Twenty : Special Chapter

178 4 0
                                    



Orion's POV

" Hey Orion!" from the porch of the house I already saw Loki, lighting up a cigar and calling for me.

" Si Kuya Loki ba iyon?" she asked.

" May mga mata ka di ba? Bakit hindi mo tingnan," sarkastikong sagot ko.

" Tss. May regla ka ba?" sabi niya na ikinaireta ko.

"Mukha ba akong babae sa paningin mo? Why don't you visit the doctor ipacheck up mo iyang mga mata mo baka kasing labo na nang utak mo,"sagot ko.

She was murmuring something but I paid no attention with what she's saying. Agad kong nilapitan si Loki.

" Quit smoking," ani ko sabay tapik noong yosi sa kamay niya.

" Dumalo ka ba rito para suwayin akong tumigil na sa paninigarilyo?" nakangising sabi niya.

"Tsk."

"Oh, you look so lovely tonight Fern!" papuri ni Loki sa babaeng iyon. Lovely? That's too much. For me, she's still human. Plain Human.

May humila pa kay Fern papasok sa loob at naiwan kami ni Loki sa labas.

" So how was your life after your marriage?" tanong niya.

" It's hell. She really irritates me," sagot ko.

"She?"

"I mean Fern who else?" sagot ko.

" I thought tinutukoy mo na naman iyong babae mo sa America," aniya.

I let out a couple of sighs.

" It was a mistake for me to come back here, Loki. I should'nt have left her in America," sagot ko. I hope nakukuha niya ang gusto kong ipahiwatig.

"Well save your story for later, we're needed inside," sagot ni Loki.

Pumasok kami ni Loki and una kong napansin si Lolo na nakatayo sa gitna nang hall.

" Orion!" aniya nang makita ako. I rolled my eyes at lumapit naman siya.

" Where's your wife?" tanong agad niya. I don't know why the word wife gives me an uneasy and at the same time disgusting feeling.

"Somewhere playing here on the crowd,"I answered.

"Ano ka ba naman Orion. Dapat magkasama kayo," ani Lolo.

" She's not a kid," ani ko kay Lolo. Hinanap naman agad niya si Fern at iniwan uli ako doon. Wife? That word pisses me off.

Sinundan ko si Loki sa may table kung saan siya umiinom nang Vodka.

I took a glass of wine at tumungo kami sa veranda.

" By the way, have you heard?" He suddenly asked.

"Heard what?" I asked.

" Your girlfriend's body was transferred here," he suddenly blurted. I felt my heart had stopped from beating when I heard the news from him.

" Since when?"

" Last week. Her parents decided na dito na lang siya ipagamot. You know how serious her condition is and tumataas na ang bayarin nila sa America," Loki said.

"Why are you saying this to me?" I seriously looked at him waiting for his reasons.

" Alam mo I feel pity for your wife, Fern," aniya na pag iiba nang usapan.

" Shut up. Fern's an idiot. Why would she cling to a promise I made when I was just ten years old?!"

Uminom muna siya nang Vodka bago uli tumingin sa kalangitan.

" Kung alam mo lang sana kung ano ang pinagdaanan niya," sabi uli ni Loki na lalong nagpalito sa akin.

" What happened to her?" tanong ko.

" Ahah! Ninanakaw mo na naman ang asawa ko sa akin!" Out of nowhere, sumulpot na naman ang babaeng iyon.

" I was just borrowing my brother Fern," tumatawang sagot ni Loki.

"Pssht. Whatever! By the way Orion tinatawag na tayo ni Lolo sa loob," aniya saka kumapit sa aking braso.

"Let go dummy," sabi ko ngunit mas hinigpitan pa niya ang kapit sa akin.

" Lahat sila pinupuri ako. Maganda raw ang suot kong bestida. Kyaahh, salamat sa pagpili nito para sa akin Orion!" she said and tried to embrace me but I pushed her away.

To be honest, I picked the worst dress on the shop but I didn't know she still looks ... a little bit attractive wearing that dress.

"Orion and Fern!" sigaw ni Mama.

Lumapit naman siya sa amin ni Fern at hinigpitan ang yakap kay Fern.

"Just look at you honey! Napakaganda talaga nang napangasawa nang anak ko!" masayang sabi ni Mama.

My mom loves Fern more than me. Simula kasi noong mga bata kami halos kampihan niya si Fern kaysa sa amin ni Loki. Marahil ay dahil hindi siya nagkaroon nang anak na babae.

Hinila naman ako ni Mama sa isang sulok at binatukan.

"Bakit parang pumapayat si Fern?!" tanong niya habang nakapamaywang sa harapan ko.

" Why don't you ask her? Hindi kasi siya kumakain nang mabuti siguro," sagot ko.

" Whoops. Don't tell me she's taking pills? Ginawa niyo na ba iyon?"tanong niya.

"Ginawa ang alin?" takang tanong ko.

"Iyong halikan siya tapos alam mo na,"sabi ni Mama sabay hampas sa akin.

"Ma! Ano ka ba we're too young to do and think about that!" sabi ko.

"Okay but be sure na kapag ginawa niyo iyon gumamit kayo non," ani Mama sabay kinindatan ako.

Mom's a psycho. Ni hindi ko nga masikmurang hawakan ang babaeng iyon.

Iniwan ko siya at nabigla uli ako nang hatakin ako ni Fern sa gitna.

" Sayaw naman tayo," sabi niya at hinawakan ako sa braso. I was about to push her pero nakuha na namin ng attention nang mga tao sa
loob nang hall. Ayoko namang gumawa nang eksena kaya wala na akong nagawa kundi ang magsayaw kasama ang babaeng ito.

"Nakatingin sila sa atin Orion," she cheerfully said.

"I have my own eyes. Alam ko," sagot ko.

She laughed at naamoy kong nakainom siya. Nilasing ba ito ni Mama o ni Lolo? We just arrived here thirty minutes ago and here she is, drunk?! Tsk. Madali ba siyang malasing?! Problema ko na naman kung paano ko siya iuuwi mamaya.

" Kish tayo Orion!" sabi ni Fern sabay halik sa pisngi ko. Nabigla ako sa ginawa niya kaya naitulak ko siya dahilan para matumba ito sa sahig. It's her fault.

" What happened?"tanong ni Lolo.

"She's drunk," I answered.

"Ihiga mo muna siya sa taas. Sa kwarto mo," sabi ni Lolo. Oh Great. Now ako pa magbubuhat sa kanya.

I carried her bridal style at inakyat sa taas. Sinigurado ko munang nakalock ang pinto bago ko siya iwan roon. I searched for Lolo para sana sabihin sa kanya ang totoong pakay ko kung bakit ako dumalo rito.

I approached him at sinabing may importante akong sasabihin sa kanya. Sinabi kong sa labas kami mag-usap at pumayag naman siya.

"Ano bang sasabihin mo Orion? Tungkol ba ito sa pagbubuntis ni Fern?" tanong ni Lolo.

" Buntis? Heck, no. She's not pregnant," panglilinaw ko. Baka kung ano na naman ang sinabi ni Mama kay Lolo.

" I know how much you love Fern pero lolo, alam mo naman hindi ba? Ang tungkol kay Vanessa?" tanong ko.

Nag-iba ang ekspresyon nang mukha ni Lolo at saka ako hinawakan sa braso.

" Orion napag usapan na natin ito. Ayokong binabanggit mo ang pangalan niya lalo na at kasal ka na!"

" You know I don't love Fern at all!"

" So you're saying na babalikan mo ang girlfriend mo sa America at iiwan mo si Fern?! Are you nuts?! Isang malaking kahihiyan iyon sa pamilya ni Fern!" -Lolo

" Ako iyong Apo niyo! Sana naman mas irespeto niyo kung ano ang gusto ko at magpapasaya sa akin!"

" Hindi ko lang ito ginagawa para sa iyo. I'm also doing this for Fern!" ani Lolo.

" Bakit ba mas pinoprotektahan niyo ang babaeng iyon kesa sa akin?" tanong ko.

Napahawak si Lolo sa noo bago tumingin sa akin.

" Do you want to know why? Okay Fine. I'm protecting Fern," sagot niya.

"Protecting her from what?" tanong ko.

Just when I was about to hear what the old man is about to say, sumulpot naman si Loki.

" Hey, now is not the perfect time para magdrama. Tara na sa loob marami pa tayong iinumin," Loki said at hinila si Lolo sa loob.

" Orion, I'm begging you huwag mo nang painitin pa ang ulo ni Lolo," ani Loki bago ako iwan roon.

Great! Mas lalo lang akong naguluhan kung ano ba ang mga pinagsasabi ni Loki at ni Lolo tungkol kay Fern. But I've made up my mind. If she's here, If Vanessa's here I'll find her. I'll definitely find her.

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon