(Third person's POV)
Saturday May 28,2012
Time check: 6:00
"Sa Bayan ng Magallanes Cavite"
"Sa bundok kung saan nanggaling ang mag-kakaibigan."
Tuwing sabado ay may na dalaw ditong mga grupo ng taong nag-aalay ng dasal sa tapat ng malaking puno upang isilyo o ikulong ang babaeng itim sa loob ng puno upang hindi na ito makapanakit at mang gulo pa sa ibang tao at upang manahimik narin ito.
Napahinto ang buong grupo sa pag-lalakad dahil huminto ang kanilang pinuno na nasa unahan nila.
"Bakit po aming pinuno? Bakit po tayo huminto?" tanong ng isa sa kanilang kasamahan.
"Nawawala ang masamang espiritu sa loob ng puno." sabi ng pinuno nilang si Mang. Josepino.
"Nawawala po ang itim na babae?" paniniguro ng mga kasamahan niya.
"Oo" sabi ni Mang. Josepino sabay pumikit.
"May nakikita akong isang grupo ng kabataan na pumunta dito noong huling sabado at kumapit ang babaeng itim sa kanila." sabi ni mang. Josepino.
"Eh ang babaeng puti naman po nasaan?" tanong ni Christian apo ni mang. Josepino.
"Nawawala rin siya ngunit hindi ko siya mahanap. Pero alam ko naman na wala siyang gagawing masama." sagot ni mang. Josepino.
"Ano po? Kailangan natin silang matulungan!!!" sabi ng isa nilang kasamahan na mukhang takot na takot.
"Sige. Aalamin ko kung nasaan sila. Pero may mapapahamak na isa sa kanila ngayon. Kaya hanggat hindi pa lumalala ang lahat dapat pumunta na tayo roon. Christian samahan mo ko tuntunin sila." sabi ni mang. Josepino.
"Opo" maikling sagot ng binata.
***********************
(Johan's POV)
Saturday May 28,2012
Time check: 9:00 pm
Nandito kami ngayon sa isang restaurant mag-trotropa, kumpleto kami ngayon,nag-kakainan, kuwentuhan, at tawanan.
"Grabe talaga yung nang-yari nung last saturday no. Nakakatawa yung mukha nating lahat halos hindi maipinta lalong-lalo na kay Oliver. Hahahahahahaha" sabi ni Carl sabay tawanan ang lahat.
"Pero grabe. Totoo kaya yun?" tanong ko.
"Ako, sa tingin ko totoo yun kasi may nabalita doong dalawang babaeng nag-pakamatay." sabi ni Ericka.
"Taga doon daw ba yung dalawang babae?" tanong ni Chesca na mukhang napaka seryoso.
"Uhm......hindi ko sila kilala eh at hindi ko mismo sila na kita dahil balibalita lang yun doon sa amin. Bakit mo naman yun natanong." tanong ni Ericka.
"Ahhhhhhh wala lang....."sagot ni Chesca.
"Bakit kaya mukhang ang lalim ng iniisip nito ni Chesca?" tanong ko sa aking sarili.
*****************
(Chesca's POV)
Pag-katapos namin kumain at mag-kuwentuhan, ay isa-isa na kaming umuwi.
Time check: 10:25 pm
" 10:25 na pala.kailangan ko ng matulog."
Habang nakahiga sa aking kama ay bumalik sa aking isip yung pinag-kuwentuhan naming mag-kakaibigan yung tungkol sa aming mga kinakatakutan.
![](https://img.wattpad.com/cover/24452734-288-k373977.jpg)
BINABASA MO ANG
Fear
Horror××× 7-teenagers 7-FEARS 1-past story 1-mystery to solve 1-solution.......... si Chesca ay isang dalagang nag-iisa na lamang sa buhay, simula ng mamatay ang kanyang mga magulang. Simula noon ay hindi...