Forty Nine

182 0 0
                                    


Fern's POV

" Hoy, anong ginagawa mo rito?" bungad sa akin ni Athena nang makita niya ako.

" Ano bang pake mo?Tsaka hindi ikaw ang sinadya ko rito,"sagot ko.

Inirapan ko siya at tumungo sa itaas na kwarto kung nasaan si Lolo.

Nang buksan ko ang pintuan ay narinig kong may kausap si Lolo, si Loki. Hindi mo na ako pumasok dahil mukhang importante pa ang pinag-uusapan nila pero narinig ko ang aking pangalan.

" Gumising na raw si Vanessa," sambit ni Loki.

" Alam ba ni Fern ang tungkol sa kanya?" mahinahong tanong ni Lolo.

"Oo. Marahil ay nalaman rin niya dahil kay Orion."

" Napakasuwail talaga nang Orion na iyon. Ilang beses ko na bang sinabing huwag na huwag na niyang babalikan ang babaeng iyon. Nakakahiya ito sa pamilya ni Fern."

"Kilala mo naman si Orion lolo."

Alam rin pala nila ang tungkol kay Vanessa?! Ni wala man lang nagsabi sa akin para naman sana napigilan ko ang sarili ko. Ngayon pakiramdam ko pinagkaisahan nila ako.

" Kaya ba siya pumunta rito at pinakiusapan akong payagan siyang hiwalayan si Fern?" tanong ni Lolo at narinig ko pang umubo ito.

Pumunta si Orion at pinakiusapan pa pala niya si Lolo na hiwalayan na ako?

"Kasalanan naman natin dahil tayo ang sumagot sa mga sulat niya," sambit ni Loki na ipinagtaka ko.

Kung ganoon ang mga sulat na natatanggap ko noon ay hindi pala mula kay Orion?! Niloko rin pala nila ako?!

Pumatak na naman ang mga luha ko pero pinunasan ko iyon. Pinagkaisahan nga nila ako. Ano pa bang hindi ko alam?!

Dahan dahan kong isinara ang pintuan at umalis sa bahay na iyon.

Ang sasama nila! Akala ko ang tanga tanga ko pero iyun pala pinagmukha rin nila akong nakakatawa sa kakahabol ko kay Orion!

Isa lang ang tinahak nang mga paa ko para maalis ang sakit na nararamdaman ko. Ang club. Gusto ko lang alisin ang sakit na nararamdaman ko. Ganito rin naman ako kamiserable noon.

"Isang bote nang alak iyong kayang pawiin ang sakit na nararamdaman ko,"ani ko doon sa bartender.

"Mukhang may pinagdaanan ka Miss?"tanong pa niya.

Hindi ko siya pinansin at saka uminom nang isang basong alak. Agad akong tinamaan pero alam ko pa rin kung ano ang ginagawa ko.

Binalik lang nila ako sa miserableng ako.

Inalis ko ang suot kong jacket. Ginulo ang buhok ko nang kaunti at kumuha nang isang basong alak bago tumungo sa gitna nang dancefloor. Sanay naman kong gawin ang mga bagay na ito. Bago pa ako binago nang pagdating ni Orion na akala ko kaya akong baguhin. Na akala ko kaya niya akong ibalik sa dati dahil nangako siya pero oo nga pala pati pangako ngayon napapako na rin.

Humataw lang ako sa dancefloor. Ininom ang alak na akala mo uhaw na uhaw. Bumalik uli ako sa mesa ko at kinuha na ang bote at saka tumungo sa dancefloor at dali daling sumayaw. Wala akong pake kung may makakita man sa akin dahil gusto ko lang ngayon ay mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Maingay sa loob at nang may humila sa akin ay wala na akong pake. Hinawakan ko siya sa leeg at nang makita ko ang lalaki ay mukha lang ni Orion ang nakikita ko.

" Orion? Ayshh.. oo nga pala...(hiccup) imposshibleng.. pupunta rito ang (hiccup) ang lalaking iyun."

Hinayaan ko siyang hawakan niya ako sa katawan. Bakit pa ako magmamalinis? Kinuha rin naman nang tatay tatayan ko ang pinakaimportanteng bagay sa akin bilang babae.

Nang lumakas pa ang tugtog ay naging mapangahas ang kamay nang lalaking nakayakap sa akin. Hinayaan ko lang siya at nang muntik na niya akong halikan ay may humila sa akin paalis sa gitna nang dancefloor. Hindi ko makita ang mukha niya.

"Saan mo ba ako.. dadalhing lalaki ka?" tanong ko kahit hilong hilo na ako.

"Anong ginagawa mo sa lugar na ito?"tanong niya.

"Ako?" sagot ko sabay turo sa sarili ko. Ngumiti ako sabay napasapo sa aking noo.
"Sa club. Saan ba pumupunta ang mga kagaya kong walang kwenta..?" tanong ko sabay taas nang bote nang alak at uminom kaso naagaw niya ito at itinapon sa harapan ko. Kumalat sa semento ang mga basag na piraso nang bote.

" Dahil lang sa isang lalaki nagkakaganyan ka?!" sigaw niya sabay hila sa aking braso.

" Hah? Kita mong nagsasaya ako sa loob! Ewan ko sa iyo, babalik na ako,"ani ko at pagewa gewang na naglakad pabalik sa loob pero pinigilan niya ako.

" Ang tanga mo!" sa narinig kong iyun ay napahinto ako. Kiniyom ko ang mga kamay ko at humarap sa lalaking ito. Malabo man siya sa paningin ko pero hindi ako bingi para hindi marinig ang sinabi niya.

"Tinawag mo akong tanga?! Oo...tanga ako. Kaya nga ako iniwan nang nanay ko sa bahay ampunan dahil ang tanga ko. Kaya nga ako ginahasa nang aking tiyuhin dahil ang tanga ko! Kaya nga iyong mga magulang ko, hindi na ako matanggap.Kaya nga iyong lalaking nangakong hindi ako iiwan, ayun! Umalis dahil ang tanga ko kaya nga oo... tanga ako!" lumuluhang sagot ko. Hindi ko namalayang naapakan ko ang kalahating piraso nang basag na bote. Hindi ko ininda ang sakit.

" Sige... ulitin mo, total iyun naman talaga ako."

Hindi siya sumagot pero pilit ko siyang nilapitan at saka pilit hinahampas.

Ang sakit nang masabihang tanga. Pero sana naman inalam niya kung bakit ako nagkakaganito. Si Orion na lang mayroon ako,mawawala pa. Pero oo, kaya ko siyang palayain dahil alam kong nasasakal na siya sa kasal namin. Dahil sa akin hindi niya magawang ipagsigawang mahal niya si Vanessa kaya sige, bukas na bukas ididivorce ko na siya.

Lumuhod na ako sa mga puntong iyun at humagulgol. Bakit ba napakamiserable ko?!Akala ko magiging okay lang ang lahat pero kahit itago ko ang mga nararamdaman ko sa mga ngiti ko, ay hindi ko pa rin maitago ang sakit at lungkot.

Kinaumagahan, hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Kung may naghatid ba sa akin o baka naman gumapang ako pauwi. Ang sakit sakit pa rin nang ulo ko. Naparami yata ako nang inom kagabi. Wala pa akong maalala sa mga nangyari. Hayst, iba talaga ang tama nang alak sa akin.

Bumaba ako para kumuha nang tubig na maiinom nang mapansin ko ang nasa mesa. May gamot na roon para sa hangover.

Kanino naman nanggaling ito? May naghatid ba sa akin kagabi? Uwaahhh, Fern. Kailangang maalala mo.

Ininom ko ang gamot at saka naalalang nalaman kong hindi si Orion ang tumatanggap sa liham ko kundi sina lolo. Nasaktan ako doon kaya tumungo ako sa club at wala na akong maalala.

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon