Thirty Three

135 3 0
                                    


Fern's POV

Hindi ko alam kung bakit maaga akong nagising sa araw na ito at nadatnan kong umiinom nang kape si Orion. Ala sais pa lang nang umaga at alam kong kulang ang tulog niya. Kahit hindi pa dilat ang dalawa kong mata ay umupo ako at umub ob sa mesa kaharap ni Orion.

" Saan ka pala galing kagabi?" tanong ko. Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya liban sa paghigop niya nang kape.

" Asawa ko naririnig mo ba ako?" tanong ko uli ngunit wala na naman siyang sagot. Doon na ako nag-ayos nang upo at tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa sahig at mukhang malalim ang iniisip.

" ORION!!!" Doon na ako sumigaw at nagulat siya.

" Why are you shouting And when did you come here?!" tanong niya.

" Hah? Kanina pa ako rito noh!" sagot ko. Tumayo ako at kumuha nang baso saka nagtimpla nang gatas na iinumin ko.

" Anong date na ba ngayon?" tanong niya. Bakit naman kaya tinatanong niya ang petsa.

" Katapusan na nang Nobyembre," sagot ko. Humigop ako nang kape at tumingin sa kanya. Nakangiti akong tumingin sa kanya at nang mapansin niya iyon ay nagtaas siya nang kilay.

" Bakit hindi ka pumasok kahapon? Hindi ka man lang nagpaalam sa akin tsaka saan ka nagpunta?" tanong ko. Kumuha ako nang tinapay at kinain iyon.

" Wala ka nang pake kung saan ako pumunta and quit starin'," pagsusungit niya.

" Masaya lang ako. Ito kasi ang unang beses na sabay tayong nagbreakfast," sagot ko.

Tumingin lang siya sa akin at umiwas uli nang tingin.

Pagkatapos naming magbreakfast ay naghanda kami sa pagpasok. Dahil maganda ang gising ko ay maganda rin ang aura ko. Naisipan kong itali ang buhok ko at gumamit nang kaunting powder. Patingin tingin ako sa salamin at napangiti nang makitang gumanda ako. Tiyak na mabibighani si Orion sa kagandahan ko.

Kinuha ko na ang shoulder bag ko at lumabas nang kwarto. Nadatnan kong kinakandado ni Orion ang kanyang kwarto. Nakita ko rin si Orn na nakatingin sa akin. Pati ba naman ang asong ito nagandahan sa akin. Nilapitan ko si Orn at hinaplos ito.

Nang marinig kong palabas nang bahay si Orion ay patakbo ko siyang sinundan. At sa kimalas malas ko ay nakasabay namin si Akira.

"Magandang umaga Fern," bati niya.

" Ako lang ang maganda sa umaga," sagot ko.

Oo nga pala naalala ko ang nangyari sa amin kahapon ni Ramen. Nalungkot talaga ang unggoy na iyon nang malamang may boyfriend na si Akira. Matanong nga ang bruhildang ito.

" Hoy ikaw," tawag ko sa kanya.

Tumungin sa akin si Akira nang nakangiti.

" May boyfriend ka na ba?" tanong ko.

" Bakit mo natanong?" tanong niya.

" Sagutin mo na lang iyong tanong ko,"sabi ko.

Ngumiti lang siya tapos kumapit nang mahigpit sa bag niya.

" Ang totoo niyan.... m-may nanliligaw sa akin," nqmumulang sagot niya.

Anak nang tokwa naman oh!!

" Iyon ba iyong kasama mo kaha- I mean wala ka pang nobyo?" paninigurado ko.

Tumango namn siya bilng sagot.

Akala ko nakahinga na ako nang maluwag dahil may nobyo siya pero manliligaw pa.lang pala niya iyong kasama niya. Tiyak na magdidiwang ang puso ni Ramen sa maririnig niya pero may chance ring maagaw pa rin niya si Orion sa akin.

Sinundan ko si Orion at tumingin sa kanya. Naghintay kami nang bus at nang may huminto ay pumasok ako nang mapansin kong hindi sumunod sa akin si Orion.

"Uy Orion!" sigaw ko nang makita kong nakatayo ito sa bus stop at walang kibo.

Bumaba ako sa bus at tinapik siya sa balikat. Doon lang siya natauhan. Sumakay kami at nang makakita ako nang bakanteng upuan ay doon kami umupo.

Inirapan ko si Akira nang makita kong ninanakawan niya nang tingin si Orion.

" So anong balak mong gawin this saturday?" tanong ko sa kanya.

"Wala," tipid niyang sagot at tumingin sa labas nang bintana.

" Kung wala may pupuntahan tayo," nakangiting sagot ko.

" Hindi ako sasama," tipid niyang sagot.

" Wala ka namang gagawin sabi mo," ani ko at hinawakan siya sa kamay. Tinabig niya ang kamay ko at sinuot ang earphones niya.

Hindi ko na siya kinulit at nang makababa kami sa babaan ay hindi pa rin siya pumapansin.

" May notes pala ako sa mga topics kahapon incase kailangan mo ipapahiram ko na lang sa iyo," sabi ko at kahit pilit kong hinahabol si Orion dahil sa bilis nang paglakad niya.

Hindi niya ako pinansin at nang makarating kami sa classroom ay umupo ito at tumingin sa kanyang cellphone. Nagtaka ako kung ano bang tinititigan niya sa cellphone niya kaya hinablot ko ang cellphone niya.

"Patingin naman ako Orion," sabi ko at tiningnan ang cellphone niya. Larawan iyon nang isang babae at ginamit iyon ni Orion bilang wallpaper nang cellphone niya.

Hinablot niya pabalik ang cellpone niya.

Iyong babaeng nasa wallpaper ang parehong babaeng nasa larawang nakita ko.

" Sino ba iyang babaeng iyan?" nakapamaywang na tanong ko.

Hindi niya ako pinakinggan at dahil nagring na ang bell ay bumalik ako sa aking upuan.

May tinatago ba si Orion sa akin? Lagot talaga siya kapag nalaman kong may kalaguyo siya.

Nang break time na namin ay sinundan ko si Orion. Papunta kami sa canteen at kinukulit ko siya tungkol sa pinapanood kong TV show.
Hindi pa rin niya ako pinansin na ipinagtaka ko.

Pagkatapos kong magbayad nang order ko ay wala na si Orion sa tabi ko.

Nasaan naman kaya siya?

Habang abala ako sa paghanap kay Orion ay nabangga ko si Ramen. Hindi rin niya ako pinansin kaya hinarang ko siya.

" Unggoy," tawag ko sa kanya.

Doon niya ako napansin at tiningnan.

" Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ko sa kanya.

Hinila ako ni Ramen paakyat sa rooftop.

" Anong ginagawa natin rito? Kapag may makakakita sa atin dito baka mapagkamalan pang may tinatago tayo," ani ko kay Ramen.

Inirapan lang niya ako at nagulat ako nang umupo ito sa gilid.

" Pucha! Ramen umalis ka nga diyan! Balak mo bang magpakamatay?! Kaya mo ba ako dinala rito para maging witness sa gagawin mo?!" sigaw ko.

" Sira!" sigaw niya.

" Baliw! Magpapakamatay ka dahil lang sa Akira na iyon?! Eh ang pangit non eh!" sabi ko sabay lapit kay Ramen.

" Hindi ako ganoon kadesperada sa pag-ibig! Nagpapahangin lang ako," ani Ramen.

" So dinala mo ba ako rito para tingnan kang magpahangin rito?" inis kong tanong.

" I need your help," ani Ramen.

" Anong klaseng tulong? Kung burol mo lang din ang pinoproblema mo, sagot ko na ang bulaklak" sagot ko.

" Hindi! This coming saturday darating ang lola ko," pagsisimula niya.

"Oh eh ano ngayon?! May problema ba don?!" tanong ko.

"Kapag nalaman niyang wala pa akong girlfriend ay siguradong pipilitin niya akong dumalo sa isang engagement party," saad niya.

" So ayaw mong dumalo dahil kay Akira?"

" No, hindi sa ganoon. Yes, I like Akira but I don't want to disturb her private life. So...I want you to help me this saturday," pakiusap niya.

" Tulongan kang suntukin ang lola mo para hindi matuloy ang balak niya?" tanong ko.

" Hindi iyon. Gusto kong magpangap kang girlfriend ko."

Huuuwaaaattt????!!!!

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon