Twenty Two

137 3 0
                                    

Fern's POV

" Doc, gawin mo lahat para mabuhay si Orion! I can't afford to lose my husband! I love him s-," bago ko pa natapos ang sasabihin ko ay itinapon na ni Orion sa akin ang unan.

" That was only an injury, you dummy!"

" Pero nasaktan ka pa rin dahil sa akin!" ani ko habang maluha luhang nilapitan si Orion.

" Just get away from me! Hindi ka nakakatulong," sabi pa niya. Ilang sandali lang ay narinig ko ang mga hagikgik nang mga nurses habang tinitingnan ang injury ni Orion. Napanganga pa ako nang makita kong namumula ang pisngi noong nurse nang lapitan niya si Orion. Ang lalandi naman nang mga nurses na ito. Sarap hampasin!

" Sir pakitaas naman po nang t-shirt niyo papalitan lang namin ang suot niyo," dahil sa sinabi nang nurse ay literal na napahawak ako sa aking baywang.

Aba't! Mukha bang pang live show ang katawan nang asawa ko?! Jusme, pati na rin iyong mga nurses nagkukumpulan sa labas nang kwarto ni Orion at nagawa pa nilang pag nasaan ang katawan ni Orion?!

" Excuse me, ako na ang gagawa," kalabit ko doon sa nurse kaso mukhang walang tenga ata iyong nurse at hindi ako pinansin.

" Sir ene be pakitaas nemen neng demet me," pabebe pa nitong sabi.

" Nurse ka ba o pasyente? Mukhang may mali sa pananalita mo!" sabi ko sabay hawak sa collar noong nurse. " Pacheck mo nga iyang bibig mo tsaka yang tenga mo!" inis na sigaw ko doon sa nurse.

"Ano ba miss, nurse ako rito. Ako ang naatasang magbantay sa pasyente," sumbat noong nurse.

"Nurse ka niya? Well ASAWA NIYA AKO!!" sigaw ko nang malakas para marinig noong mga tao sa labas nang kwarto.

"Asawa raw? Ang gwapo pa naman noong lalaki, sayang," rinig kong sabi noong baklang nurse sa labas.

" Amin na nga! Ako na ang magpapalit sa kanya! Trabaho ko iyon bilang ASAWA NIYA!" ani ko sabay hila doon sa nurse paalis nang room. Inilock ko rin ang pintuan at isinara ang kurtina para hindi na nila pagpiyestahan ang asawa ko! Kakabwiset sila!

" At ikaw naman bakit hindi mo pinigilan iyong nurse na iyon? Iyang katawan mo exclusively lang iyan para sa akin! Nakita mo ba kung paano ka hubaran noong babaeng iyon? Nakakabwiset iyong mga nurse dito!!" sigaw ko habang tinabihan si Orion sa kanyang kwarto.

" Tsk. You don't own me," sagot niya.

" Aba. Bakit?Gusto mo iyong nurse na iyon dahil mas sexy siya sa akin? Sus, mas maliit dibdib noon sa akin!"

" Dalian muna. Palitan mo na iyang t shirt ko para makalabas na tayo rito," aniya.

Ngumiti naman ako at saka nagsalute. Nang itinaas ko ang tshirt ni Orion ay saka ko lang naalalan bawal nga pala ako.maexcite dahil manonosebleed ako. Kaya pinikit ko muna ang mga mata ko.

"What are you doing?" takang tanong ni Orion.

Minulat ko ang aking mga mata at saka tinitigan ang maputing katawan ni Orion. Jusme! Malapit na yata ako sa langit. Kadiri ano bang punagsasabi ko?! Kailangan ko na yatang ipabasbas sa pare ang bunganga ko!

Nang maalis ko ang damit ni Orion ay binihisan ko na siya.

" Bayaran mo na iyong bill, hihintayin kita sa baba malapit sa exit," utos ni Orion.

"Masusunod asawa ko!" nakangiti kong sabi. Bago kami lumabas ay sinigurado ko munang wala ang mga nurses sa labas. Wala naman sila kaya lumabas na kami ni Orion.

Nagbayad muna ako nang bill bago hinanap si Orion.

" Tara na. Umuwi na tayo," ani ko habang nakangiti. Naghintay kami nang taxi at habang nasa taxi kami ay pagiwa giwang iyong ulo ni Orion. Pagod siguro siya kaya nakatulog agad. Hinayaan kong sumandal siya sa akin baka mauntog pa siya.

Nang nasa may highway na kami ay natraffic kami. Dahil wala akong magawa ay hinalungkat ko ang cellphone ko. Kaso nagshutdown agad kaya iyong cellphone ni Orion ang hinanap ko sa bag. Ini unlock ko ang cellphone niya kaso may password sa gallery at sa inbox kaya iyong camera na lang ang pinagtripan ko. Kumuha ako nang litrato niya habang tulog at kumuha rin ako syempre nang litrato namin habang tulog siya at nakasandal sa balikat ko.

Ginising ko siya nang makarating na kami sa tapat nang bahay. Agad naman kaming sinalubong ni Orn.

" Simula ngayon ako na ang gagawa sa lahat nang gawaing bahay. Mula sa paglalaba nang damit mo at pamamalantsa nitO," sabi ko sa kanya.

" Of course ikaw gagawa noon, All thanks to you, I went home injured," ani niya sabay irap sa akin.

" Sorry na. Tsaka bakit ka naman sinipa noong sarili mong kabayo?" takang tanong ko.

" It's because you're stupid. Nahawakan mo siya kaya dahil nagulat ito, napasipa siya. Nagkataong ako ang nandoon," sagot niya.

" Okay babawi na lang ako. Mula ngayon magiging alipin mo ako. Gagawin ko lahat nang ipapagawa mo," masayang sabi ko.

Napaisip pa ito bago uli tumingin sa akin.

" Matutulog lang ako. I want you to cook a NICE meal for dinner," sabi niya.

Inimphasize talaga niya iyong salitang nice? Marunong naman akong magluto ah! Makikita niya!

Dumiretso ako sa kitchen at binuklat buklat ang libro nang mga pagkaing pwede kong iluto.

Bakit naman puro damo iyong nasa picture?! Ayoko pa naman nang gulay. Isinara ko ang libro at naisipang magluto na lamang nang lugaw. Mas madaling lutuin iyon eh. Saka na lang ako magpiprito nang itlog.

Pagkatapos kong magluto ay gigisingin ko na si Orion. Syempre, kumatok muna ako bago pumasok. Iniba niya ang ayos nang kanyang kwarto. May mga nakadisplay na kasing litrato sa dingding kaso hindi ko makita dahil madilim.

"Orion gising na,"bulong ko sa natutulog na asawa ko.

Baka napagod siya kaya mamaya ko na lang siya gigisingin. Dahil wala akong magawa ay minabuti ko munang maglibot libot sa kwarto ni Orion.

Nasa study table niya ang kanyang mga libro at ang mga damit niya ay nakaayos rin sa kanyang cabinet. Maayos at malinis ang pagkakatupi nang mga damit niya.

Napansin ko ang uniporme ni Orion na nakasabit lang sa hanger sa tabi. Baka hindi pa niya napaplantsa ang uniform niya at dahil injured siya at gagamitin niya iyon bukas ay kinuha ko na iyon at ako na angagpaplantsa.

Dahan dahan kong isinara ang pintuan nang kwarto niya at pumunta sa sala. Isinaksak ko ang plantsa at nagsimula na akong mamlantsa nang pantalon ni Orion. Kaso ilang sandali lang ay tumunog ang telepono. Iniwan ko muna ang ginagawa ko at sinagot ang tawag.

"Hello?"

" Fern," boses pa lang niya ay kilala ko na kung sino ito.

" Paano mo nalaman ang telephone number namin?! Siguro stalker ka namin noh?!"

Sino pa ba ang kausap ko edi si Athena. Ano kayang kailangan niya at napatawag siya.

" Hoy babae! Huwag na huwag mong ipagdadamot si Orion sakin!".

" Excuse me lang hah! FYI, asawa niya ako. And besides, okay na si Orion. Injured lang siya. Tsaka huwag ka na ngang manggulo may ginagawa-- JUSKO! IYONG DAMIT NI ORION!"

Ibinaba ko agad ang tawag at pinuntahan ang ngayo'y sunog na pantalon ni Orion. Kunti lang naman iyong nasunog eh. Isang butas lang kasinglaki noong kamao ko. Patay! Lagot ako kay Orion neto! Kasalanan noong Athena na iyon eh. Nakakainis talaga siya!

Dahil gagamitin ni Orion ang pantalon bukas ay niremedyuhan ko na. Pagkatapos kong gawin ang mahika sa uniform niya ay ibinalik ko iyon sa cabinet niya.

"What are you doing?"

"Ay anak nang tokwa! Gulat ako nang magsalita si Orion.

" Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?"

" Gigisingin sana kita kakain na,"palusot ko. Dali dali akong umalis sa kwarto ni Orion. Kumain kaming dalawa at hindi ito nagreklamo sa niluto ko.

" Goodnight asawa ko!" ani ko sabay kindat at flying kiss sa kanya. Hindi naman siya nagsalita sa ginawa ko basta sinarado lang niya ang pintuan nang kwarto niya.

Nang gabing iyon hindi talaga ako makatulog dahil sa kakaisip ko sa ginawa ko sa uniform ni Orion. Debali, nagawan ko naman nang paraan.

Paggising ko kinaumagahan ay sabay kaming lumabas nang kwarto ni Orion. Nakasuot na siya nang uniform at mukhang hindi pa niya nahahalata ang nangyari sa uniform niya.

"G-good Morning Orion!" bati ko.

" Tsk."

Sabay kaming lumabas nang bahay at tulad nang dati ay nauna siyang naglakad sa akin. Syempre sinilip ko iyong sunog sa bandang puwetan nang uniform ni Orion at kitang kita ko ang telang pinangtapal ko doon. Nanag nakasakay na kami sa bus ay nakatayo siya sa harapan ko. Syempre ako ang naupo sa iisang upuang bakante.

Nakita kong pinagtitinginan nila si Orion dahil sa uniform niya. Tumatawa pa sila at sinasabing ang cute raw nang pagkakadesign. Syempre ako nagtahi.

Nang makarating kami sa eskwelahan at naglalakad sa hallway ay pinagtitinginan nila si Orion.

Bigla bigla na lang umakbay si Ramen kay Orion at may ibinulong. Tumingin naman si Orion sa kanyang likuran at nakita niya ang ginawa ko. Patay!

Galit itong tumingin sa akin sabay hila sa sleeve nang aking uniform. Ewan ko kung saan niya ako dadalhin pero sa sobrang higpit nang pagkakahawak niya sa uniform ko ay feeling ko mahuhuburan na niya ako.

" Did you do this in purpose?" tanong niya.

" H-hindi ah. Nasunog ko iyan noong napaplantsa ako. Hindi mo man lang ba naappreciate? Ang kyut nga ni Spongebob diyan sa tela eh!" ani ko sabay tawa. Tawang tawa talaga ako at ang lakas noong tawa ko. Nahampas ko pa ata si Orion.

"NAKAKATAWA BA IYON?!"

"P-pasensiya pfff.... na HAHAHAHAH."

Hindi ko talaga mapigilan iyong tawa ko kaya kahit nasa harapan ako ni Orion ay ang lakas lakas nang tawa ko.

" Nakakatawa kasi eh hahahhahah."

Napahawak pa ako sa tiyan ko noon.

" Shut up, will you? Nakakairita na iyang tawa mo,"ani Orion.

Kaso hindi ko talaga mapigilan eh.

" Hahahaha.... ikawnaman pfft.. Oo na tatahi---"

Bago ko pa matapos iyong sasabihin ko ay hinalikan ako ni Orion.

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon