Chapter Forty Part One

150 2 0
                                    

Orion's POV

It has been a while. Six months of not hearing your voice, your laughter and your clingyness makes me ache for your presence.

Am I ready to let her go? This question kills me from the inside. If there's something that could kill us, it's the part when you have to let go.

" Hi Sir!" the nurse greeted me with a smile. I was holding a bouquet of fresh red roses when I noticed na napalitan na naman ang mga bulaklak sa vase.

"May iba pa bang dumalaw rito?" tanong ko.

"Ay iyong kaibigan po yata ni Maam Vanessa. Iyong babae," sagot noong nurse.

"Babae?"

"Opo."

Si Fern na naman ba ang pumunta rito?

I have to warn her na huwag na huwag na siyang babalik pa rito.

My phone beeped. Inilagay ko ang bouquet sa table ko at saka sinagot ang tawag.

The call was from my Mom.

" Orion! Nasaan ka?!" galit na tanong ni Mama.

" Why? May nangyari bang masama?"

" Wala naman. Nandito ako ngayon sa bahay ninyo at si Fern lang ang naririto. Gabi na ah! Saan ka ba pumupunta at iniiwan mong mag-isa ang asawa mo rito!" sigaw niya.

I rolled my eyes.

"Hindi ako uuwi ngayon. May gagawin pa ako," saad ko.

"Aba at hindi ka man lang ba mag-aalala sa asawa mo?! Umuwi ka na dahil kung hindi mageeskandalo ako sa eskwelahan mo bukas!" sigaw pa niya sabay baba nang tawag.

Nagbuntong hininga na lamang ako. Wala na akong ibang magagawa pa kundi ang umuwi.

Pagkadating ko sa bahay ay nadatnan kong nakaupo si Mama sa sofa habang nakatingin sa akin.

" Kailan mo pa iniiwan si Fern mag-isa rito?" tanong niya.

" I'm not a babysitter. She can take care of herself," sagot ko.

" Kung hindi pa ako bumisita ay hindi ko malalaman ang pinag gagawa mo!"

Hindi na ako umimik.

" Dito ako matutulog ngayong gabi," aniya.

" Ma, C'mon umuwi ka na," saad ko.

"At bakit hindi ako pwedeng matulog rito?" tanong niya habang nakapamaywang sa harap ko.

" Ma... a-ayos lang kami ni Orion..," sabi ni Fern na kanina pa pala nasa likuran ko.

"Okay. Do whatever you want," ani ko at dumiretso sa kwarto ko.

Pinihit ko ang doorknob and I found out na hindi iyon nakalock. As expected, nakialam na naman si Fern sa gamit ko.

Nagpalit ako nang damit and afterwards, umupo sa kama ko at nagcheck nang message ko.

Noah, one of my friends sa State, texted me. He was asking kung okay lang si Vanessa. I told him about Vanessa's condition. He was hurt too.

After that, natulog na ako. Nagising na lang ako nang mga sunod sunod na kalabog mula sa labas nang kwarto ko.

" Orion! Buksan mo nga ito!" Si Mama na naman.

Tumayo ako at pinagbuksan siya.

" Ano bang problema Ma?" tanong ko.

" Problema? Diyosko kang bata ka! Di ba sinabi ko sa iyong matutulog ako rito?!" saad niya.

" And? I gave you the freedom to stay, so anong problema doon?" kunot-noong tanong ko.

" Manang mana ka talaga sa Papa mong ang hina nang kukute. Oo nga at matutulog ako rito , kaya gagamitin ko ang kwarto ni Fern. Diyan na muna siya matulog sa kwarto mo," saad ni Mama.

"WHAT? Not gonna happen," saad ko at sinarhan siya nang pinto.

" Ang bastos mong bata ka! Open this door Orion!" sigaw niya. I went back to my bed at isinaksak ang earphones ko sa tenga.

Moms are annoying sometimes if not most of the times.

Kahit malakas ang tugtog noong kanta ay rinig ko pa rin ang pagsipa ni Mama sa pinto.

In just few kicks, nabuksan niya ang pintuan nang kwarto ko at itinulak papasok si Fern habang hawak hawak ang kanyang kumot sabay sara uli at humalakhak.

" Ma! What do you think your doing?!" sigaw ko.

" Diyan na muna matutulog ang asawa mo!" sigaw ni Mama.

" Pasensiya ka na. Nagpumilit si Tita. Huwag kang mag-alala hindi naman kita aabalahin," sabi ni Fern.

" Hey, nasabi nila sa aking bumisita ka. What the hell were you thinking?" sabi ko sabay tingin sa kanya.

She looked away at kunwari ay nagbingibingihan.

" Fern, ayokong nakikialam ka sa mga ginagawa ko. I warned you," sabi ko sabay higa sa kwarto ko.

" Si Vanessa ba mahalaga sa iyo?" tanong niya.

At alam rin niya ang pangalan ni Vanessa. Hindi ko siya sinagot at nagfocus na lamang sa binabasa kong libro.

" M-may nagsabi kasi sa aking girlfriend mo raw siya.... h-hindi naman totoo iyon di ba?" tanong niya dahilan para tumigil ako sa pagbabasa.

" A-asawa mo naman ako.. i-impossible namang may g-girlfriend ka... hindi nakakatuwa ang mga biro nila," saad niya.

" Do you want to know the truth? Yes, she's my girlfriend. Ngayon na alam mo na, can you please stop messing with my life," saad ko at nagtalukbong na lamang sa kama ko.

I don't care kung masasaktan siya. Dahil malaman at malalaman naman niya, and besides maghihiwalay rin naman kami dahil ipapawalang bisa ko ang kasal namin.

Hindi ko na siya nilingon pa.

I closed my eyes pero ilang minuto na ay hindi pa rin ako dinadalaw nang antok. Sandali lamang ay narinig kong humihikbi ito sa sahig na kanyang tinutulogan. 

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon