(Chapter 17) "New Life"

104 16 1
                                        

Sorry for the super-duper late update...

Vote/Comment/Share

******************

1 year later...

(Chesca's POV)

Isang taon na ang nakalipas pero sariwa parin sa akin ang sakit... ang hirap na naramdaman namin...

Ibang-iba na ang pamumuhay ko ngayon... kasama ko na ngayon ang Tita Lorein ko at ang pinsan kong sina Leslie at Darren dito sa manila sa dati ko paring bahay. Umuwi sila dito sa pilipinas galing London upang alagaan ako at suportahan. Nabalitaan kasi nila na nag-iisa lang pala ako sa buhay at tanging ang lola Celia ko lang ang sumusuporta sa akin sa aking pangangailangan na nasa America. Si tita Lorein ay ang bunsong kapatid ni Mommy. At masaya ako at dumating sila sa buhay ko..

"Anak, di'ba sinabi ko sayo. Wag mo munang buklatin yang photo album niyong magkakibigan! Sariwa pa ang lahat ng nangyari sa'yo" may sinseredad sa mga boses nito. And yes, anak ang tawag niya sa akin. Tinuturing na niya akong tunay na anak at tunay na mommy rin ang turing ko sa kanya, ako rin ang tumatayong ate sa dalawa niyang anak na maliit pa.

"Mommy, I miss them so bad" hindi ko na napigil ang emsoyon ko. Tuluyan na akong umiyak.

"I miss them! I miss Christian so Much!"

Naramdaman kong niyakap niya ako at hinimas-himas ang likod ko.
"Shhss,,, Chesca, anak please dont cry" sinser na sabi niya.

"Ate, Ekay! You're crying again" narinig kong sabi ni Darren na bu-bulol-bulol pa. Hinamas-himas niya ang ulo ko na para bang ako ang bata at siya ang nakatatanda. And yes, ate Ekay ang tawag niya sa akin parang Ericka lang...

"bakit ko ba nabangit na naman si Ericka! Namimiss ko na talaga sila!"

"Ate, pag 'di ka tumigil... iiyak din ako." Naka-pout na sabi niya. Natawa ako ng mahina ng dahil doon at pinunasan ang aking mga luha.

"Sige na, hindi na ako iiyak" sabi ko sabay yakap din sa kanya. Narinig kong bumukas ang pinto at mula roon ay pumasok ang dalawang maputi at magandang mga babae na sina Anna at Rica. Si Rica ay ang bago naming kaibigan. Maganda siya mabait at masayahin.

"O, ayan ang kaibigan niyo nagdra-drama na naman" mommy Lorein.

"Mom!" Sabi ko.

"O siya, diyan muna kayo sa sala at maghahanda ako ng makakain..." ani Mommy sabay bitbit kay Darren at magtungo sa kusina.

"Friend, kamusta kana?" Tanong sa akin ni Rica. Samantalang tinitignan naman ni Anna ang album na binuksan ko kanina, ang mga pictures naming magkakaibigan at aking pamilya.

"O-okay naman. Teka, dalawang araw lang tayong di nagkita ha? Maka-makakamusta ka naman!" Matawa-tawang tugon ko.

"Wala lang..." sabi niya sabay ngiti at yakap sa akin ng mahigpit na para bang dalawang taon kaming di nagkita.

"Sino to?" Tanong sa akin ni Anna sabay tutok sa akin ng isang picture.

naitago ko rin pala yung baby picture namin ng pisan ko.

Marahil ay naka-move on narin siya sa nangyari. Pagkatapos kasi ng nangyari ay nagbakasyon sila ng pamilya niya sa Korea ng Tatlong buwan. Ayaw niya sanang sumama dahil alam niyang maiiwan na naman ako ng mag-isa, ngunit mapilit ang kanyang magulang. Sabagay makakatulong iyon sa kanila upang makalimutan ang lahat.

"Ahhhh, ako yang nasa kaliwa na baby at yung katabi ko naman ay yung ikinuwento ko sayong si Skylar yung pinsan ko" tugon ko.

Tumango-tango naman siya "Ahhh, kailan ba kayo huling nagkita bakit parang di na kayo muling nagkikita?" Tanong ni Anna. Naikukuwento ko kasi sa kanya si Skylar ang pinsan kong tinuring ko naring kapatid, dahil lagi kaming magkasama since pinanganak kami at natigil lang yoon ng lumipat sila sa Batanggas.

FearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon