(Third person's POV)
Ang magkakaibigan na sina Chesca,Anna,Shaila,Oliver,Carl at Christian ay sakalukuyang nasa ospital sa Manila, dahil sa mga damage at sugat na natamo nila nang sila ay nadisgrasya. Sina Chesca,Shaila, at Christian ay nasa iiisang room lamang, samantalang ang magkapatid naman na sina Anna at Oliver ay magkasama sa di kalayuang kwarto malapit kina Chesca at si Carl naman ay solo sa isang kwarto malayo sa kanila.
(Chesca's POV)
"Chesca......Chesca........Chesca..." tawag sa akin ng isang pamilyar na boses.
"Chesca.....Chesca.....Chesca..." nakikita ko na siya. Na sa di kalayuan siya, kaso hindi ko siya maaninag dahil masyadong maliwanag.
"CHESCA!!!!!!!CHESCA!!!!!!!" ang dating mahina at mahinahon na pagtawag niya sa akin ngayon ay isa ng nakapangingilabot na sigaw.
"A-anong kailangan mo sa akin?! Sino ka?!" Tanong ko sa kanya.
"Chesca....si carl......Mapapahamak siya..mapapahamak ang kaibigan mo!!" sabi sa akin ng babaeng kanina pa tunatawag sa akin na ngayo'y nasa likod ko na. Niyakap niya ako, ramdam na ramdam ko ang malamig niyang katawan at ang kamay niyang maputla na may Dugo!!! May Dugo pala yung kamay at katawan niya nakasuot siya ng puti, siya yung White lady na nagpapakita sa akin pagmay mamamatay!!!!.....
"AHHHHHHHHH!!!!!!!!!!"
"Chesca, Chesca gising, gising, nananaginip ka, Chesca" naririnig ko ang boses ni Christian pero hindi ko magawang maidilat at magalaw ang aking katawan.
"NA-NASAAN AKO?!" Ako lang ang mag-isa ngayon dito sa kwarto na sa tingin ko ay kwarto sa isang Ospital, walang laman tong kwarto tanging ako lang at ang hospital bed na kinauupuan ko ngayon ang laman nito. Hindi ko alam kung bakit biglang natoon ko nalang ang pansin ko sa pader na nasatapat ng higaan ko, teteka bakit parang umaalon ang pader?! Bakit parang na ngingitim yung puting pader?! Ba-bakit parang may pilit gusto pumasok?!
"SINO KA?! SINO KA?! SUMAGOT KA!!!" Natatakot na ako! Hindi nanaman ako makagalaw, gusto kong tumakbo pero hindi ko kaya.
Teka parang may Ulong nalabas sa pader?! Patuloy parin ito sa pagpasok! Pero di talaga ako makagalaw. bakit ganto?! Tulong,
Tulungan niyo ako!!!
BLAG!!!BLAG!!!TOK!!!BLAG!!!!!!!
"SINO YAN?! PLEASE TIGILAN MO NA AKO!!! AYOKO NA!!! PLEASE!!!" sigaw ko sa sino mang nakalabog ng pintuan ng kwarto. Saglit na natunton ko ang pansin ko sa pintuang patuloy parin sa pagkalabog at nakalimutan ko ang tungkol sa pader, ng tignan ko muli ito.........................Ang kaninang nakalabas na ulo ay ngayon ay nakapasok na ng tuluyan at siya'y nasa paanan ko na, nakadungaw siya roon. Ang babaeng puti! Dahil sa TAKOT ay napaurong ako sa dulo ng higaan at niyakap ang aking sarili. Hindi ako makatakbo gusto ko ng tumakbo pero ayaw kumilos ng dalawa kong paa. Nang silipin ko muli ang babaeng puti. Siya ay nasa kama ko na at gumagapang ng dahan-dahan papalapit sa akin.

BINABASA MO ANG
Fear
Horror××× 7-teenagers 7-FEARS 1-past story 1-mystery to solve 1-solution.......... si Chesca ay isang dalagang nag-iisa na lamang sa buhay, simula ng mamatay ang kanyang mga magulang. Simula noon ay hindi...