[Special Chap] "CHERRY AND LORNA"

157 15 0
                                    

[A/N]

Guys, paalala lang po yung chap. na ito po ay tungkol sa istorya ng White lady at Black lady...

Kung bakit sila naging ganoon...

Anong connect ni Chesca sa kanila...

At kung bakit nila iyon ginagawa...

Eto po yung pinakita ng white lady kay Chesca...

**************

(Third Person's POV)

"Bayan ng Magallanes Cavite"

Tahimik lamang at nakayuko ang isang babae na naglalakad sa corridor ng bagong school na pinapasukan niya. Lagi kasi itong nabubully dahil sa taglay nitong mahinang memorya at dahil narin sa nanay nitong kilalang-kilala ng lahat sa pagiging kabit. Kaya ayaw na nitong mabully ngayon sa bago niyang school.

Laking gulat ng babae ng biglang may tumulak sa kanya ng pagkalakas-lakas mula sa kanyang likuran na naging sanhi rin upang masalubsob siya sa sahig.

Kumawala ang malalakas na tawanan sa buong corridor.

Dahan-dahang iniangat ng dalaga ang kanyang mukha upang makita ang gumawa nito. Pigil siyang ilabas ang kanyang mga luha dahil ayaw niyang muling matawag na talunan.

"Transfery ka pala dito ha, meet Izelle, Tyra and me Amanda. We are the campus bullies and also beauties.....and we like to play with weirdoe!" Muling kumawala ang malalakas na tawanan kahit wala namang nakakatuwa. Ayaw kasi nilang madamag kaya maigi na lang na suportahan nila ang tatlo sa pamamagitan ng tawa.

"Im not weirdo" mahina ngunit madiin na sagot ng babae. Tumayo ito at hinarap ang tatlo.

"Amanda, mukhang lalaban"ani Tyra habang nakangisi.

"Lalaban ka?" Maangas na sabi ni Amanda at walang sabi-sabing sinampal ang babae ng pagkakalakas-lakas. Agad napahawak ang babae sa kanyang pisngi. Susugurin na niya dapat ang tatlo ngunit.

"Anong kaguluhan to? Ha!" Ani ng isang babae. Maganda ito't makinis ang balat. "Wala ba talaga kayong ibang kayang gawin kundi mang bully ha?!" Dagdag pa nito.

"And sino ka naman para pagsalitaan ako ng ganyan?" Mataray na sabi ni Amanda.

"Im, Cherry Francisco daughter ng may ari nitong school na si Dr. Diego Francisco...." taas noong pagpapakilala nito. Agad na nagbulungan ang mga tao sa paligid.

"Kaya kung ako sa inyo lumayas-layas na kayo sa harap ko kung yaw niyong matanggal sa school nato!" Banta ni Cherry. Dali-daling umalis ang tatlo at tumakbo papalayo. Samantalang naiwan namang tulala ang babae. "Kayo anong tinutunganga niyo diyaan?" Mataray na sabi ni Cherry sa mga studyanteng nakatingin lang sa kanila. Agad ring nagsialisan ang mg estudyante dahil takot silang mapatalsik sa eskwelahang ito.

"T-thank you" utal na sabi ng babae habang nakayuko. Napangiti si Cherry at itinaas ang mukha ng babae.

"Di ka naman panget, bakit lagi kang nakayuko?" Tanong ni Cherry dito.

"W-wala po, a-ayoko lang pong mabully ulit" tugon nito. Natawa nanam ng mahina si Cherry.

"Alam mo kung bakit ka laging nabubully?" Tanong ni Cherry. Umiling-iling naman ang babae bilang tugon "kasi mukha kang lampa" ani Cherry. Inalis nito ang puyod na nakatali sa mahabang buhok ng babae, sinuklayan niya ang buhok nito, inesprayan ng pabango at tinuruan niya ng maayos na pagtindig. "Yan mukha ka ng tao, maganda ka naman kasi eh, ayaw mo lang ilabas" ani Cherry.

FearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon