Twenty Seven

139 3 0
                                    


Fern's POV

" Goodnight," ani Xander.

" Goodnight Xander," ani ko sabay kaway sa kanya. Katatapos lang namin maghapunan at heto kami ni Orion patungo na sa aming kwarto.

Pagkabukas ko nang kwarto namin ay may nakalagay na isang sleeping bag at isang makapal na kumot.

Isa lang?!

Napalunok ako at saka tumingin kay Orion.

" D-dito talaga tayo matutulog?" tanong ko dahil iisa lang naman talaga iyong sleeping bag pero pangdalawahan iyon.

" Baka gusto mo matulog sa labas?" sarkastikong sabi ni Orion. Inirapan ko siya at saka pumasok na sa kwarto.

Juiceko! Ano kaya ang mapapanood nang mga dingding na ito mamaya?!

Kinuha ko ang maleta ko at saka nagkalkal nang susuotin kong nighties. Nang makuha ko na ang damit pantulog ko ay tumingin ako sa direksiyon ni Orion na kasalukuyang naghuhubad nang t-shirt.

"Bakit ka naghuhubad sa harapan ko?!" sigaw ko at namumulang umiwas nang tingin.

" Tsk. Hindi ako sanay matulog nang nakadamit," sagot ni Orion.

Huwat?! Ibig sabihin noon hubad siyang matutulog sa tabi ko?! Baka hindi ako makatulog nito!!

" Pwede namang sa bathroom ka sa labas magpalit," ani Orion.

" O-oo naman. A-ang swerte mo naman siguro kung dito ako magpapalit," sabi ko.

" Sino naman kasing may gustong makakita niyan," aniya.

Kinuha ko na ang damit ko at saka padabog na umalis sa kwarto. Bahala na siya!

Akala niya ang ganda ganda nang katawan niya!!

Pagkatapos kong magpalit ay bumalik na ako sa kwarto at nadatnan ko si Orion na nakahiga na sa sleeping bag. Nakatitig siya sa kisame at nang marinig niyang pumasok ako ay tumingin siya sa akin.

It's time to show off! Tingnan na lang natin kung hindi siya maaakit sa gagawin ko. Sumandal ako sa dingding at ibinaba nang kaunti ang nightdress ko sa balikat. Sabi kasi nila mas naaattract ang mga lalaki sa collar bone nang mga babae. Mas mataas pa sa tuhod ko iyong dilaw na night dress ko at siguradong lantad na ang mapuputi kong hita.

Tumingin ako sa kanya at nakatingin pa rin siya sa akin. Dahan dahan akong naglakad sa harapan niya sabay flip nang hair ko.

Ano maganda ako noh?!

Kinuha ko ang powder ko at saka nag-apply nang powder sa buong katawan ko.

Nakita kong nakatingin siya sa akin.

"Ano naaakit ka na sa akin?" bulong ko sa sarili. Pasimple akong ngumiti at pagkatapos ay tumabi ako sa kanya.

Kabadong kabado talaga ako dahil alam kong sa loob nang sleeping bag ay walang suot na pantaas si Orion. Lord ikaw na bahala sa akin hahahaha.

Nang lumapit ako kay Orion ay agad itong tumalikod sa akin.

Tss. Alam kong nagpipigil lang siya!

Sumiksik na ako doon sa sleeping bag at ilang inches lang iyong layo nang mga katawan namin sa isat isa. Humarap ako kay Orion pero likod niya ang kaharap ko.

Isang minuto rin akong nakatingin sa likod niya nang magsalita ito.

" Humarap ka nga sa kanan. Nararamdaman ko ang hininga mo sa batok ko," sabi niya.

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon