(chapter 8) "BLACK BOOK"

185 22 1
                                    

Author's Note:

Hello mga Wattpad readers! Thank you po sa pagiging patient niyo sa paghihintay sa akin mag-update. Sana po patuloy niyo parin itong subaybayan! God Bless po =>

READ-VOTE-COMMENT-HAVE FUN-BE FAN!!!

***********

(Shaila's POV)

Mahirap kalimutan ang mga nangyayari sa amin ngayon. Marami na kaming kaibigan na nawala na dito sa lupa. Ngayon 4 nalang kaming natitira dito, Ako, si Chesca, si Anna at Oliver. Ang dating masasaya kong kaibigan ay tila nagbago na. Lahat ay halos tahimik na at ang lahat ay mga mukhang hirap na hirap na at Problemadong-problemado.

Eto kami ngayon nasa burol ni Kuya Carl. Lahat halos kami tahimik na naka-upo sa aming mga upuan. Walang miski isa sa amin ang gusto magsalita lahat tahimik habang dahan-dahang tumutulo ang mga luha sa aming mga mata. Bakit ganito?! Ang saklap naman ng pinagdadaanan namin ngayon. Tatlong tao na ang nawala sa akin ngayon. Una yung Tatay ko, pangalawa si Johan na boyfriend ko, tapos ngayon yung kuya-kuyahan ko naman. Ano bang nagawa namin?! Ganito ba kami kapitan ng malas?!

Ano bang kinalaman namin doon sa pesteng Itim na babae nayun?!

(Anna's POV)

Sariwang-sariwa parin sa akin yung mga pesteng pangyayari. Lahat halos kami parang na trauma na, wala man lang isa sa amin ang gusto magsalita. Lahat kami parang wala sa katinuan, Ikaw ba naman ang mamatayan ng tatlong kaibigan. Bakit ganito?! Ano bang nagawa namin?! Lahat kami nahihirapan na. Si Shaila walang tigil sa pag-iyak, marahil dahil tatlong lalaking especial sa buhay niya ang namayapa. Si Chesca rin parang bato na dito, hindi makapagsalita,hindi narin gumagalaw at di narin umiiyak, malamang gulong-gulo na ang isip niya, dahil pakiramdam ko eh siya ang pumapasan sa problema namin ngayon. At eto naman ako, wala ring imik pinapakiramdaman ko na lang ang luha ko habang pumapatak sa aking mga mata. Si kuya kasalukuyan siyang na kakulong sa kulungan habang patuloy na natakbo ang kaso niya . Alam naminng hindi magagawa ni kuya yun, sabi nila Chesca at Christian na nasapian daw si Kuya nung Itim na babae. Ano bang meron dun sa taenang Multo na yun?! Ano bang gusto niya sa amin?!.

Nilapitan ko si Chesca at niyakap, niyakap niya rin naman ako pabalik. Ramdam na ramdam ko sa kanyang pagyakap ang sakit na nararanasan niya. Sa tingin ko natrau-trauma na siya,kami sa lahat ng nangyayari. Nakita kong parang may kunga anong binabasa si Christian, isang itim at maliit na notebook. Umalis na si Chesca sa pagkakayakap sa akin.

"Maramingsalamat Anna. Medyo nabawasan yung sakit na nararamdaman ko." sabi ni Chesca.

"Sus! Ikaw naman magkakaibigan tayo diba?! Kaya kailangan nating mag damayan at magtulungan." sabi ko sa kanila sabay bigay ng pilit na ngiti.

"Anna. Papaano nayung kuya mo?!" Tanong ni Shaila. Sa wakas nagimikan narin kami.

"Hay nako! Kaya niya na yung sarili niya malaki na siya!" sagot ko kay Shaila. Kunyari nalang hindi ako apektado, pero sa totoo lang mahal na mahal ko yung kuya ko kahit medyo may pagka-ulol.

kitang -kita kasi sa CCTV camera yung pagpatay niya kay Yaya Neli at yung pagpasok niya sa kwarto ni Carl. Sa ngayon wala pa kaming alam kung anong gagawin namin masyado pa kasing malakas ang ibedensiya kay kuya na siya nga ang pumtay kay kuya,tsaka ayaw ding maniwala ng mga kinauukulan na sinasapian siya nang mga time nayun. Grabe ang galit sa amin ng pamilyang Tan dahil nawala ang kanilang nag-iisang anak ng dahil sa kuya ko, ayaw naman nilang maniwala na sinasapian si kuya nun kaya wala ng ibang magawa ang parents ko kundi pairalin na ang pera. Pera lang naman ang nagpapagalaw sa lahat ng bagay eh.

FearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon