Cassiopeia.

"Cassiopeia, ano ang nangyayari sa'yo?" natataranta kong tanong ngunit sinuklian niya lang ako ng isang ngiti.

Ngiting puno ng mensahe.

Isang kisapmata ay tuluyan na siyang nawala sa aking harapan. Ang naging abo niyang katawan ay tinangay ng hangin sa kung saan.

Bigla akong napaupo sa sahig dahil sa hindi ko maintindihan ang nangyari. Nasaan na si Cassiopeia?

Bigla akong nagising dahil sa ingay na aking narinig. Napabalikawas ako bigla at napagtantong nasa isang kulungan ako.

Ano ang nangyari kanina? Nangyari ba iyon noong tulog ako? Ibig sabihin ay panaginip lang iyon. Ang nangyari kay Cassiopeia ay pawang panaginip lang.

Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa aking leeg kaya napahawak ako rito. Napasinghap ako ng mayroon itong bahid ng dugo ngunit walang bakas ng sugat.

Nagtaka rin ako ng walang tigil na umagos ang aking luha. Napahikbi ako sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Biglang napuno ang aking pakiramdam ng kalungkutan, at hindi ko alam kung bakit.

Anong nangyayari sa akin?

"Gresha? Mabuti at gising ka na." Napatingin ako sa labas ng rehas at nakita si Maya na halatang pagod at may iilang sugat.

Napatingin ako sa may bandang likuran niya at nabigla ako ng makita ko si Stacey na nakaupo sa sahig at tila wala sa sarili. Tulala at parang hindi makapaniwala sa kanyang nasaksihan.

"Anong nangyayari? Bakit nandito ako sa lugar na ito? At bakit nandito ka?"

"Ikinulong ka ng mga kalaban. Nasa mansiyon tayo ni Lucios. Ilang araw na ang nakalipas at marami na ang nangyari na hindi kaayaaya. Ngunit ang mahalaga ay maitakas ka namin dito."

Napahawak ako sa rehas ngunit agad ding napabitaw dahil sa sakit na dumaloy patungo sa aking sestima.

"Si Cassiopeia. Diba nahuli rin siya ni Lucios.  Nasaan siya?" tanong ko na nagpasinghap kay Maya.

"Maya, nasaan si Cassiopeia? Nakita niyo ba siya? Nakakulong din ba siya? Unahin niyo siyang pataksin."

Biglang nag-alangan si Maya sa kanyang sasabihin.

"Ang totoo kasi---"

Napalingon kami nang marahas na bumukas ang pinto ng silid. Pumasok dito ang isang pamilyar na pigura, si Lord Alexus.

Fated To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon