(Chapter 11) "PEDIOPHOBIA"

263 19 1
                                    

(Third person's POV)

Abala ang magkakaibigan sa paghahanda upang makaalis na sina Anna at Christian sa ospital, desidido na silang tapusin ang lahat-lahat ngayon.

*Beep*

From: Mama

Anak, uwi ka muna saglit may surprise ako sayo......

Basa ni Shaila sa text sa kanya ng nanay niya.

"Guyz, pwede bang umalis muna ako ng saglit. Pinapa-uwi muna ako ni mama eh!" Paalam ni Shaila sa mga kaibigan. Tumango naman ang mga ito bilang sagot.

"Shai" tawag ni Chesca sa kaibigan.

"Yup" tugon ni Shaila sa kaibigan.

"Ma-mag iingat ka" ani Chesca. Tila may gustong iparating si Chesca. Nakadama naman ng takot si Shaila sa bilin ni Chesca.

"Si-sige" pilit siyang ngumiti sa mga kaibigan.

"Shai, mamayang 8:00 ng gabi ha, sa lumang simbahan" paalala ni Christian sa paalis ng si Shaila. Ngumiti ito at tumango.

"Okay, asahan niyo ko" tugon nito at tuluyan ng umalis.

May kakaibang nararamdaman si Shaila habang naglalakad sa coridor ng ospital, tila ba may kanina pang nakamasid sa kanya. Agad niyang binilisan ang kanyang paglalakad.

*********
"Ate!" Bati ni Sheryl. Ang nakababatang kapatid ni Shaila. Hawak nito ang paborito nitong manika nasi Aby. May pagkakahawig si Aby sa isang sikat na horror doll na si Annabelle.

"H-hello" naiilang si Shaila na tignan ang manika ng kapatid kaya agad rin itong umalis at tinungo ang kwarto niya.

"Bakit walang laman ang kwarto ko?" Takang tanong ni Shaila sa kanyang sarili.

"Shaila, anak" rinig na tawag ni Shaila sa kanya ng nanay niya na nasa ibaba.

"MAMA! NANDITO PO AKO SA KWARTO KO" sigaw ni Shaila. Rinig na rinig niya ang yabag ng nanay niya papunta sa kanyang kwarto.

"Anak, may sorpresa ako sayo!" Masayang bungad sa kanya ng kanyang ina.

"Ma bakit po walang lama-" hindi niya na naipatuloy ang kanyang itatanong nanh biglang nagsalita ang kanyang ina.

"Anak, wag ka ng mag tanong! Basta't sumama ka nalang sa akin" yaya ng nanay niya sabay hila sa kanya pababa. Hindi na nito nadala pa ang kanyang bag na naglalamanp ng kanyang wallet at cellphone...

Nang makababa na ay agad siyang piniringan ng kanyang nanay at inilabas ng bahay.

"Ma! Ano pong kalukohan to?!" Nalilito na si Shaila sa inaakto ng kanyang nanay. Parang sobrang saya nito at mukhang napakaganda ng isusurpresa nito sa kanya.....

"Shusss.....sumunod ka na lang!" Saway ng kanyang ina. Wala na itong nagawa kaya sumunod na lang ito. Sumakay sila ng tricyle. Hindi walang sabi-sabing umandar ang tricyle na para bang alam na nito ang kanyang pupuntahan...

Makalipas ang ilang minuto ay bumaba rin sila sa tricyle. Binyaran ito ng kanyang ina at nag thank you. Hanggang ngayon ay nakapiring parin si Shaila.

"Anak, ready ka naba?" Puno ng galak na tanong ng kanyang ina.

Tumango naman ito bilang sagot.

"Taran!!!" Kasabay noon ay ang pagtangal nito ng telang naka-piring sa anak.laking tuwa ni Shaila sa nakita... hindi ito makapaniwala.

FearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon