✘Authors Note: ✘
Especial Thanks to: Axendria_Maiden sa pagiging kaibigan ko, kay MissVanyaBorgia sa pagiging Kaibigan at suporter sa story ko at kay GoddessMia Sa pag Flood Votes sa Fear. Maraming salámat din sa mga nágbasasa nitong story nato mapa-silent o active reader man.... Thank you ulit!
GOD BLESS ★
-Jem
(Third Persons POV)
"CHRISTIAN!!!" sigaw ni Chesca ng makitang bumaksak sa sahig si Christian...
"Oliver tumawag ka ng ambulansya!" Utos ni Chesca. Agad namang sumunod si Oliver.
"Kailangan na nating tapusin to, bago pa tayo mabawasan muli" desido na siyang lutasin ang lahat. Ngunit papaano?
Bigla niyang na-alala ang sabi noon ng kanyang ina...
*Flash Back*
"Anak,tandaan mo. Na ang lahat ng problema ay may solusyon at kasagutan." Sabi ng ina nito sa kanyang nag-iisang anak.
"Eh, mommy how about if, ang kalaban mo eh yung mga zombie, vampire malalabanan niyo po ba sila pati yung mga mumu sa horror movie. Di ba po problema din yun?" Tanong ng batang si Chesca.
Ginulo nito ang buhok ng kanyang anak "ikaw talaga, ang bata-bata pa lang ang hilig na sa horror movies. Pero gaya nga ng sabi ko. May solusyon iyon... isang solusyon..." sabi nito sa kanyang anak.
"Ano po yun?" Interesadong tanong ng batang si Chesca.
"Ang Diyos. ang ating Diyos lamang ang solusyon sa lahat ng problema..." sagot nito.
"Ah! So pagtinawag ko po siya pag may problema dadating po siya?" Tanong muli nito.
"Hindi mo siya makikita anak, ngunit mararamdaman mo ang prisensya niya..." sagot nito...
"Ang galing mo talaga mommy ang dami mong alam" nakangiting sabi ng batang si Chesca sa kanyang ina sabay yakap dito at bigay ng malambing na halik sa pisngi.
"Your the best mom ever!" Masayang sabi nito sa kanyang nanay.
"And your the best daughter ever!" Ganti nito sa kanyang anak.
*End Of Flash Back*
"Magtitiwala pa ba ako sa Diyos? Kinuha niya ang mga espesyal na tao sa buhay ko! Madamot siya!" Sabi ni Chesca sa kanyang sarili.
Dali-daling bumalik si Oliver
"Papunta na sila!" Sabi nito.
"Anna" malungkot na tawag ni Shaila rito habang umiiyak.
"Shaila I will be alright, dont cry"
halatang hirap na hirap si Anna sa pag-sasalita.
"Shss...dont speak Anna. Mag pahinga ka na lang, parating na ang ambulansya..." sabi ng kanyang kuya.
"Si kuya ang O.A kaya ko pang tumayo oh!" Sabi ni Anna. Tatayo na sana siya ng pigilan siya ni Chesca.
"Best, wag ka munang gumalaw okay?! Baka may mabali pa sa mga buto mo pagpinilit mong tumayo" sinser na sabi nito. Tumango naman si Anna at humiga na lamang.
Tila nabuhayan ang lahat ng marinig ang sirena ng ambulansya...
"You will be okay Anna" sabi ni Chesca sabay yakap sa kanyang bestfriend...
BINABASA MO ANG
Fear
Horror××× 7-teenagers 7-FEARS 1-past story 1-mystery to solve 1-solution.......... si Chesca ay isang dalagang nag-iisa na lamang sa buhay, simula ng mamatay ang kanyang mga magulang. Simula noon ay hindi...