Fourteen

149 5 0
                                    


Fern's POV

Hindi ko alam kung bakit ako nakatayo sa silid na ito. Sa madilim na sulok nang silid na ito na pilit akong ibinabalik sa madilim kong nakaraan.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at para bang nakapako ang mga paa ko. Hindi ko rin maibuka ang mga labi ko. May naririnig akong mumunting hikbi mula sa loob nang cabinet at mga mabibigat na hakbang pataas nang hagdan.

Ngayon ko lang naalala kung bakit pamilyar ang lugar na kinatatayuan ko. Ito ang kwarto ko sa dati naming bahay ni mama. At ang hakbang na naririnig kong pataas nang hagdan patungo sa kwarto ko ay ang unang lalaking minahal at kinamuhian ko. Ang kinilala kong tatay na pangalawang asawa ni mama.

"Fern...," tawag nang lalaking iyon sa akin. Dahan dahan niyang pinihit ang doorknob at dahan dahan rin siyang pumasok. Malakas ang ulan nang gabing iyon at mag-isa lang ako sa bahay.

Alam niyang wala ako sa kama kaya tumingin ito sa cabinet kung saan ako nagtatago.
Gusto kong magwala. Gusto kong sugurin ang lalaking iyon pero wala akong nagawa dahil nangyari na lahat nang ito sa nakaraan.

At hindi na magbabago pa kung anong nangyari sa nakaraan.

"Hey, are you okay?" tanong sa akin nang isang pamilyar na mukha.

Binuhusan niya ako nang isang basong tubig sa mukha.

"Bakit mo ginawa iyon?"tanong ko at napabalikwas nang bangon sa kama.

" Ginigising ka. It seems that you are having a nightmare....umiiyak ka kasi," sagot niya.

Agad kong pinunasan ang mga luha ko. Pero sa tuwing naalala ko ay mas lalo lang akong nagiging iyakin.

" Pasensiya ka na. Ang pangit kasi nang panaginip ko kanina," sambit ko at napatingin kay Orion. Napanganga na lang ako kung bakit ba kasi nakatapis lang siya sa harapan ko.

" Kyaahh!! Magdamit ka nga!"sigaw ko at napatakip sa mata. Magkakanosebleed ako niyan sa tanawing nakikita ko!

" Tsk. Playing innocent as if it's your first time seeing a man's body," ani niya.

I rolled my eyes at saka patakbong umalis sa kwarto niya. Delikado na baka hilahin ko siya sa kama! Kaso paglabas ko ba naman nang pintuan ay nakaramdam ako nang pagkahilo kung kaya natumba ako at nasubsob ang mukha ko.

Nilapitan naman ako ni Orn at dinilaan sa mukha.

" Pinalaki ka bang lampa?" tanong ni Orion na nakatingin sa akin.

Nakapout akong tumingin sa kanya.

" A-alam mo namang ang lampa ko simula pagkabata. Naalala mo pa ba noong mga bata tayo? Lagi akong bumibisita sa bahay niyo tapos nandoon naman iyong kuya mong ubod nang sungit na laging nagpapaiyak sa akin. Tapos kapag umiiyak ako lagi mo akong pinagtatanggol," pagpapaala ko sa kanya.

" Tsk. Mga bata pa tayo noon. Now, it's different because we're not kids anymore,"ani Orion.

" Tama ka dahil mag-asawa na tayo," masayang wika ko sabay taas nang mga kamay ko.

" That's not my point," sagot niya.

" Whatever Orion. Believe it or not, gusto mo man o hindi, we're married!" ani ko.

Tumayo ako at kinindatan pa si Orion.

"Gross," ani pa niya kaya tinaasan ko siya nang kilay.

"Get out. Maghanda ka na rin dahil malelate na tayo," ani Orion. Natauhan ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa wallclock. Shemays! Alas siyete na!

Agad agad akong naligo at nagpalit nang uniform. Bumaba ako at nadatnan ko si Orion na kumukuha nang tinapay. Kumuha rin ako at sumabay sa kanyang lumabas nang bahay.

" Sigurado ka bang okay ka na? Kasi kagabi ang init init nang katawan mo," sabi ko sa kanya at kinapa ang noo niya.

" Lagnat lang iyon. Hindi ako okay pero kailangan kong pumasok dahil exam na sa makalawa," sagot ni Orion.

" Excuse ka naman eh," ani ko at naglalakad paharap sa kanya.

" Don't tell me gusto mo lang makita iyong impaktang iyon?! Yong kaupo mong mukhang kabayo sa haba nang nguso," sabi ko sa kanya.
Pinitik niya ang noo ko na ikinagulat ko.

" Bakit mo ginawa iyon?" tanong ko at napahawak sa noo ko.

"I was just reminded of what you did last night. Why on earth did you undress me?" nakatingin ito nang seryoso sa akin.

"H-ha?! H-hindi ah.. k-kusa kang nag-alis nang d-damit...." sabi ko at umiwas nang tingin.

" Tsk. I was having a fever and obviously I'm not drunk so I can clearly remember," ani niya.

" Baka nananaginip ka lang," sabi ko.

"Stop denying," ani niya at pinitik uli ako sa noo.

" O-oo pero ginawa ko iyon dahil pinagpapawisan ka na. Duh, baka mas lumala pa kapag pinabayaan kita. Di ba napaka caring kong asawa?" sabi ko saka parang batang nagpacute sa harapan niya.

" So did you see that?" seryosong tanong niya sa akin.

"Ang alin?" nagtatakang tanong ko.

"N-nevermind," sagot niya.

Nakita ang alin? Hindi kaya tinutukoy niya iyong abs niya?!

"Hoy Orion! B-baka isipin mo pinagsamantalahan ko ang katawan mo habang natutulog ka hah?! For your information, oo nakita ko nga iyong abs mo, pero hindi ko naman nabilang dahil madalian lang noong pinunasan ko iyang katawan mo!" sigaw ko habang hinahabol siyang maglakad.

" I wasn't referring to my Abs idiot," sagot niya.

" Eh ano? Huwag mong sabibing.. yang ano sa gitna nang mga legs mo?!! Kahit asawa kita hindi ...h-hindi ako interesado diyan noh!"

" Mas lalong hindi iyon ang tinutukoy ko you pervert!" sigaw rin niya.

" Pervert?!"

" Yes. You're a crazy and a pervert woman," sagot niya na ikinainis ko dahilan para hampasin ko siya nang paulit ulit gamit ang back pack ko.

" Hey. Stop doing that. We just missed the bus," ani Orion kaya tumigil ako at napatingin sa paalis na bus. Sa may bintana pa ay dumungaw ang Akira na iyon na kumakaway. Kumaway ako dahil kahit papaano ay hindi namin nakasabay ang impaktang Haponesang babaeng iyon.

Anong oras na?! Siguradong malelate kami ni Orion nito! Tumingin ako kay Orion at kalmado lang siya.

" Bilisan na lang natin ang paglakad aabot naman tayo kung bibilisan lang natin," suggestion ko.

Hindi ito nagsalita at tumingin sa kalangitan.
Pagkatapos ay pumikit ito kaya napatingin rin ako sa kalangitan. Ano bang meron sa kalangitan?

Pumikit rin ako at makalipas ang ilang segundo ay dumilat ako at nakitang naglalakad na si Orion paalis.

Naglakad kami ni Orion na para bang hindi kami nag-aalalang mahuhuli na kami sa klase. Mainit pa naman ang dugo sa akin nang English Teacher namin.

" Hey Orion, naalala mo pa ba iyong kinuwento ko sa iyo doon sa mga pinapadala kong sulat?" tanong ko sa kanya.

" Sulat?" nagtatakang tanong niya.

" Yong mga sulat na pinapadala ko kay Lolo para ibigay niya sa iyo? Ang dami dami ko ngang kinuwento sa iyo doon eh. Halos lahat nang mga ginagawa ko sa bahay, school at mga bagay na nagagawa ko," pagpapaala ko.

" Did you send me letters before?"

" Oo. Halos araw araw nga iyon eh. Tsaka nagrereply ka rin naman sa mga sulat ko," ani ko.

" So I answered your letters back? Since when did that happen?" ani niya na ipinagtaka ko.

" Hindi mo na nga siguro maalala. Three years ago na iyon," ani ko.

Hindi siya nagsalita. Habang naglalakad kami ay nagkukwento ako sa kanya at hindi ko alam kung nakikinig siya.

Nang makarating kami ay hinila ko muna si Orion sa may likod nang puno dahil rumoronda na naman ang unggoy na Ramen na iyon. Kina career talaga niya ang pagiging School Council President , hah?

" Dadaan tayo sa likod nang building," sabi ko kay Orion.

"Why would I? Sigurado namang papapasukin ako diyan sa gate," sagot ni Orion.

" Nandoon iyong demonyong Ramen na iyon. Hindi ako naniniwalang papapasukin ka niya," sagot ko. Kilala ko si Ramen at alam ko ang mga bulok na istilo nang demonyong unggoy na iyon. Hinawakan ko si Orion sa kamay at hinila siya papunta sa likod nnag school building.

" So ang plano mo ay akyatin ang pader na ito?" tanong ni Orion.

" Correct! Kaya tulongan mo ako sa pag-akyat para matulongan rin kita mamaya," sabi ko.

Nag roll eyes lang siya at saka umupo sa may pader. Nag-alis ako nang sapatos at saka umapak sa balikat ni Orion.

" Huwag na huwag kang titingala hah," ani ko dahil palda ang uniform ko.

" As if maganda ang view kapag tumingala ako," sagot niya.

"Sige na. Tumayo ka na," sambit ko. Tumayo naman siya at mukhang nahibirapan siya sa pagbuhat sa akin. Mabuti na lang at naabot ko ang pader kaya nakaupo ako at inabot ang kamay ni Orion.

Nang makatawid kami sa pader ay hinawakan niya ang balikat niya.

" You are so damn heavy," ani niya.

Nagpout lang ako. Hindi naman ako mataba tsaka 50 lang naman yata ang timbang ko.

Dahan dahan kaming naglakad sa hallway at nabigla ako dahil hinihintay na pala kami nang English Teacher sa may pintuan sa likuran.

"Miss Sarmiento huli ka na naman sa klase!" sigaw niya.

" D-dalawa naman kami ni Orion bakit ako lang pinapagalitan niyo," sambit ko.

" Mister Fontanilla, you may take your seat. At ikaw, Fern, mag squat ka nang limang minuto sa likuran," ani noong guro.

" Unfair naman iyon," nakapout kong sabi. Pumunta ako sa likuran at nagsimulang mag squat. Lumapit naman si Orion at nilagyan nang tig dalawang libro ang mga kamay ko.

" I almost forgot to tell you na hindi ako binibigyan nang punishment dahil kabilang ako sa mga outstanding student nang school na pwedeng magrepresent nang school for some academic matters sa susunod na linggo," ani niya bago umalis.

Ilang linggo pa lamang si Orion sa school kabilang na agad siya?! Sabagay hindi naman nakapagtataka dahil nakuwento na rin niya sa akin sa mga sulat niya na may mga nakukuha siyang awards sa kanyang school sa States.

Makalipas ang limang minuto ay pinaupo ako nang guro. Pinagrereview niya kami para sa darating na exam at kahit binabasa ko iyong mga nakasulat sa libro ay hindi pa rin ako makafocus dahil pinapalibutan si Orion nang mga kaklase kong mga babae para magpaturo. Nakakaasar lang hah dahil nakikita ko pang sinasadya nilang ipakita ang kanilang cleavage. Duh?!

Puro na lang mga pabebeng boses nang mga babaeng nanlalandi kay Orion ang naririnig ko at dahil sa inis ay binato ko ang libro ko sa kanila kaso sa iba tumama. Sa mukha nang adviser namin na ewan ko kung paano napinta sa tabi ni Orion.

" Miss Sarmiento!!" sigaw niya at alam kong sa hallway na naman ako magrereview.

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon