Six

165 7 0
                                    


Fern's POV

"ARAY!" sigaw ko nang pilitin nilang hilahin ang mga paa ko para makasplit ako.

" Ano nang gagawin ko sa iyo Ms. Sarmiento? Eh sing tigas nang bakal yang mga buto mo sa katawan?! Daig mo pa ang nastroke ah! Hindi ka papasa sa cheering squad," ani noong Cheer Captain nang Cheering Squad.

Sumali kasi ako sa cheering squad dahil nga nalaman kong sumali ang asawa ko sa basketball team. Syempre gusto ko lang naman talaga magsuot noong mga uniform nilang sa tingin ko eh makakaatract kay Orion. Kaso heto at hindi ako makakapasok dahil hindi ako nabiyayaan nang maganda at flexible na katawan.

" Pero matututunan ko naman pong gawin ang mga bagay na ito Maam," ani ko pero nagpupumilit ang instructor na ipagtabuyan ako dahil isturbo lang daw ako. Sayang lang ang effort ko. Dumiretso na ako sa klase namin at nakita kong nag-uusap sina Akira at Orion. Nawala lang ako saglit nilalandi na niya! Agad na nag-init ang ulo ko sa nakita kong paghampas ni Akira sa balikat ni Orion at tumatawa pa ang bruhilda. Lumapit ako at saka hinawakan sa braso si Akira.

" Fern!" masigla nitong tawag sa pangalan ko. Feeling close lang?!

"Ahh.. Akira pinapatawag ka nang Head Teacher. May ipapagawa raw sa iyo eh," pagsisinungalin ko.

" Bakit naman daw?" tanong niya.

" Aba malay ko.Bakit hindi ka pumunta nang malaman mo," sagot ko na may kasamang irap.

" Sige. Pupuntahan ko na muna ang Head Teacher babalik rin ako," pagpapaalam niya.

" Kahit huwag ka nang bumalik, okay na okay sa akin iyon," mahinang sambit ko. Umalis naman ito at naiwan kami ni Orion. Ngumiti ako sabay upo sa bakanteng upuan niya. Pero bago ako umupo binasbasan ko muna ang upuan nang bruhang iyon. Mahirap na at may lahing impakta ang babaeng iyon. Inilapit ko kay Orion ang upuan ko at saka idinikit nang husto ang braso ko sa braso niya.

" Ano iyang binabasa mo?" tanong ko sabay hawak sa librong binabasa niya.

Hindi umimik si Orion at inilayo lang ang librong binabasa mula sa akin.

" Balita ko sumali ka raw sa basketball team? May try out kayo mamaya di ba?" tanong ko pero hindi ito umimik.

" Manonood ako tas gagawan kita nang malaking malaking banner tapos susatan ko iyon nang " Go Orion!My Love!" ," ani ko at kunwari ay winawagayway ang banner sa harapan niya.

" Please don't. Siguradong ipapahiya mo lang ang sarili mo," sagot niya.

" Napakasupportive ko ngang asawa kung gagawin ko iyon eh," sagot ko. Isinara niya ang binabasa niyang libro sabay tingin sa akin.

" Will you stop saying nonsense?Ayokong nakikialam ka sa mga ganap ko sa buhay," ani niya sabay tayo. Hinawakan ko siya sa braso pero itinulak lang niya ako.

Bakit ba lagi siyang naiirita kapag magkasama kami?!

Hinabol ko siya at nakita kong kasama na naman niya ang mga miyembro nang basketball team. Lalapitan ko sana sila nang harangin ako ni Akira.

" Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya.

" Nakaleave ang Head Teacher ngayon. Sigurado ka bang siya ang nagpatawag sa akin?" tanong niya.

" Malay ko," sagot ko.

" I want you to tour me sa eskwalahan. Hindi ko pa kasi nalilibot at kabisado ang pasikotsikot eh," ani niya. I rolled my eyes at saka tiningnan siya.

"May mga signpost sa paligid. Marunong ka naman sigurong magbasa di ba?" sarkastikong sabi ko. Nginitian niya ako sabay hawak sa mga kamay ko.

" Nakakadiri ka. Bitawan mo nga ang mga kamay ko!" ani ko sabay bawi sa kamay ko.

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon