Thirty Nine

135 1 0
                                    


Ramen's POV

" How is she?" tanong ko doon sa nurse habang inilalagay ang binili kong bouquet sa vase na nasa table nang kwarto.

" Sir, kagaya pa rin po nang dati. Wala pa rin pong improvement sa kalagayan niya," sagot noong nurse.

Dinalaw ko si Vanessa after school para naman hindi ito magtampo kung sakaling magising siya at tanungin ako kung binisita ko siya. Ang totoo niyan, she's my step sister. Anak lang kasi ako sa labas. Dahil hindi nagkatuluyan ang Papa ko at ang Nanay ko, ayun pinalaki ako nang lola ko. Mas pinili kasi nang tatay kong panindigan ang nanay ni Vanessa pero hindi naman ako nagtanim nang galit sa kanya. Hindin naman kasi ako lumaking tinuruang magrebelde.

Tumingin ako sa kanya at sa maingay na makinang nagbibigay nang suporta sa kanya.

Naalala ko ang napagkasunduan nila tungkol kay Vanessa. Ngayong katapusan nang buwan, aalisin ang kanyang life support. Hindi na rin kasi bumubuti ang kalagayan niya lalo lang at walang pag-asang gigising pa siya.

Hindi na sana siya naghihirap at nagkaganito kung hindi dahil kay Orion. At ang kapal rin nang mukha niyang magpakita pa rito. Nakilala ko si Orion pagkatapos siyang ipakilala sa akin ni Vanessa nang minsang bumisita ako sa America. Unang tingin ko pa lang kay Orion ay alam ko nang sasaktan lang niya si Vanessa. Pagkatapos nang aksidente, hindi ko lang kung paano ko pa mapapatawad ang lalaking iyon.

" Nandito ka pala?" tanong ni Papa mula sa pintuan nang kwarto.

" Napadaan lang ako. Kinamusta ko siya. Paalis na rin ako," sagot ko.

Kinuha ko ang bag ko mula sa upuan nang pigilan niya ako.

" Nga pala, sa susunod na linggo, aalisin na namin ang life support nang kapatid mo," ani papa. Ramdam kong nasasaktan siya. Ako rin naman nasasaktan dahil sa mga nangyari.

Hindi ako nagsalita. I just tapped his shoulder to comfort him. Huminga ako nang malalim bago umalis sa kwarto.

Alam na nga pala ni Fern ang tungkol kay Vanessa. Kung ganoon alam niyang dito ang kwarto ni Vanessa?

Sira talaga ang babaeng iyon. Lumuwag na naman ang turnilyo sa utak niya. Ang tanga kasi niya. Sa aobrang tanga niya, pati si Orion kaya siyang lokohin. Nakakaawang nilalang.

Habang naglalakad ako palabas sa hospital ay nagsitilian ang mga nurses. Kung kasalanan lang ang pagiging gwapo baka habang buhay akong nasa kulungan.

Tumingin ako sa relo ko at mag aalasingko pa lang naman kaya naisipan kong maglakad lakad nang makasalubong ko ang isa sa mga kaibigan ko.

Nagkayayaan kaming uminom kaya sa dati kaming bar nagpunta. Suki ako sa bar na ito lalo na at dumami dami ang chix kong bumabalik balik rito.

" Hi," bati sa akin nang isang babae nang lumapit ito sa table namin. Halos hindi ko malunok ang iniinom kong Gin nang mapansin ko ang lantad na cleavage nito na halos iluwa nang suot niyang masikip na sando.

" May kasama ka ba?" malandi niyang tanong.

" Pre, chance mo na ito. Hanap lang ako nang chix dito sa kabilang table," bulong noong kaibigan ko. Naiwan ako doon kasama ang babaeng sumisipsip sa tabi ko.

Mas dumikit pa siya lalo at sinasadyang idampi ang suso niya sa braso ko. I smirked. Hinawakan ko siya sa baywang at inilapit sa akin. Tingnan ko lang kung ano ang gagawin niya. Idinampi ko ang bibig ko sa leeg niya at ramdam ko ang mabigat niyang hininga.

Hindi ko itinuloy ang balak kong paghalik sa kanya dahil hindi naman ako ganoong lalaki. Gentleman ako. Pili nga lang.

Iniwan ko na ang babaeng iyon nang mapansin ko ang babaeng pilit hinihila papasok sa isang VIP room sa taas na kwarto. Hindi naman sana ako makikialam pero nang mamukhaan ko kung sino iyon ay dali dali akong tumakbo pataas sa hagdanan.

" Sandali," saad ko at pinigilan ang matandang lalaking kanina pa nagpupumilit ipasok sa kwarto si Akira.

" Sino ka?!" tanong noong matandang lalaki.

" Boyfriend niya kaya huwag na huwag mong hahawakan ang babaeng ito!" sigaw ko.

" Binayaran ko siya!" ani noong matanda. Naglabas ako nang sampung libo sa wallet ko at inihampas sa mukha niya. Hinila ko palabas sa bar si Akira.

Nang makalayo na kami ay saka ko siya binitiwan.

"Anong ginagawa mo sa lugar na iyon?!" galit na tanong ko.

" K-kailangan ko kasi nang pera... wala naman akong ibang choice kundi rumaket doon," sagot ni Akira. Umiwas siya nang tingin at saka ko lang napansing masyado ring manipis ang suot niyang damit. Inalis ko ang jacket ko at isinuot ito sa kanya. Playing gentleman para makascore?Nope. Marunong akong rumespeto sa mga babae.

" Pera? Bakit? Sana sinabi mo na lang sa akin baka natulongan pa kita," saad ko.

Umupo kami sa malapit na bench at nagsimula siyang magkwento kung bakit siya nagtatrabaho sa bar. Nalulugi na kasi ang kompanya nang papa niya at ang tanging paraang nakikita niya ay ang pagtatarabaho sa bar. Malaki kaai ang kita niya roon. Hindi naman sa sumasayaw siya sa dancefloor at nakikisiping sa mga kung sinu-sinong lalaki diyan. Nagseserve lang siya nang drinks kaso binabastos noong mga customer. Mga gago iyon dapat sinapak ko.

" Salamat Ramen...," aniya. Ang hinhin niyang magsalita at gumalaw. Hindi katulad noong bakulaw na iyun.

" Pahihiramin na lang muna kita nang pera... kapag nakaluwag luwag ka na saka mo na lang bayaran," nakangiting sabi ko.

Tumango lang siya.

" So, iuuwi na kita este ihahatid na kita. Delikado na baka balikan ka pa noong mga iyun," sabi ko. Hindi naman siya tumanggi.

Nag antay kami nang taxi at sumakay na nang may huminto sa harapan namin. Nang makarating kami sa subdivision nila ay saka lamang ito nagsalita.

" Malapit lang ang tinitirhan ko kina Fern at Orion,"aniya.

" Nabanggit nga sa akin ni Fern,"sagot ko.

Speaking of the bakulaw, nakasalubong namin ito sa daan.

" Gabi na ah, saan punta mo?" tanong ko.

Tumingin lang siya sa akin at may Akira. Ngumiti ako at saka inakbayan si Fern.

" Ihahatid ko si Akira," sabi ko sabay kindat at papogi sign sa kanya.

" Ano naman ngayon?" tanong niya.

"Ano ka ba. Baka magbago isip niya at mapagtantong ako pala ang gusto niya," saad ko.

" Oo na. Diyan ka naman masaya," sagot ni Fern. Inalis niya ang nakaakbay kong kamay. Nakakapagtaka lang at hindi na siya rumeresbak sa akin. Dati naman halos sigawan niya ako. Ganoon na lang ba niya kamahal si Orion at nagkakaganito siya?

Napakawalang hiya lang talaga ni Orion.
Paano na lang kung malaman ni Fern ang totoo? Hay, nakakaawng babae. 

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon