Chapter 1: "The White lady"

465 34 3
                                    

EDITED

CHAPTER 1: THE WHITE LADY

"Sa Mall"

CHESCA's POV

"Cheska, Anna" sigaw ng babae mula sa likuran namin. nang lingunin namin ito ni Anna, we saw Ericka and Shaila--- mga kaibigan namin.

"Uy musta? Long time no see." bati ni Shaila.

"Grabe! Parang dalawang linggo lang tayo hindi nagkitakita mag- trotropa, maka long time no see ka naman." sabi ni Anna.

"Hehehehehe, nakakamiss kaya kayo!" sabi ni Shaila.

"Oo alam nyo miss na miss ko na rin kayo" sabi ko naman. sobrang tagal na kasi kaming magkakaibigan. mga isang linggo lang kami hindi nagkita dahil bakasyon ngayon.

"Guys, mag camping kaya tayo matagal ko na gusto gawin yun eh!"sabi ni Anna.

matagal ng gustong gawin ni Anna yan. ayaw niya daw tumanda habang di pa nae-experience ang pagca-camping with us daw na mga kaibigan niya.

"Oo nga no! Nice idea Anna" pagsang-ayon ni Ericka.

"Kailan naman natin gagawin yun? At saan?" tanong ko.

"Mamaya na natin pag-planohan yan kain muna tayo, tomguttttssss nako eh!" sabi ni Shaila.

"Ok" pag-sang ayon ko naman.

Habang kami ay naghahanap ng makakainan ay saktong napadaan naman kami sa "Happy Land" at napahinto. isa itong sikat na kainan para sa mga bata.

I saw Anna's smiling. hay! may na-iisip na naman yang kalukohan!

"Oh bakit tayo huminto dito? Dont tell me..." sabi ni Ericka.

"Oo dito tayo kakain Ericka" putol ni Anna sa sasabihin ni Ericka.

"WHAT? SO CHEAP..." pag-iinarte ni Ericka.

"Basta gusto ko lang balikan yung pag-kabata ko, okay?" sabi ni Anna sabay hila sa aming tatlo.

Wala naman kaming nagawa kundi umupo at umorder. Pagkatapos ay nagkuwentuhan kami.

"Kamusta na kayo ni Oliver? Chesca."tanong ni Ericka.

"Eto minsan nalang kami nagtetext at nagchachat. Busy daw siya eh." sagot ko na may lungkot sa mukha.

"Ah, saan daw ba siya busy?" tanong ulit ni ericka.

"Ewan. Hindi niya sinasabi eh" sagot ko.

"Oh, baka naman busy siya sa other girl" pangaasar ni Shaila.

"Grabe ka naman Shaila. Hindi naman ganoon si Kuya Oliver kasi may bago po kaming bussiness sa Manila diba." sabi ng kapatid ni Oliver na si Anna.

"Subukan niya lang na g*g*h*n ako. Mapapatay ko sila ng babae niya." sabi ko.

"Chill sis nagbibigay lang naman ng opinyon! Pagusapan nalang natin yung pinaplano nating camping or outing or what nayan." sabi ni Shaila.

"Ok ganto kasi yun diba ngayon ay May 17, Tuesday magcacamping tayo sa Magallanes sa Saturday. Province yun." sabi ni Ericka.

FearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon