Four

196 7 0
                                    


Fern's POV

"What the-! What are you doing here?!" ani Orion at saka itinulak ako paalis mula sa pagkakadagan sa kanya. Napasubsob tuloy ako sa tabi niya.

Napabalikwas rin ako nang bangon at saka hinanap ang bra ko. Inabot ko iyon mula sa tabi ni Orion at nagpeace sign sa kanya.

" What was that? Your baby bra?" tanong niya. Itinago ko ang bra ko sa likod ko at saka tumingin nang masama sa kanya.

" Baby Bra?! H-hindi ah... k-kay Orn ito. D-damit niyang tinahi ko," sagot ko. Nakakunot-noo itong tumingin sa akin.

" Orn?" tanong niya. Sasagot sana ako nang mapansin ko ang posisyon niya sa kama. Shemay! Wala pala itong suot pang-itaas at ang voice niya, juiceko! Ang sarap pakinggan kasi nga bagong gising! Ganoon ba kaseductive ang boses nang mga lalaki pag gising?

Sinubukan kong umiwas nang tingin dahil sa mga makasalanan kong mata. Virgin pa naman ang mga mata ko.

" Orn.. iyon ang binigay kong pangalan sa tuta," sagot ko.

" It's close to my name, change it, "galit na sabi niya saka bumangon.

Juice ko! Mas lalo tuloy akong namula sa nakikita ko. What a nice view! Naku pwede yatang pang cover nang magazine ang katawan nang asawa ko. Napakaperfect! Sinampal ko ang sarili ko para hindi ako tuluyang magwala sa nakikita ko. I swear para akong asong tumutulo ang laway dahil sa hubad na katawan ni Orion.

" Hindi naman parehas iyong spelling ah! Tsaka... m-magdamit ka nga!" sabi ko.

"Tsk. I know how attractive my body is and I know you're drooling but I don't like the idea na magkapangalan kami nang hayop na iyon," ani niya.

" Hayop? Don't call him like that asawa ko. Dahil simula ngayon tatlo na tayo sa bahay

Ako, Ikaw at si Orn. Hindi ba para tayong isang buong pamilya?" nakangiting sabi ko.

" Will you stop calling me asawa mo. And besides, I warned you before na huwag na huwag kang pumasok rito sa kwarto ko,"ani niya saka hawak sa braso ko.

" A-ah.... Nangangamoy yong sinaing ko!" pagsisinungalin ko para makatakas sa kanya pero hindi pa rin niya binitiwan ang braso ko.

" Don't ever break in into my room, dummy!" galit na sabi niya.

" B-bakit b-ba ayaw mong pumasok ako sa kwarto mo? W-wala namang masama doon ah.. k-kasi mag-asawa naman tayo," matapang kong sagot. Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.

" Orion... bitawan mo na ang braso ko nasasaktan na ako," ani ko. Mukhang natauhan ito sa ginagawa niya kaya binitiwan niya ang braso ko. Hinatak niya ako paalis sa kwarto niya.

Isinara niya ang pintuan nang kwarto niya. Bakit ba ang sungit sungit niya? Wala naman akong ginagawang masama ah! Kasalanan ito ni Orn eh! Ibinalik ko muna ang bra ko sa kwarto at saka hinanap ang may kagagawan nang lahat nang ito.

Nakita ko ang walang hiyang Orn na iyon na nilalaro ang tennis ball sa kusina.

"Hoy ikaw! Pagkatapos kitang patirahin sa bahay namin umaabuso ka na?! Eh kung sunugin kaya kitang aso ka?! Gusto mo ba iyon hah?! Sagot! " sigaw ko at saka binuhat siya. Kumahol ito sa akin.

" Aba!Sumasagot ka pa!" sigaw ko.

"Kapag ginawa mo uli iyon papalayasin kita," ani ko sabay baba kay Orn at tumakbo uli ito papasok sa kwarto ko.

Tumungo ako sa kusina at nagpainit nang tubig para matimplahan ko manlang ang asawa ko nang mainit na kape. Para maramdaman niya ang mainit kong pagmamahal.

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon