Thirty Six

249 4 8
                                    


Orion's POV

" Saan ka pupunta?" Loki asked. Nakasalubong ko kasi siya sa daan habang papunta sa hospital.

"I'm on my way para sana bisitahin si Vanessa sa hospital," I answered.

Nag-iba ang ekspresyon nang mukha niya sa sinabi ko.

" I think we need to talk Orion but not here," sagot ni Loki.

Sumakay ako sa kanyang kotse at alam kong sa Club na naman niya ako dadalhin.

Habang nasa sasakyan kami ay hindi niya ako kinausap. Tahimik lang kami roon at nang makarating kami sa club ay umorder siya sa bartender nang hard drinks para sa amin. Hibdi gaanong maingay sa loob at mahina lang ang tugtog nang kanta.

"So what is it?" I asked habang tinitingnan ang kulay pulang alak sa aking baso.

" So you found Vanessa? tanong niya.

"Yeah. Her father called me," sagot ko. Loki poured again on his glass at ininom uli iyon.

" How is she?"

Huminga ako nang malalim bago nagsalita.

" Her body doesn't respond to any of the treatment given and the only thing making her heart beats is the life support,"pagsisimula ko.

I heard him gasped at tinapik ako sa balikat.

"Her father made a decision. Bibigyan lang nila ako nang isang buwan para makasama siya bago nila alisin ang life support," dagdag ko.

I felt pain in my chest. Paano ko ihahanda ang sarili ko lalo na at bilang na lang ang araw at hindi ko na makakasama si Vanessa.

" I'm sorry but siguro kailangan mo nang tanggapin that Vanessa wouldn't make it," sabi ni Loki.

I poured some wine on my glass at ininum iyon.

" Pero bakit pakiramdam ko... magigising din siya. I've been working this past few days dahil gusto kong pakiusapan ang parents niya para sana .. sana bigyan pa ako nang dalawang buwan. I'll pay for her hospital bills," saad ko.

Huminga nang malalim si Loki bago uli nagsalita.

" Alam mo namang maiipit ka sa gulo kapag.... kapag nalaman ni Lolo."

" Ayun na nga eh," sagot ko.

" How about Fern? Paano kapag nalaman niya ang tungkol kay Vanessa. That you have a girlfriend at paano kapag nalaman ni Vanessa that you're married while she's in a coma?" tanong ni Loki.

Hinawakan ko ang bote nang alak sa harapan ko at nilaklak iyon.

" I made a decision. Kakausapin ko si Lolo at sasabihin ko na ipawalang bisa na ang kasal namin ni Fern kapag nagising si Vanessa," sagot ko.

" Cm'on Orion. You're going to hurt Fern. Kilala mo naman ang babaeng iyon," sabi ni Loki.

" You know I don't love Fern,"sagot ko.

Si Fern lang naman talaga ang hadlang sa amin ni Vanessa.

" I hope ginagawa mo talaga kung ano iyong alam mong tama. Baka kasi bumalik lang sa iyo kung ano man ang gagawin mo," ani Loki.

" By the way, kinukulit kasi ako ni Fern na hindi ka na raw umuuwi. Hindi mo ba sinabi sa kanya ang tungkol sa trabaho mo. Baka laging nag-aalala ang babaeng iyon para sa iyo," ani Loki.

Pagkatapos naming uminom ay nagpaalam kami sa isat isa dahil may pupuntahan pa raw siya at ako rin ay pupunta na sa hospital.

Nagtaxi na ako papunta sa hospital. Habang nasa taxi ako ay tumutunog na ang cellphone ko.

Tumatawag si Fern. Hindi ko sinagot ang tawag niya at sa pangalawang beses na nagring uli ito ay sinagot ko na.

" Asan ka?" tanong niya.

" Bakit?" tanong ko.

" May pupuntahan kami ni Ramen bukas eh. Baka kasi mag-isip ka nang masama kapag nakita mo kami. Tinutulongan ko lang siya kasi tinakot niya akong sasabihin niya ang tungkol sa atin," sabi niya.

"Do whatever you want," sagot ko at ibinaba ang tawag niya. I turned off my phone at saka tumingin sa labas nang bintana.

Ramen's POV

" Master Ramyun!!"

Bwesit! Sabing Ramen ang pangalan ko!

Mula sa labas nang aking kwarto ay sumisigaw na naman ang bago kong katulong. Napakamot ako sa aking ulo at bumangon na para patahimikin ang bunganga nang kung sino man ang walang hiyang umiistorbo sa aking pagtulog.

" What the fuck*ng shee--- Ahhh!!" bago ko pa namura ang katulong na iyon ay napatigil na ako nang mapansin ko ang nakaitim na babae sa likuran niya.

" Sinasabi ko na nga at minumura mo na naman ang mga katulong na kinukuha ko para sa iyo!" sigaw ni Lola.

"What are you doing here you witch?!" sigaw ko.

Nanlisik ang mga mata niya at sinimulan akong paluin gamit ang kanyang tungkod.

" Aray!Ano ba!" pagsisigaw ko.

Wala pa sa Sixty si Lola at may tungkod na siya. Baka props niya lang to.

"Wala kang respeto sa aking Bata ka! Tsaka ano iyong natanggap kong text message na icacancel mo raw ang engagement mo!" sigaw ni lola.

"Ayoko sa kanya! Walang mangyayaring engagement! Don't expect na aattend ako!"

Humiga ulit ako sa aking kama at nagkumot muli.

Hinampas uli ako ni Lola nang kanyang tungkod at tumama iyon sa aking ulo kaya napasigaw ako.

"Bastos ka talagang bata ka! Kapag hindi ka dumalo ay siguradong mapapahiya ang pamilya natin!" sigaw ni lola.

" May girlfriend na ako!" sigaw ko at tumingin sa kanya.

Napatigil ito sa pagpalo sa akin at nanlaki ang mga mata niya.

" Ano?! May girlfriend ka na?!" Hindi makapaniwalang tanong niya.

" Oo,"sagot ko.

" Sino iyang girlfriend mo?! Anong pangalan niya? Kilala ba ang pamilya niya? Matalino ba siya? Mayaman ba siya? Maganda ba siya?" sunod sunod na tanong niya.

Kung alam lang niyang pinagpapanggap ko si Fern, at kapag nakita niya ang babaeng iyon ay baka awayin pa niya ito. Hindi naman kagandahan ang babaeng iyon. Mukha nga siyang durog na gulong. Wala lang talaga akong choice kundi iblackmail siya para magpanggap.

" Oo. Maganda siya. Anniversary nga namin!" sagot ko.

" Isang taon na pala kayo?!Bakit hindi mo sinabi?!!" tanong niya at pinalo uli ako nang kanyang tungkod.

" Hindi niyo naman ako tinanong kung may girlfriend ako!" sagot ko.

"Hindi pwede! Dadalo ka pa rin sa engagement party mo!" sigaw niya.

"Kahit anong pilit mo! Hindi!Hindi!Hindi!!" sigaw ko nang paulit ulit at nagulat ako nang sabunutan ako ni Lola.

" Tingnan lang natin kung anong gagawin mo nang girlfriend mo sa gagawin ko!"

Tinatakot na naman ako nang matandang ito! Nakaakinis! Hindi ko man lang masabing wala na man talaga akong girlfriend. Hindi naman siguro niya sasaktan si Fern. Tsaka palaban rin ang bakulaw na iyon hinding hindi niya mapapatumba si Fern.

Pinaalis ko si Lola at nag-ayos na rin ako.
Alam kong susundan na naman ako nang tauhan ni Lola lalo na at ngayon ang usapan namin ni Fern sa date at sa pagpapanggap niyang girlfriend ko.

Pagkatapos kong magpalit ay tinawagan ko si Fern.

" Asan ka? Susunduin kita diyan sa inyo," sabi ko.

"Sino ito?" tanong niya.

" Sino pa ba edi si Ramen Pogi!" sagot ko.

" Paano mo nakuha ang cellphone number ko?! Siguro kinalkal mo na naman iyong dokumento ko sa school no?!" sigaw niya sa akin.

" Basta! Papunta na ako diyan sa inyo!"sabi ko at ibinaba ang tawag.

Pumunta na ako sa aking kotse at pinaharurot iyon. Alam kong nakatingin si lola sa bintana nang aking bahay at siguradong naglagay na naman siya nang tracking device sa aking kotse. Nakakainis talaga ang matandang iyon!

Nang makarating na ako sa address nina Fern ay bumusena ako.

" Fern!" sigaw ko mula sa gate. Nakita ko namang sumilip ito sa bintana nang kanilang bahay. Malaki nga ang kanilang bahay.

Naghintay ako sa labas nang mga ilang minuto. Pagkatapos ay nagbukas na ang gate nang kanilang bahay at nakita ko si Fern na palabas.

Siya ba ito?! Shet! Bakit parang gumanda siya ngayon?! Asaan na iyong bakulaw na kilala ko?! Asan na iyong mukhang Tilapyang Fern na kilala ko?!

Habang papalapit kasi siya sa akin ay mas gumaganda siya sa paningin ko. Suot suot niya ang itim na bestida at sandal na binili ko para sa kanya. Nakatali rin ang buhok niya at nakasuot siya nang make up. Mapupula rin ang kanyang labi kasingpula nang mansanas.

Sinampal ko nang mahina ang sarili ko dahil mukhang kinukulam na naman ako ni Fern at nagagandahan ako sa kanya.

Ramen!Get back to your senses! Hindi siya maganda!

Para hindi na ako tuluyang madala sa gayumang gamit nang bakulaw na ito ay nilait ko siya.

" Ayan! Kaninong Funeral Parlor ka nagpamake up? Kulang na lang kabaong!" panlalait ko sabay tawa sa harapan niya.

Sinipa naman niya ako sa tuhod at hinawakan sa collar.

"Sus. Nagandahan ka lang sa akin," bulong niya.

Hindi ko alam kung bakit pero ramdam kong pulang pula na ang mukha ko sa sinabi niya.

Hindi ako nagpadala sa sinabi niya at agad umiwas nang tingin.

" Maganda? Ikaw?Eh mukha ka ngang Principal ko noong Elementary sa suot mo!" sigaw ko at humalakhak muli.

"Nakakainis ka? Maghanap ka na lang nang ibang babaeng magpapanggap na girlfriend mo!" sagot niya at nagwalk out sa harapan ko.

Bakit parang ang cute niya?! Ramen! Hindi! Sinampal ko uli ang pisngi ko and this time I slapped it harder. Nandidiri na ako sa pinag-iisip ko.

Sinundan ko siya at saka binuhat.

"Ibaba mo ako!" sigaw niya.

Ipinasok ko siya sa sasakyan ko nang pwersahan.

" Kailangan mo ang tulong ko tapos lalaitin mo lang ako?! Ibaba mo na akong unggoy ka!"sigaw niya.

" Oo na. Maganda ka na! Happy?" sagot ko bago pinaharurot ang sasakyan.

Bakit ang bilis nang tibok nang puso ko?! Kailangan ko na yatang magpacheck up at mukhang kinukulam ako nang babaeng ito!! 

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon