Ten

170 6 0
                                    


Fern's POV

" Hintay!!!" sigaw ko nang makita kong papalabas na si Orion sa pintuan. Hindi ko pa rin makalimutan iyong ginawa niya noong isang araw. Nong araw nang sabadong umulan nang malakas at nahiga ako sa sahig. Kinaumagahan kasi paggising ko natutulog na ako sa sahig sa kusina?! Tinanong ko siya kung binuhat ba niya ako papunta roon o ano pero ang sabi niya nakita raw niya akong gumagapang papunta roon. Talaga bang ginawa ko iyon habang natutulog? Hmmm?

Ewan. Naabutan ko si Orion at habang naghihintay kami ay may kumalabit sa akin mula sa likuran. Nilingon ko iyon at sino pa ba edi si Akira.

" Magandang umaga Fern," bati niya. Inirapan ko siya at mas dumikit pa ako kay Orion.

" Maganda sana umaga ko kaso dumating ka," mahinang sabi ko.

" Bakit kaya hindi natin ugaliing magkakasamang sumakay papuntang school at umuwi? Tutal classmates naman tayo," ani Akira.

" Ayoko. Tsaka pwede ba lubayan mo kami ni Orion," ani ko.

" Matanong ko nga pala. Magpinsan ba kayo?" tanong ni Akira.

" Hindi. To tell you the truth mag -asa--"

" Oo. Magpinsan kami," sagot ni Orion na ikinagulat ko.

" A-ano bang sinasabi mo? Bakit hindi natin pwedeng sabihin?" mahinang tanong ko kay Orion.

" Kapag may nakaalam, pwede tayong ma-expell sa school," sagot niya. Shemay!Ano ba toothpaste ni Orion at ang bango nang hininga niya? Pwede ko kayang gawing perfume yong hininga niya? Kyaahh!

Back to reality, kailangan ba patago na lang kung ano ang totoo naming relasyon?! Napakaunfair naman eh! Kating kati pa naman akong umamin kay Akira! Gusto kong isampal sa mukha niyang asawa ko si Orion. ASAWA!

" Magpinsan? I see," pag-uulit ni Akira.

" Pero hindi ibig sabihin noon ay pwede mo nang landiin ang asaw---este pinsan ko! May nagmamay-ari na sa kanya! Gusto mo idescribe ko? Maganda siya! Singkit! Maputi! Flat Chested pero sexy! Mata----,"

" Miss sasakay ka ba o ano?!" sigaw noong driver at saka ko lang napansing wala na si Orion at Akira sa tabi ko.

" Sasakay po! Wait lang manong driver!" sigaw ko at saka pumasok na sa bus. Hinanap ko agad si Orion at nakaupo ito doon sa single seat. Si Akira naman ay kumakaway sa akin. Nakaupo ito sa may bandang likuran kaya para masiguro kong hindi niya kukulitin si Orion ay kailangan kong tumabi sa kanya.

" Fern, nga pala nakahanap ka na ba nang sasalihang activity para sa Sport Fest?" tanong niya.

" Oo. Bakit hindi tayo sumali sa wrestling? Tayong dalawa para naman mabasag ko iyang mukha mo," ani ko sabay irap.

" Nakakatawa ka talaga Fern pero hindi kasi ako pwede sa wrestling eh," sagot niya.

"Alam ko dahil ngayon pa lang basag na iyang mukha mo," ani ko pero tumawa lang siya.

Bakit ba kapag may sinasabi ako tinatawanan nang babaeng ito?! Mukha ba akong joke sa kanya?

Nilingon ko si Orion at nakita kong nakatingin ito sa labas nang bintana. Mukhang may malalim na iniisip. Ako kaya iniisip niya? Nakakakilig naman!

Bumaba kaming tatlo sa babaan at sabay sabay na naglakad. Syempre dinidikitan ko talaga si Orion para hindi lapitan ni Akira.

Hinaharangan ko siya at nang makapasok kami sa classroom ay nakadikit na ang mga listahan nang mga games at isusulat na lang ang mga pangalan. Saan ko kaya isusulat ang pangalan namin ni Orion? Nilapitan ko si Class Pres. pero sinabi niyang sinulat na raw niya ang mga pangalan namin base sa mga kakayahan at abilidad namin. Hinanap ko agad ang pangalan namin ni Orion. Nakasulat ang pangalan ni Orion sa booth. Cosplay Party Cafe daw ang theme nang cafe at si Orion ang naisip nilang pang akit nang mga kababaihan. Malakas daw ang kita kapag ganoon. Hinanap ko ang pangalan ko sa mga magiging maid pero wala roon. Pero iyong pangalan ni Akira? Aba nasa unahan pa nang listahan.

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon