Forty Three

145 2 0
                                    



Fern's POV

Ang sabi sa akin ni Orion ay aalis na raw siya sa bahay. Sa susunod na linggo ay lilipat raw siya lalo na at gising na si Vanessa.

Ang sakit pa rin nang sabihin niya sa aking maghihiwalay na kami. Magdidivorce raw kami. Ang hirap pa ring tangapin na mas pinili niyang tapusin kung ano ang mayroon kami kaysa sa kung ano sila ni Vanessa.

Hindi ako pumasok ngayong araw dahil masama ang pakiramdam ko. Malapit pa namang magpasko saka kami maghihiwalay ni Orion.

Tumambay lang ako sa tabi nang ilog malapit sa school. Humiga buong araw sa damuhan at iniisip kong saan na nga ba patungo ang buhay ko. Sa dinami dami nang nangyari sa akin, pakiramdam ko lahat na lang nang mayroon ako mawawala. Pati na rin si Orion, nangako siya pero hindi pa rin pala niya tutuparin. Ang sama niya. Ang sama sama niya. Isa siyang sinungaling!

Mugtong-mugto na rin ang mga mata ko kakaiyak kanina. Sana lang nandito si Mama para naman masabi ko sa kanya pero napakabusy naman niya sa trabaho.

" Fern?" Mula sa tabi ay narinig ko ang boses ni Akira.

At talagang hinanap ako ni Akira. Siguradong aasarin lang niya ako ngayong brokenhearted ako.

"Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalamang nandito ako?" tanong ko sa kanya.

" Nakita ka raw kasi nang kaibigan ni Ramen rito,"sagot niya.

" Ano naman ngayon?" sagot ko.

" Pwede mo namang sabihin sa akin kung may problema ka. Makikinig naman ako," sabi ni Akira. Umupo ito sa tabi ko at tumingin sa mga batang naglalaro sa tabi nang ilog.

" Para ano pa? Siguradong pagtatawanan mo lang ako,"sabi ko.

" Fern hindi naman ako ganoon. Kaibigan kita natural lang na mag-alala ako,"sagot niya.

Kaibigan?Kailan pa kami naging magkaibigan?

" Wala akong problema," sagot ko.

" Alam kong mayroon kang tinatago sa amin. Tungkol ba ito sa inyo ni Orion?" tanong niya.

" Anong alam mo sa amin ni Orion?" tanong ko.

"Nakuwento kasi sa akin ni Ramen. Tulad niya nag-aalala rin ako,"sagot ni Akira.

" Anong sinabi niya tungkol sa amin ni Orion? Napakaalamero talaga nang unggoy na iyon," sabi ko kay Akira.

" Na kasal kayo ni Orion. Tama nga ang hinala ko at hindi kayo magpinsan ni Orion. Halata nAman kasi sa mga kilos mo. Besides, ang cute niyo nga tingnan eh," dagdag pa ni Akira.

" Ang totoo kasi niyan... noong una pa lang magkakilala na kami ni Orion," saad niya na dahilan para bumangon ako mula sa pagkakahiga at tumingin sa kanya.

" Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

" Magkakilala kami ni Orion sa States bago ako lumipat sa Japan three years ago. Kaklase ko si Orion sa isang subject," kwento niya.
" Minsan ko na siyang nakasama sa isang group project. At aminado akong nagustuhan ko rin siya katulad mo kaso he rejected me. Nakakatuwa nga at parehas kaming lumipat sa eskwelahan na ito," saad niya.

" So alam mo ang tungkol kay Vanessa?" tanong ko.

" Hindi ko alam. Lumipat na kasi akong Japan," sagot niya.

Kung ganoon, matagal na pala akong pinagloloko nang mga nasa paligid ko.

" Masaya ka ba sa mga nangyari sa akin? Kaya ka ba pumunta rito para ipamukha sa akin iyan?" tanong ko.

" Hindi ganoon Fern. Alam kong gusto mo nang kausap kaya nga nandito ako," saad niya.

" Hindi kita kailangan at pwede ba huwag kang umastang magkaibigan tayo," sabi ko at kinuha ang bag ko. Umalis ako roon at naisipang umuwi.

Naabutan kong nag-iimpake si Orion sa bahay.

" Talaga bang aalis ka? Iiwan mo na ako?" tanong ko sa kanya.

" Mag-iimpake ba ako kung hindi?" saad niya.

" Nangako ka di ba? Bakit ka aalis?Dahil kay Vanessa? Dahil mahal mo siya?" sunod sunod kong tanong.

Hindi siya umimik.

" Paano ang kasal natin? Ganon ganon na lang ba iyon? Na parang wala lang sa iyo? Kung hindi ka rin naman pala seryoso sa kasal natin bakit ka pa bumalik?! Sana humindi ka na lang!" sigaw ko sa kanya.

" Talaga? Sino ba sa atin ang tanga para maniwala sa isang pangako nang isang batang lalaking sampung taong gulang lamang? Fern, ano bang gusto mo? Na hindi ako umalis at piliting manirahan dito? Sa tabi mo?! Fern, hindi kita mahal. Ano bang mahirap intindihin doon?!" sigaw niya.

Tumulo na naman ang mga luha ko.

" Alam ko namang hindi mo ako mahal! Pero pinaasa mo ako! Sana noong una pa lang hindi na ako umasa! Pero oo may tama ka, ang tanga ko. Ang tanga tanga ko!" sigaw ko sa kanya habang pilit pinupunasan ang tumutulo kong luha.

Pagkatapos niyang mag-impake ay umalis na siya. Gusto ko sanag bawiin lahat nang sinabi ko. Gusto ko sanang habulin siya pero ayoko nang magmukhang desperada.

Kung mas masaya siya kay Vanessa, hahayaan ko siya.

Nang mga sumunod na raw ay hindi na rin ako pumasok. Hanggang sa dumalaw si Ramen.

" Magmumukmok ka na lang ba rito dahil iniwan ka niya? Ewan ko sa iyong babae ka. Lalaki lang iyon malayo sa bituka. Tsaka can't you see yourself? Umalis lang siya, akala mo naman kung pati kaldero kinuha at nangangayat ka na. Paano ka magmomove on diyan?" saad ni Ramen.

" Pumunta ka ba rito para manlait?" tanong ko sa kanya.

" Hindi. Pumunta ako rito para sabihing pumasok ka na. Marami ka nang absences, wala na akong sinisigawan sa gate at wala na rin akong kaaway sa canteen," aniya.

" Bakit hindi mo awayin sarili mo o sigawan sarili mo... kailangan bang ako,"sagot ko.

" Pero bago tayo mag-away, baka naman pwede mo akong papasukin kanina pa ako uhaw," ani ni Ramen.

Oo nga pala, nakalimutan kong papasukin ang unggoy na ito. Nagbuntong hininga na lamang ako at saka siya pinapasok. Kumuha ako nang tubig na iinumin niya at saka umupo kaharap niya sa sala.

" Hay, wala man lang ba kayong orange juice diyan?" pagrereklamo niya nang abutan ko siya nang isang basong tubig.

" Ikaw pa lang ang unang bisita naming masyadong demanding," sagot ko. Pumasok uli ako sa kusina at kumuha nang orange juice.

" Oh ayan," sabi ko sabay abot nang juice.

" So ayun, absent ka nang ilang araw. Ano bang balak mo? Iiyak magdamag dahil wala na si Orion? Ganoon mo na lang ba kamahal ang lokong iyon?"tanong niya.

" Ano ba kasing alam mo? Hindi ka naman nagmahal,"sagot ko sabay irap sa unggoy na nasa harapan ko.

" Nagmahal? Well, hindi nga. Pero kung magmamahal ako, hindi kagaya mo," sagot niya.

" Palibhasa hindi mo rin kasi alam kung ano ang nangyari sa akin sa nakaraan. At kung nasa sitwasyon mo ako, maiintindihan mo ako," sagot ko.

" Ewan ko sa inyong mga babae. Kaya nga minsan ayoko sa mga babae," sagot niya.
" Pumasok ka na bukas. Wala namang mangyayari kung hindi mo haharapin si Orion. Hindi naman habang buhay magluluksa ka dahil wala na siya sa buhay mo. Ganoon naman talaga di ba? Malay mo, hindi siya ang prince charming mo. Baka isa lang siya sa palakang naligaw at sa tabi mo napadpad," ani Ramen sabay kindat sa akin.

" Ano na naman bang prince charming sinasabi mo? Kailan ka pa naging love expert?" tanong ko sa kanya.

" Hindi ako love expert, pogi ako," iyan na naman siya sa paniniwalang gwapo siya.

" Nahiya naman si Leonardo De Caprio sa mukha mong unggoy ka," sagot ko sa kanya.

" Ano bang magagawa ko. Sa akin yata ibinuhos ni Lord ang lahat nang kagwapuhan sa mundo. So paano, kita na lang uli tayo bukas. At siguraduhin mong handa ka nang harapin si Orion," saad niya.

Sa tingin ko hindi pa ako handang harapin si Orion. Hindi naman ganoon kadaling kalimutan ang isang taong naging mahalaga sa buhay ko. Pero paano nga kung mas masaya si Orion kay Vanessa? Pipigilan ko ba siya?Ewan ko. Hindi ko rin alam.

" S-salamat sa concern, unggoy" sabi ko sabay kaway sa kanya malapit sa pintuan.

"Yeah. Walang problema, bakulaw ka. Tsaka bakit ba kumukulo ang dugo mo kay Akira ko? Sa mga panahong kagaya nito mga tunay na kaibigan lang ang nagpapakita nang concern," saad niya.

" Oo na. Bukas na bukas, papansinin ko na ang saging na iyon," sagot ko.

" Bye Bakulaw!" paalam ni Ramen.
Kahit kailan talaga ang unggoy na ito. 

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon