Forty Part Two

153 1 0
                                    

Fern's POV

" Oh anong nangyari sa mata mo Fern?" tanong ni Tita nang magkaharap kami sa table para sa agahan.

" K-kinagat p-po yata nang lamok kagabi," pagsisinungalin ko. Alam kong mugtong mugto na ang mga mata ko dahil sa kakaiyak ko kagabi. Binigla naman kasi ako ni Orion sa sinabi niya. Girlfriend?! Kailan pa?! Kung may girlfriend na pala siya, sana man lang sinabi niya para hindi ko na pinagpilitan pang pakasalan ko siya. Pakiramdam ko tuloy sinayang lang niya ang panahon niya sa akin kaysa ang samahan ang girlfriend niya na nasa hospital. Pero hindi ko rin kayang makita si Orion kasama ang babaeng iyon.

" Orion, kain ka na muna,"tawag ni Tita kay Orion. Hindi ako makatingin sa kanya. Kunwari ay hinahanap ko si Orn kaya tumayo ako. Nasaan na nga ba ang asong iyon? Hinanap ko si Orn at nakitang naglalaro ito sa labas nang bahay. Nilapitan ko ito at hinaplos.

" Orn... tanga ba ako?" tanong ko. Kumahol ito na ikinainis ko.

Ganoon na ba ako katanga kaya pati aso napapansin rin iyon? Pumasok rin ako makalipas ang ilang minuto nang marinig kong nag-uusap si Orion at Tita sa kusina.

" Orion, sumagot ka. Bakit ganyan mo na lang kung tratuhin si Fern?" mahinang tanong ni Tita pero rinig ko mula sa kinatatayuan ko.

" Ma, alam mo naman di ba? May girlfriend na ako. Ano bang mahirap intindihin don?" sagot ni Orion habang nagtitimpla nang kape.

" Naku Orion , masasakal kita kapag sinaktan mo si Fern. Baka mamaya mangyari na naman sa kanya ang nangyari sa kanya noon,"ani ni Tita. Naaalala pala pa rin niya ang nangyari sa akin dati? Natatakot ba silang gawin ko uli iyong ginawa ko?

" What do you mean?" takang tanong ni Orion.

Bakit sa tuwing nakaraan ko ang pinag-uusapan ay walang alam si Orion? Hindi ba tinatanggap naman niya ang mga sulat ko? Nasabi naman niyang binabasa niya ang mga sulat ko ah.

" Hindi ba nakwento nang lolo mo na noong nasa States ka ay may nangyaring hindi maganda kay Fern ka-," bago pa tuloyang ipaalala ni Tita ang nangyari sa akin noon ay umeksena na ako.

"Tita, ako na po ang maghuhugas nang plato," singit ko. Nagulat naman siya nang magsalita ako.

"Ay hindi na hija. Magbihis na kayo at may pasok pa kayo. Ihahatid ko na kayo," ani Tita.

Tumingin lang sa akin si Orion at saka ako nilagpasan. Ngumiti lang ako kay Tita at umakyat na rin sa aking kwarto.

Naligo at nagbihis na rin ako. Pagkatapos ay bumaba na. Sabay pa nga kami ni Orion na bumaba pero hindi kami nag-usap.

" So tara na,"ani Tita at sinundan namin siya. Mas lalo lang tuloy naging awkward ang atmosphere sa amin ni Orion nang magkatabi kami sa likod at si Tita ang nagdadrive.

" By the way Fern may binili akong cute na mga bestida para sa iyo. Hindi ko nga lang nakuha kaya kapag may free time ka dumalaw ka sa bahay. Tiyak na matutuwa rin ang lolo niyo kapag nakita ka niya," ani ni Tita.

"O-opo,"sagot ko.

" At kamusta naman ang pag-aaral niyo? Ikaw ba Orion tinuturuan mo itong asawa mo nang trigonometry?"tanong ni Tita.

Hindi umimik si Orion at nakatingin lang sa labas.

" Okay lang naman po Tita," sagot ko.

Alam kong ramdam rin ni Tita ang pagiging cold ni Orion sa akin. Nang makarating kami sa gate ay nagpaalam na ako. Nang makaalis ai Tita ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Iniwan ako roon ni Orion at nagsimula na itong maglakad papasok sa eskwelahan.

" Fern!"

Lumingon ako para tingnan kung sino ang sumisigaw sa pangakan ko . Si Akira pala.

" Magandang umaga Fern," bati niya.

Tumango lang ako. Wala na akong gana para irapan pa ang babaeng ito. Lalo na at kailangan ko nang kausap kahit walang kwentang kausap ang isang ito.

" Fern... nagkita ba kayo ni Ramen noong isang araw?" tanong niya.

Tumango lang ako.

" Ang totoo niyan... sa tingin ko nahuhulog na yata ang loob ko sa kanya," ani ni Akira.

" Bagay naman talaga kayo. Isang unggoy at isang mukhang saging. Perfect combination," mahinang sagot ko pero mukhang hindi niya narinig dahil kanina pa siya nakangiti.

" Kung sabihin ko kaya kay Ramen na gusto ko siya?" tanong pa ni Akira.

" Bahala ka,"mahinang sagot ko.

Speaking of the monkey, nakita nga namin si Ramen na papalapit sa amin.

" Good morning," bati ni Akira kay Ramen.

Aba ang unggoy ngingiti ngiti.

"Magandang umaga binibini," sagot naman ni Ramen. Halos masuka ako sa eksenang nakikita ko.

" Uy Fern, bakit ganyan hitsura mo? Para kang bakulaw na tinubuan nang eyebags sa mukha," ani niya nang makita ang mukha ko.

Sinipa ko lang siya sa tuhod at iniwan silang dalawa roon. Pagkapasok ko sa classroom ay hindi ko maiwasang huwag lingonin si Orion. Nakangiti itong nakikipag-usap sa isa kong kaklase.

Umupo ako sa aking upuan at naghintay nang tahimik para sa klase namin. May summative test pala kami sa Math. Dahil iyon lang ang subject namin na nakalaan ngayong umaga ay naisipan kong tapusin na lamang ito agad. Ilang problem solving lang rin naman ang sasagutan namin. Nang magpasa ako nang papel ay pinagtitinginan ako nang mga kaklase ko. Ako kasi ang unang natapos at dahil may oras pa ako ay dumiretso ako sa Rooftop. Nahiga ako roon at nagbilad sa araw.

" Bakulaw anong ginagawa mo rito?" tanong ni Ramen. Nakakainis at dinidisturbo na naman ako nang hayop na ito.

" Nagpapaaraw," sagot ko. Naramdaman ko na lang na tumabi ito sa akin. Tinakpan ko gamit nang palad ko ang mga mata ko dahil nasisilaw ako sa sikat nang araw.

" Baka maarawan ka maging abo ka," natatawang sabi niya. Hindi ako umimik at hinayaan lang siyang laitin ako. Pumunta lang naman ako roon para magpalipas nang oras para makalimot pero kahit anong pilit ang gawin ko nasasaktan pa rin ako.

"May problema ka ba?" tanong ni Ramen.

" Wala,"pagsisinungalin ko.

" Pwede mo namang sabihin sa akin. Makikinig ako," sabi ni Ramen.

"Wala nga,"aniko.

Hindi na siya nagpumilit pa at pagkatapos nang ilang oras na pamamalagi ko doon ay umalis na rin ako. Pagkababa ko ay nakasalubong ko si Orion dala dala ang mga gamit na ilalagay niya sa bodega. Hindi niya ako pinagtuunan nang pansin at nilagpasan lang niya.

Nagpatuloy rin ako sa paglalakad at naisipang huwag na munang pumasok ngayon. Lumabas ako sa campus at dinala nang sarili kong mga paa sa kwarto kung nasaan si Vanessa.

Walang nagbabantay roon. Nakakapagtaka nga at parang wala man lang siyang pamilya para alagaan siya. Umupo ako sa upuan malapit sa kanyang hinihigaan.

Napakaamo nang mukha niya. Napakaganda nang kutis. Kung ako rin lang naman si Orion, siguradong magugustuhan ko siya.

Biglang bumukas ang pintuan at isang matabang lalaki ang pumasok. Nataranta ako at dahil nakita lang din naman niya ako ay nagpakilala ako bilang kaibigan ni Vanessa.

" Maraming salamat at pinasyal mo siya. Baka hindi mo na siya makikita sa susunod na linggo," ani nang tatay ni Vanessa.

" Bakit po? Itutuloy niyo po ba ang pagpapagaling niya sa America?" tanong ko.

"Naku hind hija. Sa susunod kasing linggo... aalisin na ang life support ni Vanessa," sagot nang tatay ni Vanessa dahilan paramakaramdam ako nang lungkot. Kaya ba hindi na umuuwi si Orion dahil alam niyang sa susunod na linggo ay hinding hindi na niya makikita si Vanessa?

Nakuwento na rin niya sa akin ang tungkol sa pagkaaksidente ni Vanessa. Ang tungkol sa kanila ni Orion.

" Alam kong mahal na mahal nang lalaking iyon ang anak ko pero kung hindi dahil sa kanya ay hindi na sana nagkaganito pa ang anak ko," maluha luhang ani noong tatay niya.

Napatingin ako kay Vanessa na akala mo ay natutulog lamang.

Pagkatapos noon ay nagpaalam ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko para kay Orion at para sa relasyon namin.

Mali ba ang pilitin ko siyang bumalik para pakasalan ako ngayong mahal pala niya si Vanessa? Mali ba na agawin ko ang lalaking mahal na mahal niya? Pero wala naman akong magagawa dahil mahal ko rin naman si Orion. Mahal namin pareho si Orion. Ang pinagkaiba lang namin, siya ang mahal ni Orion at hindi ako.

Ang dami daming tanong sa aking isipan. Paano na lamang kung hindi naaksidente si Vanessa? Ibig sabihin ba noon ay papaasahin lang ako ni Orion sa mga pinagsasabi niya sa mga sulat niya? Ang tanga ko. Ang tanga ko pala para paniwalaan ang isang pangako.

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon