Thirty Eight

140 2 0
                                    


Fern's POV

Vanessa.

Basa ko uli sa pangalan. Papasok kaya ako? Ano namang idadahilan ko kapag may nakakita sa akin? Pero wala naman sigurong masama kung aalamin ko kung ano ang ginagawa ni Orion dito kung sakaling dito siya pumasok.

Dahan dahan kong pinihit ang doorknob para hindi gumawa nang ingay. Pagkabukas ko nang pinto ay ingay mula sa isang makina ang sumalubong sa akin. May nakita akong kamang natatakpan nang kurtina kung saan nakahiga ang pasyente sa kwartong ito.

Dahan dahan akong lumapit. Wala namang tao o nurse na nagbabantay sa pasyente. Marahil ay hindi dito nagpunta si Orion. Hinawi ko ang kurtina at napag alamang isang babae ang nakahiga rito.. Hindi ko maiwasang mamangha sa kagandahan niya. Para siyang anghel na natutulog. Napakaamo nang mukha niya.

Marahil ay hindi dito nagpunta si Orion. Ang tanga ko naman at naisip kong sundan siya rito .

Aalis na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan. Nakahinga ako nang maluwag nang mapansing isang nurse lang pala ang nagbukas noon. Pero laking gulat ko nang makita ko si Orion sa likuran niya.

" Anong ginagawa mo rito?" bungad ni Orion nang makita ako.

Totoo kaya ang hinala ko?!

' N-nakita kasi k-kita kanina kaya sinundan kita,"sagot ko.

" S-sino siya Orion? Siya iyong babaeng kasama mo sa litrato di ba?" takang tanong ko.

Nag-iba ang ekspressyon nang mukha niya nang tanungin ko ang tungkol sa bagay na iyon.

Imbes na sagutin niya ako ay agad niya akong hinila palabas nang kwarto. Ang higpit nang pagkakahawak niya sa braso ko at nasasaktan na niya ako.

" Orion, bitawan mo na ako, nasasaktan na ako," ani ko ngunit pilit pa rin niya akong hinila papasok sa elevator.

Binitiwan naman niya ako nang makasakay kami pababa nang building.

" Sinong nagsabi sa iyong sundan mo ako?" tanong niya.

" Wala namang masama kapag sinundan kita. Sakto rin naman kasing pauwi ako at nakita kita. Hindi kana kasi umuuwi at nag alala na ako kung saan ka ba nagpupunta," ani ko.

" Nag-aalala? Come on Fern. Bakit hindi iyang sarili mo ang problemahin mo? Mind your own business. Kung ano man ang nakita mo rito, kalimutan mo na iyon," ani Orion. Galit soya sa tono nang kanyang boses.

" Wala naman akong nakita ah. Tsaka kaano ano mo iyong babae? Bakit ka nandito? Vanessa? Sino si Vanessa?" sunod sunod na tanong ko.

" Wala ka nang pake doon," sagot niya.

"Walang pake? Asawa mo ako. Wala ka dapat inililihim sa akin," sagot ko.

"Will you cut that out! Kasal lang tayo sa papel okay. Ano bang hindi mo naiintindihan doon?! Sabagay, hindi ka nga pala nakakaintindi," ani Orion.

Bakit ganoon na lamang niya ako sagutin? Ano bang mali sa mga tanong ko?

" Hindi na ako uuwi nang bahay. I found a job and I'm going to stay there. Huwag mo nang ipaalam kina lolo ang nangyari," ani Orion. Nang magbukas ang pintuan nang elevator ay hinila niya ako palabas.

" Umuwi ka na," saad pa niya.

*****

*****************

Ramen's POV

" Hoy ikaw! Late ka na naman?" tanong ko sa babaeng iyon nang makita kong papasok ito sa gate. Hindi siya tumingin sa akin at nagdirediretso lang siya na para bang hindi niya ako napansin.

" Fern?" tawag ko ngunit hindi siya lumingon. Anong drama na naman nang babaeng ito? Siguro naiwan niya utak niya sa bahay nila. Malamang tulog na naman ang kaluluwa niya. Masample lan nga ang babaeng ito. Gamit ang hawak kong stick ay hinampas ko nang mahina ang balikat niya nang dalawang beses. Effective naman ito dahil huminto siya pero hindi siya lumingon kaya pumunta ako sa harapan niya.

" Hoy Fern? Bingi ka ba? Hay naku, gusto ko lang ibalita sa iyong pinagtripan lang ako noong matandang iyon. Hindi naman pala ako ang ikakasal kundi iyong pinsan ko! Tinakot lang niya ako dahil gusto niyang malaman kung bakla ako! Ako Bakla? Sa gwapo kong ito pati nga kapwa ko lalaki nabibighani! Tsaka sino nga ulit ako? Si Ramyun The Pogi!" sabi ko nang may halong ngiti. Hindi siya umimik at doon ko napansing mugto ang mga mata niya at ang laki nang nangigngitim nitong eyebags.

Mukha siyang multo! Mas pangit pa sa multo!

"Anong hitsura iyan? Makikicontest ka ba nang cosplay at si Sadako ka? Mas pangit ka pa yata kay Sadako dapat nag audition ka na lang sa Dyesebel baka nakuha ka pang maging shokoy doon!" natatawang sabi ko ngunit isang hikbi lang ang narinig ko.

" Uwaaahh!" iyak niya. Napatakip ako nang tenga sa pangit nang boses niya.

" Uy, nagbibiro lang ako. Ano bang problema?" tanong ko.

" K--kasi... si.. Orion..eh," bago niya tinuloy ang sasabihin ay ipinangpunas niya muna nang luha niya ang uniform ko. Kadiri!

" Ano bang nangyari kay Orion?" takang tanong ko. Hindi naman ako interesado pero gusto ko lang malaman kung bakit nagkaganito ang babaeng ito.

" M-may iba na siya! May babae siya! Hindi na niya ako mahal" sigaw niya.

" Kailan ka ba kasi minahal noong lalaking iyon?" tanong ko na lalong nagpaiyak sa kanya.

"Uwaahh... Sana hindi ko na lang siya sinundan! Sana hindi ko na nalaman!"

Mga babae talaga. Ang dami nilang issue sa buhay. Lalo na itong isang ito. Ang pangit na nga hindi pa nakakaintindi. Feeling ko singlaki lang nang monggo utak niya.

" Sino ba itong kabit niyang ito?" tanong ko. Hindi naman sa interesado ako pero gusto ko lang malaman. Kung ako lang din naman kasi ipapakasal kay Fern, baka magbigti pa ako.

Tumahimik ito bigla at tumingin sa akin.

" Vanessa... hindi pa naman ako sigurado dahil hindi ko pa nakukumpirma," saad niya.

Isa pang ayaw ko sa mga babae. Magaling silang mag-assume kulang naman sa ebidensiya.

" Bago ka magdrama diyan, pumasok ka na sa klase mo. Late ka na,"pagpapaalala ko sa kanya. Dali dali naman siyang tumakbo papasok. Tumawa pa ako nang madapa ito at tumama ang noo nito sa semento. Ang lampa naman kasi kaya walang nagkakagusto.

" Uy, captain! Umamin ka nga, bakit lagi kang nakangiti kapag kasama mo iyong babaeng iyon? Type mo siguro noh," tanong noong kasama ko.

Agad namang nag-iba ang ekspressyon nang mukha ko at pakiramdam ko ay matatae ako. Ako magkaka gusto kay Fern? Ew. Not gonna happen.

Rumonda ulit ako nang makasalubong ko si Orion. Late rin siya?

" Tigil," utos ko at tumingin siya sa akin.

" What do you want?" tanong niya. Kumukulo rin ang dugo ko sa lalaking ito. Kung naging bulkan lang ako baka kanina pa ako sumabog.

" Ano na naman bang kalokohan ginawa mo kay Fern?" tanong ko.

" Wala ka nang pake doon," sagot niya.

" Nasabi niya sa akin ang tungkol sa babae mo. Pwede ba, Orion. Tigilan mo na ang paghabol sa kapatid ko. Leave Vanessa alone."

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon