Seventeen

131 3 0
                                    

Fern's POV

" Fern tawag ka ni Ramen sa labas," ani ni TJ. Abala akong nagsosolve nang Math problem sa table ko. Wala kasi ang guro sa last subject namin kaya habang naghihintay na matapos ang klase ay naisipan kong magreview.

"Sabihin mo wala ako," sambit ko.

" Fern nakita ka na niya kasi eh," ani TJ.

" Sabihin mo kaluluwa ko lang ito. Basta magrason ka nang kung ano anu. Ayoko nang disturbo," sabi ko at nagfocus uli doon sa sinasagutan ko.

Umalis naman na si TJ at makalipas lamang ang ilang sandali ay may kwadernong tumama sa ulo ko.

"Sapol!" sigaw ni Ramen sa labas. Hindi ko na sana siya papansinin kaso siguradong didisturbuhin lang niya ako maghapon.

" Alam mo ikaw kung wala kang magawa diyan sa buhay mo, huwag ka ngang disturbo. Wag ka feeling close sa akin. Ano bang kailangan mong unggoy ka?!" iritang tanong ko.

" Anong sinabi mo kay Akira? Hindi pa ako dumadamoves turned down na agad ako!" sigaw niya.

" Kasi nga hindi siya pumapatol sa unggoy!" sagot ko.

" So bakit ka pinatulan ni Orion?" nang iinis na wika niya.

" Pwede ba Ramen doon ka sa kagubatan maglibang. Kita mong nagrereview ako!"

" Kahit anong review ang gawin mo wala kang mapapala, kasi wala ka namang utak!" pang iinis niya. Dahil sa inis ay sinipa ko siya sa tuhod at piningot sa tenga. Hindi pa ako nakuntento ay sinarhan ko siya nang pinto at boom! Burado ang ilong nang kumag!

Kinuha ko ang kwaderno ko at nilapitan ko si Orion. Syempre pinaalis ko si Akira at ako ang umupo.

"Orion paano nga ulit kunin ang sagot nang problem na ito?" tanong ko.

Nakakunot-noo itong tumingin sa akin.

"Limang beses mo nang tinanong sa akin iyan. Hindi mo ba talaga nakukuha?" iritang sabi niya.

" Hindi ko nga kasi maintindihan," sagot ko.

Inexplain uli niya sa akin kung paano kunin ang sagot pero wala akong naintindihan sa explanation niya. Nakakabaliw naman kasi sumagot nang ganitong worded problem!

Nang matapos akong turuan ni Orion ay tumayo siya at mukhang aalis. Hinila ko siya pabalik at sinabing magpapaturo pa ako kaso pupunta raw siyang CR.

Naiwan nga ako doon at binuklat buklat ang librong nakapatong sa mesa ni Orion nang maalala kong may lagi siyang tinitigan dito. Isa isa kong binuklat ang mga libro niya. Marahil ay may connection iyon sa nakita kong litrato sa kwarto niya.

Wala akong nakita sa mga libro niya kaya naman iyong bagpack niya ang kinalkal ko.
Hindi ko namalayang may lumapit pala sa tabi kong babae at hinablot ang litrato. Hindi ko nakita kung ano ang nasa litrato.

" Jess, akin na iyan!" sigaw ko. Hindi kami close ni Jess pero masama siyang damo. Siya ang cheerleader nang cheering squad at alam kong napakabully niya dahil minsan na rin niya akong nabully. Tinantanan niya ako nang malaman nang magulang niya ang ginagawa niya sa akin. Kaso mukhang maglalabas na naman siya nang kanyang sungay.

"Hi Fern," bati niya sa akin. Ngumiti na naman siya na akala mo ay magkaibigan kami.

"Jess, ibalik mo na iyan sa akin ngayon din!" matapang kong sabi at nilapitan siya para agawin ang litrato. Kapag bumalik si Orion at nalaman niyang pinakialaman ko ang gamit niya ay siguradong patay ako.

"Well, ano ba kasi itong nasa litrato?" ani niya sabay tingin sa litrato. Narinig ko lamang na nagbulong bulongan ang mga kasamahan ni Jess at nagsmirk siya sa akin. Malakas ang kutob kong may gagawin na naman silang kalokohan.

Nagsmirk sila sa akin at saka ipinakita ang litrato. Litrato iyon nang babaeng nakita kong kasama ni Orion.

" Kay Orion ito hindi ba? Paano kaya kapag ginawa ko ito?" ani Jess at pinunit ang litrato.

" Jess!" sigaw ko sa pangalan niya kaso pinagpira piraso lang niya ang larawan at itinapon iyon sa ere saka sila tumawa nang pagkalakas lakas. Parang tumigil ang mundo ko sa ginawa niya.

" Jess sumosubra ka na! Ano bang ginawa sa iyo ni Fern at ginaganyan mo siya?!" rinig kong sabi ni Akira.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Paano kapag nakita ni Orion ang ginawa ni Jess?! Siguradong ako ang pagbibintangan niya at siguradong yare ako sa asawa ko.

Dahan dahan kong pinulot ang mga pira pirasong litrato at nang akmang pupulutin ko na ang huling piraso ay may mga paang nakaapak doon. Tumingala ako at nanalanging sana hindi si Orion ang nakaapak.

Napasinghap na lang ako nang makita kong si Orion iyon. Nakakunot-noo itong tumingin sa mga hawak ko. .

" What is this?" tanong niya sabay pulot sa pirasong naapakan niya. Hindi ko naman siya napigilan at nakita niya ang larawang pinunit ni Jess.

" A-ano kasi... m-may hinahanap lang ako sa bag mo... k-kaso n-nalaglag ito...,"utal kong sabi dahil bakas sa mukha ni Orion ang galit.

" Pinakialaman mo ang gamit ko without my permission?" ani Orion at kinuyom niya ang kanyang kamao.

Tumingin siya sa mga gamit niyang nakakalat sa kanyang mesa at saka siya tumingin nang seryoso sa akin.

" O-orion... g-gagawan ko-," hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil nabingi ako sa malakas na tunog nang school bell hudyat na dismissal na.

Mukhang nasanay na ang mga classmate ko sa eksenang nakikita nila kaya kahit may nangyayari sa likuran ay nagawa pa rin akong tabigin nang mga kaklase kong nag uunahang umalis sa classroom.

Nang maiwan kami roon ay naramdaman kong inaawat ni Akira si Orion at nakita ko pang pinaapnood rin ni Ramen ang eksena sa labas nang classroom.

" Pagpasensiyahan mo na si Fern. Kilala mo naman iyang babaeng iyan, utak palayok kasi eh, hindi marunong mag-isip," sambit ni Jess sabay lapit kay Orion.
"Besides, pinigilan ko siya kanina nang makita kong pinagkakalat niya ang gamit mo at nang makita niya ang litrato ay pinagpupunit niya iyon. Mukhang may gusto kasi siya sa iyo baka nagselos kaya nagawa niya iyon," ani Jess.

Gusto kong sabihing kasinungalin ang lahat nang sinabi ni Jess kaso hindi ko maibuka ang mga labi ko.

Humakbang palapit sa akin si Orion at hinila ako paalis sa classroom. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko.

Dinala niya ako sa may soccer field.

" S-sorry O-orion... Oo aminado akong hinalungkat ko ang gamit mo pe-," hindi ko naituloy pa ang pagpapaliwanag kay Orion dahil hinablot niya mula sa mga kamay ko ang mga pirapirasong parte nang larawan at itinapon iyon sa mukha ko.

" You really piss me off ! Do you know that? Everything you do kahit nga wala kang ginagawa! Maybe it was my biggest mistake na bumalik sa Pinas for some stupid silly reason!" ani niya.
" Why don't you just disappear?!" isang masakit na salitang binitiwan ni Orion bago niya ako tuluyang tinalikuran at naglakad palayo.

Naiwan akong umiiyak doon habang pilit pinupulot ang mga itinapon niyang piraso nang larawan. Hindi naman niya kailangang sabihin sa akin iyon para lang sa litratong ito. Tsaka gaano ba kaimportante ang litratong ito sa kanya?

Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak doon. Tatayo na sana ako nang mapansin ko si Ramen sa tabi ko.

" Kanina ka pa ba diyan?!" sigaw ko sabay punas nang sipon at luha ko.

" Heto oh. Pangpunas mo diyan sa mukha mo, " ani Ramen sabay abot nang panyo. Hindi ko inabot ang panyo at kusang lumapit sa kanya saka ipinunas sa uniform niya ang mga mata ko.

"Yuck. Kadiri ka!" ani niya saka ako itinulak palayo.

Nang tumigil na ako sa pag-iyak ay muli i siyang nagsalita.

"Ang pangit mo umiyak!" Ani niya kaya sinipa ko uli siya sa tuhod.

" Abnormal ba iyong asawa mo? Sabihan ka ba naman nang ganoon para sa lintik na larawan na iyan," ani Ramen.

" Hindi siya abnormal, kasalanan ko rin naman ang nangyari," sagot ko. Umupo kami ni Ramen at saka niya kinuha ang pirapirasong litratong sa kamay ko.

" Kung importante sa kanya ito, huwag kang mag-alala gagawan ko ito nang paraan," ani niya.

"Paano?" tanong ko.

" Basta ako bahala. Basta ba.... ilakad mo na ako kay Akira," ani niya.

"Kung magagawan mo ito nang paraan, ilalakad kita sa kanya," ani ko.

" Leave it to me,"aniya sabay kindat sa akin.

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon