Forty Six

171 1 0
                                    


Dedicated to Precious Manoban

Fern's POV

Tumutunog ang kampana. Nakasuot ako nang isang wedding gown at nakaharap sa pari.

" Ang t-totoo niyan Fern, ikaw talaga ang gusto ko sa simula pa lang..." sambit ni Orion.

Hah? Panaginip ba ito?!

"HOY GISING!!" Napabalikwas ako nang bangon nang magsisigaw ang pamilyar na boses malapit sa tenga ko.

Panaginip lang pala iyon?

" Bakit mo ba ako sinisigawan?!" sigaw ko kay Ramen.
"Tsaka bakit ka nandito sa loob nang tent namin?!" tanong ko.

Agad siyang namula na ipinagtaka ko at umiwas nang tingin nang maalala kong nakasando lang pala ako. Nag-alis pala ako nang t-shirt kagabi dahil mainit.

"Manyak!!"sigaw ko sabay abot noong kumot pantakip sa katawan ko. Sinipa ko siya palabas at tumawa pa ito habang inaasar akong flat-chested.

Isa pa siya!

Nang makapagdamit ako ay lumabas ako at nakitang naghahanda na ang mga kaklase ko para sa gagawin namin. Manghuhuli kami nang isda sa ilog.

Excited ako sa gagawin namin. Kaya agad akong kumuha nang fishing rod at nang balde. Nakangiti akong tumungo sa ilog at napansing kanya kanya ring huli ang mga kasamahan ko. Ibinato ko ang pain ko sa tubig at hinintay na may isdang kumagat doon.

Lumingon ako sa paligid at nakitang pinagkakaguluhan nang mga kababaihan si Orion dahil mabilis itong makahuli nang isda. Ang cool niyang tingnan lalo na at may itinali pa siyang panyo sa ulo niya na akala mo hari nang gangster. Nakasuot rin ito nang jersey na black. Samantala ako, para nang matanda sa suot kong maluwag na kulay gray na t-shirt at pantalong kulay brown. Mukha nga akong taong-gubat sa suot ko. Kaya siguro hindi ako napapansin ni Orion dahil sa baduy na pananamit ko.

Tumingin pa sa direksiyon ko si Orion at hindi ko maiwasang tumingin sa mapupulang labi niya. Aaminin ko, napakaseductive naman kasi nang mga labi ni Orion. Kaya siguro parang magnet ang labi ko ayun.... nahalikan ko. Ahh!Ano ba itong iniisip ko.

Inirapan ko siya at umiwas ako nang tingin. Mas nainis ako nang makita kong tumabi si Ramen sa akin.

" Oh, Fern, kamusta likod mo?" pang-aasar niya. Sinipa ko siya nang mahina sa tuhod at tumawa siya.

" Alam mo ikaw ang manyak mo. As if naman kasi nakakita ka nang dibdib. Tsk," aniko.

" Nalilito lang ako kapag kaharap kita. Hindi ko alam kung saan ang harap at likod,"pang-iinis pa niya lalo.

"Abat itong unggoy na ito. Alam mo ikaw, bakit hindi ka na lang magpaiwan rito tutal unggoy ka naman sanay ka na rito sa kagubatan," pang-iinis ko.

Kinusot lang ni Ramen ang buhok ko na ikinainis ko. Nang lumingon ako sa direksiyon ni Orion ay nakatingin ito kay Ramen na kanina pa nagwhiwhistle sa tabi ko habang kinukulit ako. Nag-away ba silang dalawa? Bakit ang pangit nang tingin ni Orion kay Ramen? Naku, baka may kalokohan na namang ginawa itong si Ramen.

Nabigla ako nang biglang may humila sa fishing rod ko. Sa wakas may nahuli na rin akong isda! Ang laki yata noong isda at ako pa itong nahihila palapit sa ilog.

Buong lakas kong hinila ang fishing rod kaso ang lakas talaga kaya tinawag ko si Ramen para tulongan ako. Dalawa kaming humila sa fishing rod kaso nahila kami pareho at muntikan na akong mahulog sa ilog. Nakahinga ako nang maluwag nang huminto na ang paghila noong isda at naingat ko kaso nabigla ako nang maramdaman kong parang may humahawak sa dibdib ko. Ang mga kamay ni Ramen nakahawak sa dibdib ko.

"Kiyahhhhh!!!" sigaw ko.

" Pasensiya na. Hindi ko naman sinasadya p-pasmado ako at nang mahila tayo pareho ay nabitawan ko at dahil muntikan ka nang mahulog hinawakan kita kaso dibdib mo pala nahawakAn ko...," paliwanag niya.

" Ang sabihin mo mAnyak ka!" sigaw ko. Pinagtitinginan na kami nang mga kaklase ko at dahil sa hiya at pAmumula ako ay umalis ako dala dala ang nabingwit kong malaking isda.

Unggoy na nga nananantsing pa! Magbabayad talaga sa akin iyang unggoy na iyan!!

Mas lalo na naman niya akong aasarin lalo na at hindi ako gumamit nang foam. Bwesit siya!

Nang bumalik ako ay ako na ang nagluto noong isda. Nang makita ko si Ramen ay sinimangotan ko siya. Tumabi naman sa akin si Akira.

" Ang laki naman nang nahuli mo Fern,"sabi niya habang nakangiting nakatingin sa iniihaw kong isda.

" Akin lang ito,"sagot ko. Ngumiti lang siya kaso nabura iyon nang magseryoso na siya n ipinagtaka ko.

" F-fern... si Orion ang gusto mo di ba?" tanong sa akin ni Akira. Tumingin ako sa kanya dahil sa katanungan niya.

"Ano namang klaseng tanong iyan? H-hindi ko na gusto si Orion... t-tinapos na niya kami di ba?" sagot ko.

"Ganoon ka na lang kadaling nakamove on? Ilang linggo pa lang naman baka hindi ka pa nakamove on lalo na at pati kasal niyo ay w-wala na...," sambit niya. Nagtaas ako nang kilay sa sinabi niya.

" Anong gusto mong palabasin? Na gusto mong magkandarapa ako sa kanya? Na ipakitang tanga ako...Habulin ko siya?" tanong ko.

"H-hindi naman ganoon Fern.... b-baka lang kasi g-ginagamit mo si Ramen para gawing panakip butas," sambit niya na ipinagtaka ko.

" Ganoon ba ako kasama?" tanong ko sa kanya.
" Pati ba naman dito Akira," saad ko.

" Fern... s-sorry... natatakot lang kasi ako para kay Ramen..... sa tingin ko kasi ... n-nagugustuhan ko na rin siya....," sabi niya.

" Huwag kang mag-alala... hindi ko gusto si Ramen. Tsaka ikaw ang gusto niya... kaya pwede ba huwag mo nang binabanggit ang tungkol sa unggoy na iyon. Tsaka huwag mo na ring banggitin si Orion sa harapan ko," saad ko.

Ako?Gagawing panakip butas ang unggoy na iyon? Mas gugustuhin ko pang masaktan dahil kay Orion.

Ganoon naman di ba, kung masasaktan ka lang din naman, piliin mo naman iyong tamang taong mananakit sa iyo. (Fern, 2019.😂😂)

Ngumiti lang si Akira. Lumingon ako sa direksiyon ni Orion at mukhang may kausap siya sa cellphone niya. Marahil ay si Vanessa. Sino pa ba? Mahal na mahal niya siguro si Vanessa kaya siya ang pinili niya.

Nagbuntong hininga na lamang ako.

Ang dami dami pa naming ginawa sa buong araw na iyon. Namasyal sa kagubatan at naligo sa sapa. Nag-enjoy nga kaming lahat. Nang gabing iyon ay nagkaroon kami nang isang malaking bonfire. Halos lahat ay nagtatawanan at nagkukwentuhan sa paligid nang bonfire.

Tumabi sa akin si Akira at TJ.

"Ang lalim yata nang iniisip mo?" tanong ni TJ. Ngayon ko lang uli siya nakausap pagkatapos nang school festival namin. Pakiramdam ko tuloy umikot ang mundo ko kay Orion kaya wala man lang akong naging kaibigan.

Hindi ko pinansin ang tanong ni TJ at nagfocus lang nang attention sa apoy.

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon