(chapter 6)"ACCIDENT"

181 27 1
                                    

(Third peroson's POV)

Pag-katapos ikuwento ni Chesca ang lahat lahat ng mga nagyayari ay agad tinonton ng mag-kakaibigan ang bayan ng Magallanes upang pumunta sa lolo ni Christian. Si Anna ay agad sumangayon dahil nauunawanan niya ang mga nanyayari sa kanilang mag-kakaibigan ngayon. Samantalang sina Shaila at Oliver naman ay marami paring pumapasok na katanungan sa isipan at sumangayon na lamang sa plano ni Chesca upang hindi na ito magalit. At si Carl naman ay wala paring kakibo-kibo hanggang ngayon dahil sa pag-kawala ng kanyang mahal.

"Sa kotse"

"Carl ok ka lang ba? Kung hindi mo pa kaya pwede pa kitang ibalik sa inyo hanggat hindi pa tayo nakakalayo" concern na tanong ni Chesca kay Carl na wala paring kibo.

"Hindi. Chesca naniniwala ako sa inyo at alam kong pag-nagawa na natin to matatapos na ang lahat ng kababalaghang nang-yayari sa atin." malungkot na sabi ni Carl.

"Sorry Carl kung nahuli kami ng dating ha at hindi namin naligtas si E-" hindi na natapos ni Christian ang kanyang sasabihin ng biglang mag-salita si Carl.

"Ok lang yon lahat naman tayo nahuli eh. Basta ang mahalaga mapaalis na natin yung masamang ispiritu sa amin." sabi ni Carl.

Lahat halos sila ay tahimik at walang kibo sa loob ng kotse dahil dalawang kaibigan na nila ang namamatay at maaari pa silang sumunod. Si Christian namay natutulog dahil nag-iipon siya ng lakas para mamaya.

Nabasag ang kanilang katahimikan ng Biglang sumigaw si Christian.

"LOLO!!!!!!!!!!!!!"

"Christian gising,gising nananaginip ka" gising ni Chesca kay Christian.

Biglang nagising si Christian at ito'y pawis na pawis.

Lahat sila ay nagulat ng biglang nagring ang cellphone ni Chesca ng pagkalakaslakas.

"Hello?" Sagot ni Chesca.

"Uhm... good morning po, pwede po ba kay Christian?" Tanong ng isang babae sa kabilang linya.

"Sino po sila?" Tanong muli ng dalaga.

"Ako po si Anie yung kapit bahay nila, kailangan ko po talaga siya makausap importante lang po."

"Ah...sige." sabi ni Chesca.

"Christian si Anie daw o" inabot ni Chesca ang kanyang telepono kay Christian.

"Hello?"

"Christian umuwi ka na dito. May masamang nangyari!!!" Nagpapanic na sabi ni Anie na kapit bahay ng binata sa Magallanes.

"A-anong nangyari?!" Nagsimula ng mag panic ang binata.

"May nangyari po ba sa lolo ko?! Ate Anie sumagot ka!!!" Sunod-sunod na tanong ng binata.

"Christian ang lolo Josepino mo, natagpuan naming walang buhay. dito sa loob ng kwarto niya." Malungkot na sabi ni Anie.

"A-ANO?! HINDI! WAG KANG MAGPATAWA ATE ANIE! HINDI TO TOTOO DI B?! HINDI DIBA?!" Sigaw ni Chistian habang lumuluwa. Malungkot namang nakikimig ang magkakaibigan dahil sa narinig, nawawalan na sila ng pag-asa.

"Christian" malungkot na sabi ni Chesca sabay yakap ng saglit sa walang tigil na pag-iyak na si Christian. Tahimik na umiiyak lamang si Christian ngunit sa bawat patak ng luha niya, makikita mo ang hinagpis at galit.

"IIIINNNNNNGGGGG......." lumikha ng isang nakakabinging ingay ang telepono ni Chesca at naputol ang linya nila kay Anie. Nagtakip ng tenga ang lahat maliban kay Carl na hindi pwedeng bitawan ang manibela.

"HELLO?"

"HAYOP KA KUNG SINO KAMANG ITIM NA BABAE KA! PAPATAYIN KITA! HUMANDA KA SA AKIN!" Makikita mong galit na galit siya sa kanyang pagsigaw.

"Matagal na akong patay, Christian. Mahina na pala ang lolo mo ang bilis kong napatay eh!!! Hahaha" sagot ng babae sa kabilang linya, na ang black lady pala.

"HAYOP KA-" hindi niya na naituloy ang sasabihin dahil biglang naputol ang linya.

"Sino yun Christian" tanong ni Chesca.

"Yung babaeng itim, pinatay niya ang lolo ko."

"Pano nayan yung lolo mo lang ang pag-asa natin." sabi ni Anna.

"GU-GUYZ PARANG HINDI KO NA MACONTROL YUNG MANIBELA AT YUNG BREAK NG SASAKYAN!!!!" Nagpapanic na sabi ni Carl.

"A-ANO?! PAANO NANGYARI YON!!! MAMAMATAY NA TAYONG LAHAT!!!" Takot na sabi ni Shaila, dahil doon ay nagsimula ng magpanic ang isat-isa.

"ANONG GAGAWIN NATIN?!" tanong ni Chesca.

"KAILANGAN NATIN MAKALABAS DITO!!!" Sagot ni Carl.

"KAILANGAN NATING TUMALON" dagdag ni Oliver.

"SIGE!!! ONE,TWO,THREE....." sabay sabay nagtalunan ang magkakaibigan palbas ng kotse maliban kay..........CARL.

"BA-BAKIT GANOON HINDI AKO MAKAGALAW?!" Napatingin siya sa salamin sa harap ng kotse, at doon nakita na nakayakap pala sa kanya ang babaeng itim.

Ang magkakaibigan na tumalon ay nawalan ng malay, dahil sa lakas ng kanilang pagkakatalon.

Biglang bumanga ang kotse sa isang malaking puno. sa lakas ng pagkakabangga ay nayupi ang harapan ng kotse at naipit ang dalawang binti ni Carl na ngayo'y wala ng malay.

Pagkalipas ng ilang minuto ay ngkaroon ng malay si Chesca. Kaunti lang ang galos na natamo niya di tulad ng kanyang mga kaibigan na wala paring malay, dahan-dahan niyang niyugyog at tinawag ang kanyang mga kaibigan ngunit wala miski isang sumagot o kumibo. Umupo si Chesca sa isang tabi at Nag-iiiyak.Napatigil siya ng biglang may nag "PSSST....PSSST....PSSST...." dahan-dahan niyang inangat ang kanyang ulo at dumilat, sa di kalayuan ay nakita niya ang babaeng itim na gumagapang papalapit sa kanya. Nakakatakot ang mukha nito, ito' napupuno ng mga masasangsang na amoy ng dugo, at makikita mo sa kanyang mukha ang isang nakakaloko at di Makakalimutang ngiti. Dahil sa nakita hindi na nakagalaw si Chesca,Miski salita o sigaw hindi niya magawa, tanging pagbuhos lang ng luha niya ang nagagawa niya. Mayamaya pa'y nagulat nalang siya ng bigla itong naglaho. Dahil doo'y nakagalaw na si Chesca ngunit di niya alam na nasalikod niya lang pala ang babaeng itim. Niyakap siya nito ng mahigpit.

"MAY NALAMAN AKO SAYO.....MAS GINANAHAN TULOY AKONG SIRAIN ANG MGA BUHAY NIYO!!!!HAHAHAHA!!!!!" Dahil doon ay nawalan nanaman si Chesca ng Malay.

Tumayo ang babaeng itim sa pagkakatayo at sinabing.

"Ikaw pala.......Ikaw pala Chesca.... hahahahaha..... maslalo ko kayong pahihirapan......." pagkatapos noon ay nawala na ang babaeng itim.

******************

Author's Note:

Hi there mga readers :) thank you po sa pagpatuloy na pagbabasa ng Fear. Guyz dahil sa simpleng pagbasa niyo lang nito ay napapasaya niyo na ako ng SOBRA! Guyz keep reading this story po and patuloy niyo po itong suportahan at sana i-vote niyo po please! Hehehe sapilitan joke. Maraming salamat po ulit. Hintay niyo nalang po yung next Chap. Pagsisikapan ko pong mas pagandahin pa yung story!!!!!.

FearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon