Forty Seven

168 0 0
                                    


Fern's POV

"Okay, ngayong araw ang huling araw natin ngayon dito. At ang gagawin natin ay bibisitahin natin ang kilalang shrine sa itaas nang bundok na ito," sabi ni Maam. Tumingin ako sa bundok at siguradong mapapasabAk ang mga tuhod namin.

Nagbigay pa si Maam nang mga dapat naming gawin at hindi gawin habang tinatahak namin ang daan. Kailangang sama sama kami para hindi kami maligaw.

Habang inaayos ko ang bag na kukunin ko para sa hiking ay narinig ko ang usap usapan nang mga kababaihan sa labas nang tent.

" Kapag daw kumuha ka nang tubig sa bukal malapit sa shrine at ipainom iyun sa taong mahal mo ay magugustuhan ka niya. Nabasa ko lang ito sa article tungkol sa shrine. At ito pa, tinutupad raw nito ang mga kalihingan nang kung sino man ang manalangin," sambit noong babae sa labas nang tent.

Tubig sa bukal? At tumutupad nang panalangin?! Dininig yata nang Diyos ang panalangin ko. Kapag kumuha ako nang tubig sa bukal at ipainom iyun kay Orion ay baka may pag-asa pang lalo siyang magkagusto sa akin. Kumuha ako nang extra bottle at saka inilagay sa bag ko. Pagkatapos ay lumabas ako. Itinali ko ang buhok ko para walang maging sagabal sa pag-akyat ko.

Nakita kong nakahanda na rin si Orion at inirapan pa niya ako nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Kumaway lang ako nang may sumiko sa tabi ko.

"Akala ko ba nagmomove on ka? Mukha namang mas lalo ka pa yatang nahulog sa kanya ngayon,"sambit ni Ramen. Inirapan ko si Ramen.

Oo nga nagmomove on ako. Pero marupok lang talaga ako. Kahit naman gustuhin kong sukuan si Orion ay hindi ko kayang gawin. Kaya ngayon pursigido na akong kunin siya. Wala akong pake kung nagmamahalan sila ni Vanessa. Pero kapag napatunayan kong mahal nga nila ang isat isa ay ako ang kusang lalayo sa kanila.

Nagsimula na kaming maglakad paakyat sa hagdanang sa pagkakaalam ko ay mahigit 500 ang steps paakyat sa shrine. Hindi ko inalintana ang sikat nang araw at dali dali akong naglakad paakyat.

Nang nasa kalagitnaan kami nang daan ay nagpahinga muna kami. Uminom kami nang tubig at nagpatuloy sa paglalakad.

Ako ang nauna sa daan paakyat dahil excited na akong makita ang shrine at humiling dito.

Nang nasa huli akong hagdan ay nakita ko ang shrine at ang bukal sa tabi nito. Agad agad akong lumapit sa shrine at nagsindi nang incense at saka pumikit at humiling. Hiniling ko na sana ay manatili pa si Orion sa tabi ko. Pagkatapos ay kumuha ako nang tubig sa shrine.

This is it! Ito na ang sagot sa mga panalangin ko. Nang makakuha ako ay umupo ako at tiningnan ang tubig sa bottle na kinuha ko sa shrine.

" Anong mayroon diyan sa tubig at tinititigan mo Fern?" tanong ni Akira. Hingal na hingal itong umupo sa tabi ko.

" W-wala..," sagot ko at itinago ang bottle sa bag ko. Ayoko pang malaman nang saging na ito at baka gayumahin si Orion.

Naglibotlibot rin kami sa isang malaking bahay sa taas nang bundok. Isa iyong makalumang bahay kung saan nanirahan ang dalawang mag-asawa at ayun sa kwento ay ipinatayo raw nang babae ang shrine para sa namayaoang asawa. Araw araw daw itong humihiling sa shrine na sana ay ibalik niya ang kanyang asawa. Hanggang don lang ang kwento nang tourist guide dahil hindi na daw nila alam kong bumalik ba ang lalaki o hindi.

Nang malapit na ang tanghali ay nagsimula na kaming kumain nang aming baon. Tumabi ako kay Orion para isakatuparan ang plano ko. Kapag nauuhaw ito ay magboboluntaryo akong kukuha at ibibigay ko ang tubig na kinuha ko sa bukal.

" Why are you here?"tanong ni Orion.

"Masama bang tumabi?" sagot ko.

" Hindi talaga nakakaintindi ang utak mo noh,"sagot niya. Hindi ko na pinansin ang pagsusungit niya. Nang makita kong walang gulay ang baon niya ay agad kong ibinigay sa kanya ang akin.

"I don't want to eat those grass..,"aniya.

"Damo?! Hindi ito damo. Gulay kaya kumain ka na para magkalaman ka..," wika ko at inilagay sa plato niya ang gulay.

" Ayoko nga ang kulit mo," wika rin niya at ibinalik ang gulay sa plato ko.

"Kung ayaw mo di wag..," sambit ko at nagsimulang kumain nang may asungot na tumabi sa akin at kinuha ang ulam kong gulay.

"Bwesit! Akin na yang ulam ko Ramen!" ani ko at sinubukang kunin ang ulam ko sa baonan niya.

"Akin na to! Kulang tong baon ko eh!" sagot niya sabay taas nang baunan niya para hindi ko maabot.

" Isa! Isauli mo iyang nilunok mo or else hahatiin ko ang bituka mong unggoy ka!" sigaw ko.

Tumatawa lang si Ramen at nang makaalis siya ay bumalik ako sa tabi ni Orion.

" Bwesit talaga ang Ramen na iyan!" aniko.

"Nakakawalang ganang kumain," rinig kong sabi ni Orion at ibinigay ang pagkain sa akin.

"P-para sa akin ba ito?" tanong ko.

" Huwag ka nang magtanong. Ayoko nang lasa ang alat," sagot niya kaya agad kong tinikman ang baon niya. Hindi naman maalat ang sarap nga eh. Nakailang subo ako at pangiti ngiting kumain sa tabi.

Nang mabusog kami at nakapagpahinga na ay nagdesisyon na kaming bumaba at uuwi kami ngayong hapon. Ang saya naman nang araw ko.

Sumabay pa akong bumaba kay Orion at nang mapansin niya ako ay itinulak niya ako sa likuran.

" Ang bagal mo maglakad," aniya saka ako inunahan sa daan.

"Anong mabagal maglakad?! Mahaba lang talaga iyang mga legs mo,"sabi ko.

Naalala ko ang tubig na kinuha ko kaya agad ko iyong inilabas at nilapitan siya.

"Nauuhaw ka ba? Gusto mo nang tubig?"tanong ko.

Tumingin lang siya sa tubig na iniaabot ko.

"Uy tubig! Sakto uhaw ako!" ani na naman nang asungot na walAng iba kundi si Ramen.

" Kabute ka ba bago naging unggoy? Sulpot ka na lang nang sulpot!" aniko at inilalayo ang tubig para sana kay Orion.

Nang malapit na niya itong makuha sa akin ay nabigla kami pareho nang inabot sa akin ninOrion ang tubig.

"Para sa akin nga raw," sambit niya sabay bukas sa tubig at ininom lahat nang laman. Pinunasan pa niya ang kanyang labi at inirapan si Ramen bago umalis.

" Nakita mo kung paano ako tiningnan nang lalaking iyon? Nakakapagtaka lang kung anong nakita ni Vanessa sa kanya," sabi ni Ramen na ipinagtaka ko.

" Bakit? Magkakilala ba kayo ni Vanessa?" takang tanong ko. Paano niya nalaman ang tungkol kay Vanessa?

" Ah... n-nabanggit mo noong isang araw sa akin... right?" sabi niya at bago ko pa siya natanong ay pinitik niya ang noo ko saka tumakbo.

Nasabi ko ba sa kanya? Siguro nga.

Nang makababa na kami ay naghihintay na ang bus na maghahatid sa amin. Habang nag-aayos kami nang mga tent at gamit ay nakaramdam ako nang pananakit sa tiyan ko.

Parang natatae ako na masusuka. Inilagay ko muna ang aking bag sa bus at kinuha ang cellphone ko.

Ow shemay! Ang sakit nang tiyan ko! Parang ang sama sama nang timpla! Tumungo ako sa CR pero naabutang maraming babaeng nakapila roon para umihi. Namimilipit na ako sa sakit nang aking tiyan at parang lalabas na ang ***. Dahil hindi ko na kaya ay minabuti kong tumakbo sa may gubat kung saan ko ito ilalabas. Ang dogyot mang isipin pero wala na akong magagawa. Nagpakalayolayo muna ako at ginawa ang dapat gawin kaso pabalik na ako nang tumunog uli ang tiyan ko at parang lalabasan uli. Bumalik uli ako at nilabas uli. Nang makabalik na ako ay gabi na at wala na akong naabutan.

Naliligaw ba ako?! Asan na sila?! Asaan na ang bus?!

Andito lang sila kanina ah?!?

Don't tell me---

"Huhuhu Naiwan ba ako??!!" sigaw ko.
" Orion?! Akira?! Ramen?! Asaan na kayo??!!" sigaw ko dahil wala ni isa ang naabutan ko sa lugar kung saan namin itinayo ang mga tent namin.

Gumagabi na at naririnig ko ang mga insektong kanina pa gumagawa nang ingay sa paligid.

" Waahhh!!!" iyak ko sabay dapa sa lupa.

" Bakit ka umiiyak Miss? Naliligaw ka ba?" rinig kong sabi nang isang lalaki sa tabi ko.

Kyahh!!May life saviour!!

"Opo.. naiwan po ako nang bus at nang mga kasama ko," sagot ko.

Dalawang lalaki ang nasa tabi ko.

" Naku Miss, wala pa namang signal nang cellphone rito. Hayaan mo, ihahatid ka namin sa malapit na stasyon nang bus," boluntaryo noong dalawa.

" Hulog po kayo nang langit!!Salamat po!!" aniko at sinundan silang dalawa.

Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa isang makitid na daan.

" Sigurado ba kayong ito ang tamang daan? Bakit wala man lang street light diyan?" tanong ko.

Natatakot kasi ako sa mga madidilim na lugar lalo na at hindi naging maganda ang karanasan ko. May phobia ako sa mga makitid at madilim na lugar kaya nanginginig ang mga tuhod kong umatras.

"Miss bakit?"tanong noong isang hindi kalakihan ang katawan at nakasuot nang cap.

" Pasensiya na...natatakot kasi ako sa madidilim na lugar ," saad ko.

" Naku Miss.. malapit na tayo kapag natahak natin ito ay nasa main road na tayo," sabi noong isa.

Hindi pa rin nila ako napilit na tahakin ang daan.

"Kailangan yatang pwersahin nating sumama ang babaeng ito," sabi noong isa na ipinagtaka ko.

Ngayon ko lang napansing kahinahinala ang suot at mga mukha nila.

" Nagsinungalin kayo. May b-balak ba kayong masama sa akin?"tanong ko sabay taas nang aking sleeves.

Patpatin ako pero may alam naman ako sa self-defense. Subukan lang nila akong hawakan at ihuhukay ko silang buhay!

"Miss... kahit tumakbo ka pa o sumigaw... malayo nA tayo walang tutulong sa iyo!"sigaw noong isa sabay lapit sa akin.

"Ganoon ah!" aniko sabay sipa sa mukha niya. Dumugo ang ilong niya at napaatras.

"Matibay itong isang ito pare!"aniya.

" Sino ba kasing nagsabing mahina ako?! Sige lumapit ka nang mabasag ko ang mukha mong sinungalin ka!" sabi ko. Ngumisi silang dalawa at umatake silang sabay.

Agad naman akong tumakbo at nagsisigaw.

Nang maabot ko ang kalsada ay naabutan nila ako.

" Sumama ka na kasi sa amin!" ani noong isa.

Lumapit siya at sinipa ko siya sa where it hurts the most.

"Ano? Wala pala kayong binatbat!" pang-iinis ko.

"Fern?!" mula sa likuran ay nakita ko ang humihingal kong asawa. Tumakbo ako sa tabi niya at umiiyak.

" Orion, paano ka napunta rito? Binalikan mo ba ako?!" tanong ko.

" Mamaya ko na ipapaliwanag. Ang kailangan lang natin gawin ay makalayo sa mga ito," sagot niya.

" Umiyak na kayong mga talunan kayo! Umuwi na kayo at dumede sa mga nanay niyo!" matapang na sabi ko. Nainis ko yata sila lalo kaya kumuha sila nang kahoy at hinabol kami.

Nagtago kaming dalawa sa may madilim na lugar at dahil natatakot ako sa dilim ay nagsumiksik sa mga bisig ni Orion.

"Wala na yata sila..," ani Orion kaya lumabas kami sa aming pinagtataguan.

" Anong ginagawa mo rito? Naiwan ako nang bus dahil sumakit ang tiyan ko at naghanap nang CR kaso nakalayo na ako at pagbalik ko... wala na ang bus..," paliwanag ko kay Orion.

" Damn... dahil sa binigay mong tubig sumakit rin ang tiyan ko and I stayed in the restroom for an hour and naiwan rin. You're lucky narinig ko ang pangit mong sigaw at nalamang naiwan ka rin," sambit niya.

"Talaga?Mabuti na lang sumakit ang tiyan mo at naiwan kasama ko," natutuwang sabi ko. Nainis siya sa sinabi ko kaya inirapan ako.

Napabuntong hininga ako. Naglakad kami nang may humila sa akin at tinutukan ako nang kutsilyo sa leeg.

" Akala niyo ganon ganun lang kayong makakatakas? Pwes, nagkakamali kayo!" sigaw noong lalaking nakatutok nang kutsilyo sa leeg ko. Ang lakas nang kabog nang dibdib ko dahil sa nararamdaman ko na ang matulis na kutsilyo na nakadikit na sa balat ko.

" Stop. Ano bang kailangan niyo?" tanong ni Orion. Nakataas ang mga kamay ni Orion at nakaharap sa akin. Alam niyang takot na takot ako dahil nanginginig na ang mga tuhod ko at may namumuong luha sa gilid nang mga mata ko.

" Ang kailangan namin ay ang babaeng kasama mo kaso nakita mo na ang mukha namin kaya kailangang ibaon ka namin sa lupa," sagot niya.

Hindi sumagot si Orion. Paano kami makakatakas rito?! Papatayin ba nila kami?! Hindi ko pa naman nasabing gusto kong kulay pink ang kabaong ko at hugis oblong. Uwahhh!

"Huwag kang gagalaw kung ayaw mong tuluyan ko ang babaeng ito!" banta nila kay Orion.

Pinaluhod nila si Orion at saka siya sinipa sa likuran noong isang lalaki. Hindi lang iyun ang ginawa nila dahil sinuntok nila sa mukha si Orion at mukhang nabasag pa ang labi niya.

"Tama na! Please pakawalan niyo na siya!" sigaw ko habang umiiyak.

Sinipa uli niya si Orion sa sikmura kaya napahiga ito sa lupa.

" Tama na please!! Kunin niyo na lang ako! Sige na, sasama na ako!" umiiyak na sabi ko. Ngumisi naman ang dalawa.

" Ayus pare. Kung sumama ka na lang sana kanina hindi na nasapit pa nang kasama mo iyan,"ani niya at saka lumapit sa amin.

" Tsk. Wala kayong mapapala sa babaeng iyan,"ani Orion habang nakahiga sa lupa.

"Anong walang mapapala? Kay ganda ganda nga nang babaeng ito! Mahal ang bayad kapag ibinenta namin siya," sagot noong isa.

" M-may sakit iyan sa balat. Hindi marunong magluto-,"

"Anong hindi marunong magluto?! Hoy!Ako ang laging naghahanda nang almusal mo sa umaga!" sagot ko.

"Hindi marunong mag-ayos, baduy."

"Baduy?!Wala namang mali sa istilo nang pananamit ko!"

Doon ako tiningnan ni Orion na waring nakikiusap na sakyan ko ang drama nito para makatakas kami.

" Maingay."

" Maingay?! Sa sobrang tahimik ko nga mula grade one hanggang high school most behave ako!"

Nang maramdaman kong niluwagan noong lalaki ang pagkakahawak sa akin ay doon ko sinuko sa sikmura ang lalaki at saka itinulak
Nang makaalis ako ay doon ako humarang sa harapan ni Orion. Sakto namang may nagsisigaw sa likuran at nakita ko ang mga kaklase naming patakbo kaming nilapitan. Sila pa ang gumulpi sa dalawang lalaki.

" Ano bang nangyari sa inyo?!Mabuti na lang napansin ko na wala kayo kaya bumalik kami,"ani Ramen habang tinitingnan ang mga sugat ko sa paa dahil sa pagtakbo namin kanina.

Iniligtas nila kami at dahil may mga sugat si Orion ay dinala muna nila kami sa hospital bago umuwi. Hindi naman ganoon kaserious ang mga sugat niya kaya sinamahan ko na siya.

Kasama ko si Ramen na ngayon ay nakatayo sa labas nang pintuan at hindi ko alam kung bakit ba siya sumama.

Nang umalis ang nurse ay tinabihan ko si Orion at umiyak sa tabi niya.

" Uwaahhh... sorry Orion nasaktan ka pa dahil sa akin!" umiiyak na sabi ko.

"Tsk."

" Don't die please!" mangiyak ngiyak na sabi ko. Binatukan niya ako.

" Mabuti na lang at ito lang ang nangyari. By the way, are you okay?"tanong niya at tinitingnan kung may sugat.

Ngumiti ako dahil ngayon lang siya nag-alala nang husto para sa akin.

Nang makapagpahinga kami ay naalala ko na malapit na pala ang kaarawan ko sa susunod na sabado.

" Orion may gagawin ka ba ngayong sabado?"tanong ko.

" Wala," sagot niya.

" Kung wala ay may pupuntahan tayo,"nakangiting sambit ko.

" Saan naman? Tsaka ayoko....,"sagot niya.

" Sige na. Ako ang bahala... basta siguradong magugustuhan mo ang pupuntahan natin,"aniko.

" Whatever," sagot niya.

" Besides, may ibinigay si Mama na ticket para sa -," bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay may nagsalita sa may pintuan.

" Orion? Gosh, what happened?"

Lumingon kami ni Orion at nakita ko si Vanessa. Lumapit siya sa amin ni Orion at tiningnan ang mga sugat niya.

" Okay ka lang ba? Pinag-alala mo ako. I saw Ramen outside at nalamang nandito ka pala,"sabi ni Vanessa. Para siyang anghel sa ganda nang boses niya.

Ngumiti si Orion. Isang ngiting hindi ko nakita mula kay Orion.

" I'm okay," sagot ni Orion. Hinawakan niya ang mga palad ni Vanessa.

Nang mapansin ako ni Vanessa ay ngumiti siya.

" Kaibigan ka ba ni Orion?" tanong niya.

Hindi ako makasagot. Ni hindi ko maigalaw ang mga labi ko dahil sa pagkabigla ko sa pagdating niya.

" Ramen, hindi ka man lang ba nag-aalala sa kanya? Baka naman girlfriend ka nang kapatid ko?" tanong uli niya.

"Kapatid? K-kapatid mo si Ramen?" tanong ko.

Tumango lang siya. Kung ganoon....

" Mabuti na lang maayos na kayo,"iyon lamang ang sabi niya. Kinuso niya ang buhok ni Orion at saka pinisil ang ilong.

"Ang bait talaga nang boyfriend ko!" ani Vanessa.

" Sige, aalis na muna ako," aniko.

Tumingin pa ako sa kanila bago umalis habang nakayakap si Vanessa kay Orion.

" Kapatid mo pala si Vanessa?"tanong ko kay Ramen. Tumango lang siya.

" Hindi mo man lang sinabi sa akin. Kaya pala pinagtutulakan mo palayo si Orion sa akin dahil gusto mong sirain ang relasyon namin para sa kapatid m," sambit ko.

Pinagloloko pala ako ni Ramen. Kaya pala gusto niyang kalimutan ko si Orion dahil alam niyang mahal na mahal siya ni Vanessa.

" Hindi ganoon iyun Fern. Ayoko lang na masaktan ka kaya hindi ko sinabi," sagot niya.

Hindi ko na siya pinakinggan. Manloloko rin pala si Ramen.

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon